Ano ang Driptane? Ang Driptane ay brand name ng gamot na oxybutynin. Ang oxybutynin ay isang antispasmodic na gumagamot sa mga problema sa pagkontrol ng pantog, tulad ng incontinence at polyuria (madalas na pag-ihi).
Ano ang Driptane: Mga Gamit
Saan Ginagamit ang Driptane?
Karaniwang ginagamit ang driptane sa paggamot ng:
- Urinary incontinence (hindi makontrol na pag-ihi sa araw o gabi)
- Urinary urgency (pangangailangang umihi agad)
- Sobrang dalas na pag-ihi
- Neurogenic vesical disorders
Paano ko dapat inumin ang Driptane?
Sa pag-inom ng gamot na ito, kailangan mong:
- Sundin ang eksaktong reseta ng doktor
- Inumin
- Kailangang inumin ang tableta bago kumain kasabay ng isang basong tubig
- Maaaring inumin habang kumakain o kasabay ng isang basong gatas kung masakit ang tiyan
Paano mag-imbak ng Driptane?
Pinakamagandang iimbak ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at basa. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.
Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa panuto. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.
Ano ang Driptane: Mga Pag-iingat Babala
Ano ang dapat kong malaman bago uminom ng Driptane?
Bago gumamit ng gamot na ito, dapat alam mo na:
- Kailangang makita ka ng iyong doktor matapos ang 4 hanggang 6 na linggo upang muling masuri ang iyong gamutan
- Hindi dapat gamitin ang oxybutynin sa paggamot ng urinary incontinence na dulot ng stress o effort.
- Dapat na gamitin ang oxybutynin hydrochloride nang may pag-iingat sa mga matatandang pasyente, mga batang mas sensitibo sa mga epekto ng oxybutynin, at mga pasyenteng may autonomic neuropathy, hiatus hernia, o iba pang malubhang gastrointestinal na mga sintomas, sakit sa atay at bato, tachyarrhythmia o cerebrovascular insufficiency.
- Matapos gamitin ang oxybutynin, posibleng lumala ang mga sintomas o side effect sa mga pasyenteng may hyperthyroidism (overactive thyroid), ilang problema sa puso (coronary artery disease, congestive heart failure, cardiac arrhythmias, tachycardia) at prostatic hypertrophy (lumaking prostate volume). Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sakit na ito, kontakin ang iyong doktor.
- Ang matagalang paggamit ng oxybutynin ay maaaring mauwi sa hindi magandang pakiramdam dulot ng salivary failure na sanhi ng pagkakaroon ng caries, gingivitis, o candidiasis ng oral cavity (isang fungal infection sa bibig). Kailangang mabigyan ng tamang antimicrobial therapy ang urinary tract infection.
- Sa mga kondisyong mataas ang temperatura ng kapaligiran, ang gamutan gamit ang oxybutynin ay maaaring maging sanhi ng pagkabawas sa pagpapawis at magreresulta sa kakulangan at hindi katanggap-tanggap na sagot ng mekanismong kumokontrol ng temperatura sa pamamagitan ng paglitaw ng heatstroke. Tumataas ang panganib na ito sa matatanda o mga sobrang bata (matatanda, sanggol, at mga bata) o ang pagkakaroon ng matagal nang sakit (tulad ng cardiovascular, renal, o psychiatric).
Ligtas ba itong gamitin ng buntis at nagpapasuso?
Ang Driptane ay pregnancy category B na gamot. Ibig sabihin, walang nakitang panganib sa fetus ang gamot na ito na isinagawa sa mga hayop. Ngunit wala pang sapat na pag-aaral nito sa mga tao. Kaya naman, inumin lamang ang gamot na ito kung inirekomenda ng doktor.
Ano ang Driptane: Mga Side Effect
Anong mga side effect ang maaaring lumitaw sa paggamit ng Driptane?
Kabilang sa mga side effect na puwedeng mangyari sa paggamit ng gamot na ito ang:
- Pagkatuyo ng bibig
- Constipation
- Paglabo ng paningin
- Mydriasis (widening of the pupil)
- Tachycardia (mabilis na tibok ng puso)
- Pagduduwal
- Pananakit ng tiyan
- Flushing
- Agitation
- Nahihirapang umihi (dysuria)
- Pagtatae
- GERD
- Pananakit ng ulo
- Pagkahilo
- Pagkaantok
- Hallucinations
- Pananaginip
- Cognitive disorders (pagkalito, agitation, pagdedeliryo)
- kombulsiyon
- Tachycardia
- Cardiac arrhythmias
- Pagtindi ng intraocular pressure
- Development of narrow-angle glaucoma
- Pagkatuyo ng mata
- Difficulty in micturition and urinary retention
- Pagkatuyo ng balat
- Allergic reaction tulad ng pantal sa balat, urticaria, and angioedema
Hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na nabanggit. Maaaaring may mga taong nakakaranas din ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang ibang alalahanin tungkol sa mga side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.
Ano ang Driptane: Mga Interaksyon
Anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa Driptane?
Maaaring mag-interact ang Driptane sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect. Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, non-prescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko. Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, ihinto, o baguhin ang dosage ng anumang gamot nang walang pahintulot ng doktor.
Ang mga produktong puwedeng mag-interact sa Driptane ay:
- Lisuride
- Atropine and other preparations containing atropine
- Imapriminovi antidepressants
- Sedative antihistamines
- Atropinic antispasmodic medicines
- Anti-Parkinsonian drugs
- Disopyramide
- Phenothiazine neuroleptics
May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Driptane?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Pag-usapan kasama ng iyong doktor o parmasyutiko ang anumang posibleng interaction sa pagkain o alak bago gamitin ang gamot na ito.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa Driptane?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pa lalo ng interaction na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na ang:
- Neurological symptoms
- Gastrointestinal diseases
- Hepatic disease
- Sakit sa bato
- Urinary tract infection
- Abnormalidad sa tibok ng puso
- Mga sakit sa utak
- Congenital galactose intolerance
- Hindi magandang pagsipsip ng glucose at galactose
- Deficiency syndrome lactose (rare metabolic diseases)
Ano ang Driptane: Dosage
Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya dapat parating kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?
Ang panimulang dose ay kalahating tableta, tatlong beses sa isang araw. Ang karaniwang dosage ay isang tableta, dalawa hanggang tatlong beses kada araw.
Maaaring taasan ng iyong doktor ang dose nang hindi lalagpas sa isang tableta, apat na beses sa isang araw. Kung isa kang matanda nang pasyente, ang unang dose mo ay kalahating tableta, dalawang beses kada araw. Ang karaniwang dose ay isang tableta, dalawang beses kada araw.
Ano ang dose para sa mga bata?
Ang panimulang dose ay kalahating tableta, dalawang beses sa isang araw.
Sa 5 – 9 na taong gulang, ang karaniwang dose ay ½ tableta, 3 beses sa isang araw
Sa 9 – 12 taong gulang, ang karaniwang dose ay 1 tableta, 2 beses sa isang araw.
Kung higit sa 12 taong gulang, ang karaniwang dose ay 1 tableta, 3 beses sa isang araw.
Paano nakukuha ang Driptane?
Available ang Driptane sa mga sumusunod na dosage forms at strength:
- Driptane 5 mg tablets
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?
Kung nakaligtaan mo ang isang dose, gumamit na nito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang hindi nainom na dose at sundan ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag mag-dobleng dose.