backup og meta

Queen Anne's Lace: Ano Ang Benepisyo Ng Halaman Na Ito?

Queen Anne's Lace: Ano Ang Benepisyo Ng Halaman Na Ito?

Ano ang Queen Anne’s Lace? Wild carrot (Ducus carota) o Queen Anne’s Lace ang tawag sa isang biennial na halaman na may puti o orange na ugat, may mga berdeng dahon sa itaas, at may maliliit na puting bulaklak. Nasa parehong pamilya ito ng domestic carrots, parsley, at celery.

Kabilang sa mga aktibong sangkap ng Queen Anne’s Lace ang porphyrins at tannins. Pinapalakas ng porphyrins ang pituitary gland, na nakatutulong sa paglabas ng oxytocin at iba pang hormones. May astringent, diuretic, at anti-inflammatory effect ang tannins.

Mga Gamit

Ano Ang Queen Anne’s Lace? Para Saan Ito?

Ano ang Queen Anne’s Lace? Paano Ito Gumagana?

Nakatutulong ang astringent effect ng tannins sa diuresis o paglabas ng tubig. Gumagana rin ito bilang antiseptic, na may mild antimicrobial properties. 

Tumutulong naman ang porphyrics sa paglabas ng oxytocin na nag-uudyok ng uterine contraction. Dahil dito, may panganib na malaglagan ang mga babaeng buntis.

Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa karagdagang impormasyon.

Mga Pag-Iingat At Babala

Ano Ang Dapat Malaman Bago Gumamit Ng Queen Anne’s Lace?

Ano ang Queen Anne’s Lace? Karaniwang ligtas inumin ang mga herbal supplement sa tamang dami ayon sinabi ng healthcare professional. Ngunit dahil karamihan sa mga herb at food supplement ang hindi aprubado ng FDA para magpagaling ng partikular na sakit, hindi parating naitatakda ang inirerekomendang pang-araw-araw na dami nito.

Sa kabila ng pag-advertise sa kanila bilang “all-natural” o “safe,” dapat ituring bilang tradisyunal na gamot ang mga natural o food supplement. Ilang partikular na herbal preparation ang maaaring mag-interact sa iba pang gamot na iyong iniinom, na nagpapataas ng panganib mula sa masamang reaksyon sa gamot at toxicity.

Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay:

  • Nagbubuntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot; kasama dito ang anumang reseta, OTC, at halamang gamot
  • Allergy sa alinmang sangkap ng produktong ito
  • Anumang sakit, karamdaman o kondisyong medikal

Ligtas Ba Ito Tuwing Nagbubuntis o Nagpapasuso?

Dahil maaaring magdulot ng uterine contraction ang Queen Anne’s Lace, hindi ito inirerekomendang gamitin habang nagbubuntis. Gamitin lang ang supplement na ito tuwing nagbubuntis kapag mas matimbang ang posibleng benepisyo nito kaysa sa posibleng panganib nito sa fetus, ayon sa iyong doktor.

Hindi ito naipapasa sa gatas ng ina. Gamitin lang ang supplement na ito tuwing nagpapasuso kapag mas matimbang ang posibleng benepisyo nito kaysa sa posibleng panganib nito sa fetus, ayon sa iyong doktor.

Mga Side Effect

Ano Ang Mga Side Effect Na Maaaring Magmula Sa Queen Anne’s Lace?

Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang gamot na ito. Kung makaranas ng side effect, karaniwan lang itong mild at nawawala agad matapos ang gamutan o kapag mababa na ang dose. Kabilang sa mga naitalang side effect ang mga sumusunod:

  • Gastrointestinal discomfort
  • Irritation sa balat (kung nilagay sa balat)
  • Dehydration
  • Abortion

Gayunpaman, hindi lahat ng tao ang nakararanas ng mga side effect. Dagdag pa rito, maaari ding makaranas ng iba pang side effect ang ibang tao. Kaya kung may pinag-aalala tungkol sa side effect, pinapakiusap na kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Alamin Ang Mga Interaction

Anong Mga Gamot Ang Maaaring Mag-Interact Sa Queen Anne’s Lace?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mabago ang epekto ng gamot o mapataas ang posibilidad na magkaroon ng mga seryosong side effect.

Upang maiwasan ang anumang drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.

Mga gamot na may interaction:

  • Antihypertensives

Maaaring maglaman ng alkohol ang liquid extract preparation nito. Iwasang isabay sa preparation na ito ang mga sumusunod:

  • Antihistamines
  • Sedatives
  • CNS depressants

Kung makaramdam ng masamang drug interaction, agad itong ipagbigay-alam sa doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang pagbabago ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtigil sa pag-inom ng gamot na ito.

Nag-I-Interact Ba Ang Pagkain At Alak Sa Queen Anne’s Lace?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng posibilidad na magkaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.

Naglalaman ng alkohol ang liquid extract preparation nito kaya dapat limitahan ang pag-inom ng alak para maiwasan ang pagkalasing, lalo na sa mga bata o matanda na kailangan magmaneho o magpaandar ng makinarya.

Anong Kondisyon Sa Kalusugan Ang Maaaring Mag-Interact Sa Queen Anne’s Lace?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalagang ugaliin ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon.

Unawain Ang Dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

Ano Ang Dose Para Sa Matanda?

Hindi pa naitatalang nakapagpapagaling ng partikular na sakit o kondisyon ang inirerekomendang dosage ng gamot na ito. Komunsulta sa doktor para sa angkop na indikasyon at dosage.

Ano Ang Dose Para Sa Bata?

Wala pang naitatakdang dose para sa mga bata. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Mahalaga na palaging lubos na maunawaan ang kaligtasan ng gamot bago gamitin. Pinapakiusap na komunsulta sa doktor o pharmacist para sa karagdagang impormasyon.

Paano Nakukuha Ang Queen Anne’s Lace?

Nabibili ang supplement na ito sa mga sumusunod na uri ng dosage:

  • Liquid extract/tincture
  • Tsaa, kape, o iba pang inumin

Ano Ang Dapat Gawin Sa Panahon Ng Emergency o Overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano Ang Dapat Gawin Kung Makalimutan Ang Dose?

Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ohio Perennial and Biennial Weed Guide https://www.oardc.ohio-state.edu/weedguide/single_weed.php?id=21, Accessed July 6, 2021

Daucus carota https://pfaf.org/user/Plant.aspx?LatinName=Daucus+carota, Accessed July 6, 2021

Daucus carota https://plants.ces.ncsu.edu/plants/daucus-carota/, Accessed July 6, 2021

Daucus carota L. https://plants.usda.gov/home/plantProfile?symbol=DACA6, Accessed July 6, 2021

Wild Carrot. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL, http://online.lexi.com, Accessed July 6, 2021

Kasalukuyang Version

08/19/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Herbal na Tsaa, Anu-ano ang Naitutulong Nito sa Kalusugan?

Herbal Para Sa Regla, Epektibo Nga Ba Ang Mga Ito?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement