Sa kasalukuyan, patuloy na dumarami ang kaso ng obesity sa buong mundo. Dahil ang pagdagdag ng timbang ay kaugnay ng pagtaas ng banta ng pagkakaroon ng nakamamatay na sakit tulad ng hypertension o type 2 diabetes, maraming nagsasagawa ng non-invasive pharmacotherapeutics na gamot upang labanan ang obesity na humahantong sa malalang sakit tulad ng diabetes. Ang Semaglutide o Ozempic ay kinilala bilang bagong epektibong lunas sa obesity, ngunit paano ito nagiging epektibo at ano ang nagagawa ng Ozempic para sa Diabetes? Basahin at alamin.
Ano ang Ozempic o Semaglutide?
Ano ang epekto ng Ozempic para sa Diabetes? Ang Ozempic o Semaglutide ay bagong gamot na maaaring makatulong sa pagbawas ng timbang, lalong-lalo na sa mga diabetic. Ang epekto ng gamot ay ipinakita sa clinical trial na pinangunahan ni Professor Rachel Betterham sa University College London (UCL) upang mataya ang pagiging epektibo ng gamot sa pag-manage ng timbang.
Kabilang sa pag-aaral ang nasa 2000 mga tao sa iba’t ibang bansa. Bawat kalahok ay binigyan ng 2.4 mg na dose ng semaglutide o placebo kada linggo. Binigyan din sila ng counselling sessions mula sa dietitians upang makatulong na manatili sa diet na pagbawas ng calorie at mas mag-ehersisyo.
Nag-ulat ang pag-aaral ng average na pagbawas ng timbang ng nasa 2.4 stone o 15.3 kg na bawas sa pangkat ng mga kalahok na umiinom ng gamot, at ang ibang nakatatanggap ng placebo (dummy na gamot) ay nabawasan lamang ng nasa average na 0.4 stone o 2.6kg.
Paano nagiging Epektibo ang Ozempic para sa Diabetes?
Ang Ozempic o Semaglutide ay tinatawag na GLP-1 (o glucagon-like peptide-1) agonist. Ibig sabihin nito na naka-bind ang GLP-1 receptor sa utak at nagpapataas ng aktibidad, na maraming mga downstream na epekto. Halimbawa, kung na-activate, ang receptor ay maaaring mag-trigger ng pagtaas ng hormones na tinatawag na ‘incretins’ na nakatutulong na:
- Mag-produce ng insulin sa katawan kung kinakailangan
- Bawasan ang dami ng hindi kinakailangang glucose (sugar) na inire-release ng atay
- Ibaba ang rate ng pagtunaw ng pagkain sa tiyan
- Bawasan ang gana sa pagkain na nagreresulta sa pagbawas ng pagkonsumo ng pagkain
Mula sa mga epekto nito, nakatutulong ang Ozempic para sa diabetes upang i-manage ang sakit.
Dosage ng Ozempic
Description
Ang Ozempic (semaglutide) injection ay naglalaman ng semaglutide, na ginaya ang hormone na GLP 1 na nakatutulong para maglabas ng insulin ang katawan. Sa ganitong paraan, napapababa ng Ozempic ang blood sugar levels.
Dosage at Administration
- Bago gamitin ang gamot, siguraduhin na mayroong gabay at patnubay ng doktor.
- Suriing mabuti ang Ozempic bago gamitin. Kailangan na ito ay clear at colorless. Huwag ito gamitin kung mayroong nasa loob at nag-iba ng kulay.
- Simulan ang Ozempic na may 0.25 mg subcutaneous injection isang beses kada linggo sa loob ng 4 na linggo. Ang 0.25 mg na dose ay para sa paunang lunas at hindi epektibo para sa pagkontrol ng glycemic.
- Matapos ang 4 na linggo ng 0.25 mg dosage, taasan ito ng 0.5 mg kada linggo.
- Iturok ito sa tiyan, hita, o itaas na bahagi ng braso. Iturok sa ibang bahagi kung ituturok sa parehong parte ng katawan.
- Sa paggamit ng Ozempic kasabay ng insulin, paghiwalayin ang pagturok at huwag paghaluin ang produkto.
Contraindication
Ang Ozempic ay contraindicated sa mga pasyenteng may:
- Personal o family history ng thyroid carcinoma (MTC) o sa mga pasyenteng may Multiple Endocrine Neoplasia syndrome type 3
- Seryosong hypersensitivity reaction sa semaglutide o sa kahit na anong excipients sa Ozempic. Kabilang dito ang anaphylaxis at angioedema.
Adverse Reactions
Ang mga sumusunod ay may seryosong adverse na reaksyon:
- Banta na magkaroon ng Thyroid C-cell Tumors
- Pancreatitis
- Diabetic Retinopathy Complications
- Hypoglycemia with Concomitant Use of Insulin Secretagogues o Insulin
- Acute Kidney Injury
- Hypersensitivity
- Acute Gallbladder
Interaction sa Ibang Gamot
Concomitant Use with an Insulin Secretagogue (e.g., Sulfonylurea) o may Insulin
- Ikonsidera ang pagbawas ang dose ng concomitantly administered insulin secretagogue (tulad ng sulfonylureas) o insulin upang mabawasan ang banta ng hypoglycemia
Oral na Gamot
- Ang Ozempic ay nagiging sanhi ng delay ng pagbawas ng gastric, kaya’t may potensyal na magkaroon ng impact sa absorption ng concomitantly administered na oral na gamot.
Ligtas ba ito sa Buntis?
- Limitado lamang ang data ng Ozempic sa paggamit ng mga buntis tungkol sa banta ng adverse na development outcome. Laging humingi ng payo ng doktor sa pagkonsumo ng gamot.
Side Effect ng Ozempic
Gaya ng ibang medikal na lunas, mayroong mga potensyal na side effect ang paggamit ng Ozempic para sa Diabetes. Ilan sa mga side effects na karaniwan ay:
- Kabawasan ng gana sa pagkain
- Pagdighay
- Constipation
- Diarrhea
- Pagkahilo
- Fatigue
- Sakit sa tiyan
- Gastrointestinal disorder
- Hypoglycaemia (kung gagamitin na may kombinasyon ng insulin o sulfonylureas)
- Pagsusuka
- Pagduruwal
- Pagbawas ng timbang
Ang ibang mga hindi karaniwang side effects na maaaring maranasan ay kabilang ang pancreatitis at pagbabago ng panlasa. Kung nakaramdam ng sintomas na labis na sakit ng tiyan, tigilan ang pagkonsumo ng gamot.
Kung nagpatuloy ang lala ng sakit, mahalaga na humingi ng agarang medikal na tulong.