backup og meta

Sterilid-V: Para Saan Ang Gamot Na Ito?

Sterilid-V: Para Saan Ang Gamot Na Ito?

Ano Ang Sterilid-V?

Ano ang Sterilid-V? Ito ay isang kombinasyon ng dalawang gamot: sulfacetamide sodium at prednisolone acetate. Ginagamit ito bilang gamot sa mga kondisyon sa mata na nangangailangan ng pag-iingat mula sa  impeksyon  at gayundin din sa pamamaga at pamumula. Ito ay mabibili bilang ophthalmic suspension sa anyo ng pampatak sa mata.

Ang sulfacetamide sodium ay isang sulfonamide antibacterial agent. Ito ay isang bacteriostatic, na nangangahulugang napipigilan nito ang paglaki ng bakterya. Subalit hindi nito napapatay ang bakterya.

Ang prednisolone ay isang corticosteroid. Ang corticosteroid, o steroids, ay synthetic drugs na ginawa batay sa naturally occurring hormone na cortisol, na napoprodyus sa adrenal glands. Sa pamamagitan ng corticosteroids, nababawasan ang pamamaga, pananakit, pangangati, at iba pang epekto na naging reaksyon ng immune system.

Ano Ang Sterilid-V? Paggamit Nito

Para Saan Ang Sterilid-V?

Ang Sterilid-V ay pinakaginagamit bilang gamot sa mga sintomas ng mga sumusunod na kondisyon:

  • Palpebral at bulbar conjunctiva
  • Allergic conjunctivitis
  • Superficial punctate keratitis
  • Trachoma

Paano Inumin Ang Sterilid-V?

Dahil ito ay isang ophthalmic suspension, maingat na ipatak ito sa mata. Huwag hayaang dumikit ang dulo ng dropper sa iyong daliri o mata. Agad na takpan ang dulo nito matapos gamitin.

Paano Itago Ang Sterilid-V?

Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng pagtatago. Kaya mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.

Ano Ang Sterilid-V? Mga Pag-Iingat At Babala

Ano Ang Dapat Kong Malaman Bago Uminom Ng Sterilid-V?

Ang corticosteroids, kabilang ang Sterilid-V, ay nauugnay sa mataas na tyansa ng impeksyon, bone demineralization, pagtaas ng timbang, pananatili ng tubig sa katawan, at marami pang mga epekto. Mas mataas ang tyansa nito sa mga matatanda pasyenteng, batang pasyente, immunocompromised na pasyente, at mga sumasailalim sa matagal na gamutan na may steroids. 

Huwag biglang itigil ang pag-inom ng corticosteroids. Kung nakararanas ng side effects o kung kumpleto na ang gamutan, ang dose nito ay unti-unting babawasan hanggang sa maging ligtas na ang pagtigil sa pag-inom nito. Ang biglang pagtigil sa pag-inom ng steroids ay maaaring magresulta sa adrenal insufficiency, na posibleng maging sanhi ng kamatayan.

Ang ilang grupo ng mga tao na may kondisyon tulad ng osteoporosis, diabetes mellitus, hypertension, hypothyroidism, myopathy, glaucoma, at myasthenia gravis ay maaaring makaranas ng malubhang sintomas matapos uminom ng corticosteroids.

Bago uminom ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay o may:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot.
  • Allergy sa anomang sangkap nito

Ibang sakit, disorders, o medikal na kondisyon, lalo na ang:

  • Osteoporosis
  • Diabetes
  • Altapresyon
  • Hypothyroidism
  • Myopathy
  • Glaucoma
  • Myasthenia gravis

Ligtas Ba Itong Inumin Habang Nagbubuntis o Nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng pag-inom ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Ang sulfonamides ay maaaring maging sanhi ng kernicterus sa mga bagong silang na sanggol. Laging kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pag-inom ng anomang gamot.

Ang gamot na ito ay pregnancy risk category C ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).

Ang mga kategorya ng FDA pregnancy risk ay ang mga sumusunod:

  • A= walang panganib
  • B= walang panganib ayon sa ibang pag-aaral
  • C= maaaring may ilang panganib
  • D= may positibong ebidensya ng panganib
  • X= hindi ipinapayong gamitin
  • N= hindi alam

Ano Ang Sterilid-V? Side Effects

Anu-Anong Side Effects Ang Maaaring Maranasan Sa Pag-Inom Ng Sterilid-V?

Katulad ng ibang mga gamot, ang Sterilid-V ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, kadalasang ang mga ito ay hindi gaanong malubha at nawawala kung tapos na ang gamutan o kung ibinaba ang dose. Ang ilang mga naitalang side effects ay ang mga sumusunod:

  • Pagkairita ng mata
  • Stinging o burning sensation
  • Opportunistic fungal infections
  • Pagbabago sa kalagayang pangkaisipan at pag-uugali
  • Insomnia o problema sa pagtulog
  • Pagtaas ng intraocular pressure
  • Glaucoma
  • Papilledema
  • Katarata
  • Pagkawala ng paningin
  • Impaired healing
  • Skin atrophy

Agad na magpakonsulta sa doktor kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga malulubha, posibleng nakamamatay na side effects ng gamot na ito:

  • Adrenal insufficiency
  • Stevens-Johnson syndrome (SJS)

Gayunpaman, ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Ano Ang Sterilid-V? Mga Interaksyon

Anu-Anong Mga Gamot Ang Maaaring May Interaksyon Sa Sterilid-V?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.

Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.

Mga Gamot Na May Interaksyon:

  • CYP3A4 inhibitors
  • Oral contraceptives
  • Rifampicin, rifabutin
  • Carbamazepine, phenobarbitone, phenytoin, primidone
  • Aminoglutethimide
  • Ephedrine
  • Hypoglycemic agents
  • Antihypertensives
  • Neuromuscular blockers
  • Diuretics
  • Theophylline
  • Cardiac glycosides
  • Somatotropin
  • Fluoroquinolones
  • Tretinoin
  • NSAIDs
  • Coumarin anticoagulants

Kung ikaw ay makaranas ng matinding drug interaction, huwag itigil ang pag-inom ng gamot na ito. Agad na ipagbigay-alam ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong plano ng iyong gamutan. Ang mga maaaring gawin ay ang pagsasaayos ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtapos sa gamutan.

May Interaksyon Ba Ang Pagkain At Alak Sa Sterilid-V?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.

Anu-Anong Mga Medikal Na Kondisyon Ang Maaaring may Interaksyon Sa Sterilid-V?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Kaya mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon, lalo na ang:

  • Immunosuppressant
  • Osteoporosis
  • Diabetes
  • Hypertension
  • Hypothyroidism
  • Myopathy
  • Glaucoma
  • Myasthenia gravis

Ano Ang Sterilid-V? Dosage

Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.

Ano Ang Dose Para Sa Isang Nakatatanda?

Dalawang beses na magpatak nito sa conjunctival sac ng apektadong mga mata kada apat na oras. Kung hindi bumubuti ang kondisyon makalipas ang 48 oras, maaaring baguhin ang dose nito o palitan ang gamot.

Ano Ang Dose Para Sa Isang Bata?

Walang tiyak na dose ng gamot na ito para sa mga bata. Laging mahalaga na lubos na maunawaan ang kaligtasan ng pag-inom ng gamot bago ito inumin. Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa iba pang mga impormasyon.

Anong Sterilid-V Ang Maaaring Mabili?

Ang gamot na ito ay maaaring mabili sa mga sumusunod na anyo at lakas ng dosage:

  • Sterile suspension ophthalmic drops sulfacetamide Na 10% + prednisolone acetate 0.25%

Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Emergency o Kung Na-Overdose?

Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.

Ano Ang Maaari Kong Gawin Kung Nakalimutan Kong Uminom?

Kung nakalimutan ang isang dose, magpatak ng isang dose sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin naman ang kasunod na dose, huwag nang ipatak ang nakalimutang dose at magpatak na lamang ng regular na dose sa tamang oras. Huwag gumamit ng dalawang dose sa isang pagkakataon.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sterilid-V, https://www.mims.com/philippines/drug/info/sterilid-v, Accessed June 23, 2021

New Antimicrobial Eyelid Cleanser, https://www.reviewofophthalmology.com/article/new-antimicrobial-eyelid-cleanser, Accessed June 23, 2021

Sulfacetamide And Prednisolone (Ophthalmic Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/sulfacetamide-and-prednisolone-ophthalmic-route/side-effects/drg-20406406?p=1, Accessed June 23, 2021

The relief of dry eye signs and symptoms using a combination of lubricants, lid hygiene and ocular nutraceuticals, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5219834/, Accessed June 23, 2021

Sulfacetamide and Prednisolone. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL., http://online.lexi.com, Accessed June 23, 2021

Kasalukuyang Version

09/02/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Karaniwang Sakit Sa Mata, Anu-Ano Nga Ba?

Paano maiiwasan ang eye strain? Heto ang mga tips


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement