backup og meta

Pag-Inom Ng Amlodipine Na Walang Reseta, Dapat Ba Itong Gawin?

Pag-Inom Ng Amlodipine Na Walang Reseta, Dapat Ba Itong Gawin?

Ang pag-inom ng amlodipine na walang reseta ay naging kaugalian ng ilang mga Pilipino na may altapresyon. Subalit ang ganitong praktis ay hindi dapat tangkilikin dahil maaari itong mauwi sa pagkakaroon ng mga medikal na komplikasyon. Mahalaga ang pagpapakonsulta sa doktor upang malaman kung ano ang pinakaugat ng iyong altapresyon at maibigay sa’yo ang wastong paggamot. 

Gayunpaman sa kabila ng kahalagahan ng pagpapakonsulta, marami pa ring mga Pilipino ang pinipili na mag-self-diagnosis at self-medicate. Dahil sa kagustuhan na makatipid sa gastos, ang pag-inom ng amlodipine na walang reseta ng doktor ay hindi naging bago sa Pilipinas. Ngunit ang ganitong praktis ng mga Pilipino ay maaaring maging dahilan ng pagkamatay ng isang tao, lalo na kung magiging sanhi ang maling pag-inom ng gamot sa paglala ng karamdaman.

Ano Ang Amlodipine?

Ang amlodipine ay gamot na ginagamit para gamutin ang pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo ng isang indibidwal. Dagdag pa rito, ayon sa iba’t ibang artikulo at pag-aaral kapag ang isang tao ay may altapresyon ang pag-inom ng amlodipine ay makakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng mga sumusunod sa hinaharap:

  • Sakit sa puso
  • Atake sa puso
  • Stroke

Nagagamit din amlodipine para maiwasan ang pananakit ng dibdib na sanhi ng sakit sa puso (angina). Maaaring gamitin ang amlodipine nang nag-iisa o may kasamang iba pang gamot para gamutin ang mataas na presyon ng dugo.

Huwag mo ring kakalimutan na ang amlodipine ay kasama sa isang uri ng mga gamot na bilang “calcium channel blockers.”

Paano Ginagamit Ang Amlodipine?

Makukuha lamang ang gamot na ito kapag ikaw ay nabigyan ng reseta ng doktor, at dapat mong sundin ang panuto na ibibigay nila sa’yo. Kinakailangan mo rin na sundin ang mga direksyon na nasa iyong prescription label, at kung sakali na hindi mo ito maunawaan maaari kang magtanong sa’yong doktor. Hindi ito dapat inumin ng sobra o kulang kaya mahalaga na makausap mo ang iyong doktor para malaman mo ang angkop na amount na dapat inumin.

Anu-Ano Ang Mga Posibleng Side-Effect Sa Pag-Inom Ng Amlodipine?

  • Pagkakaroon ng pamamaga ng binti at paa
  • Pagkaantok
  • Pagkahilo
  • Pagsakit ng tiyan
  • Mabilis na pagtibok ng puso
  • Hypotension

Ang mga side-effect na nabanggit ay pwedeng maranasan sa pag-inom ng amlodipine, subalit hindi naman ito palagiang nangyayari. Lagi mo ring tatandaan na sa oras na ang mga side-effect na ito ay hindi nawala, magpakonsulta agad sa doktor.

Pag-Inom Ng Amlodipine Na Walang Reseta, Bakit Hindi Ito Dapat Gawin?

Maaring magdulot ng hypotension o mababang presyon ng dugo ang pag-inom ng amlodipine. Ito’y lalo na kung ang isang tao ay nagtataglay ng malubhang aortic stenosis. Kaya napakahalaga na magpakonsulta muna sa doktor bago uminom ng gamot na ito para maiwasan ang ganitong mga medikal na kondisyon na maaaring mauwi sa komplikasyon. 

Dagdag pa rito, maaari kasing makaranas ang isang indibidwal ng mga sintomas ng hypotension kapag naging mali ang kanilang naging pag-inom gaya ng panghihina, pagkapagod, at pagsusuka.

Key Takeaways

Mahalaga na magkaroon ka ng konsultasyon sa doktor upang makatanggap ng kumpirmasyon sa sakit. Importante na maiwasan ang maling diagnosis at paggamot. Tandaan mo rin na bago inumin ang amlodipine dapat mong sabihin sa’yong doktor ang iyong kasalukuyang mga gamot na iniinom. Mahalaga ring ipaalam ang estado ng iyong kalusugan, dahil ang dosage ng gamot na ibibigay sa’yo ay nakadepende sa’yong kondisyon.
Iwasan rin ang pagsasagawa ng self-diagnosis at self-medicate para lang makatipid sa gastos, sapagkat maaaring humantong ito sa pagsasagawa mo ng maling paggamot at maging sanhi pa nang paglala ng iyong karamdaman. Maganda kung may makakausap kang doktor para mas maunawaan mo kung paano haharapin ang iyong sakit at paano ito gagamutin.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Amlodipine (Oral Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/amlodipine-oral-route/precautions/drg-20061784?p=1#:~:text=It%20works%20by%20affecting%20the,only%20with%20your%20doctor’s%20prescription, Accessed September 2, 2022

Amlodipine Besylate 2.5 MG— amlodipine besylate tablet, Amlodipine Besylate 5 MG— amlodipine besylate tablet, Amlodipine Besylate 10 MG— amlodipine besylate tablet, https://dailymed.nlm.nih.gov/dailymed/drugInfo.cfm?setid=705d4471-b1bc-49a7-a871-9c03f886b69e, Accessed September 2, 2022

NORVASC- amlodipine besylate tablet, https://dailymed.nlm.nih.gov/dailymed/drugInfo.cfm?setid=abd6a2ca-40c2-485c-bc53-db1c652505ed, Accessed September 2, 2022

Amlodipine, https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a692044.html, Accessed September 2, 2022

How and when to take amlodipine, https://www.nhs.uk/medicines/amlodipine/how-and-when-to-take-amlodipine/, Accessed September 2, 2022

Kasalukuyang Version

04/23/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Altapresyon: Mga Maling Paniniwala na Dapat nang Baguhin

Stages ng High Blood: Anu-ano Ang mga Ito?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement