backup og meta

Ano ang Pylobact, at Saan ito Ginagamit?

Ano ang pylobact Combi? Ito ay ang brand ng gamot na naglalaman ng clarithromycin, tinidazole, at omeprazole. 

Sa kasalukuyan, ang brand na ito ay hindi mabibili sa Pilipinas. Ang impormasyong ito ay para lamang sa kaalaman.

Gamit

Ano ang gamit ng Pylobact?

  • Helicobacter pylori-associated peptic ulcer disease
  • Iba pang bacterial infections 

Paano dapat gamitin ang Pylobact? 

Basahin ang direksyon mula sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Suriin ang label at expiration date. Sa iniinom na gamot, buo itong lunukin nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinutunaw sa tubig.

Paano itabi ang Pylobact? 

Mahusay na itabi ang produktong ito sa room temperature malayo sa direktang nasisikatan ng araw at basa. Upang maiwasan ang pagkasira ng produkto, hindi dapat ito itabi sa banyo o freezer. 

Maaaring may iba’t ibang brand ang produktong ito na nangangailangan ng ibang pamamaraan ng pagtabi. Samakatuwid, mahalagang basahin ang panuto sa pagtatabi ng produkto, o maaaring magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ito sa mga bata at alagang hayop. 

Hindi ito dapat i-flush sa inidoro o ibuhos sa drain kung hindi ibinilin. Karadagan, huwag na gamitin ang produkto kung expired. Komunsulta sa pharmacist para sa ibang detalye kung paano ligtas na itatapon ang produkto.

Paalala at Babala 

Ano ang dapat alamin bago gamitin ang pylobact? 

Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa doktor kung ikaw ay: 

  • Buntis o nagpasuso
  • Kung umiinom ng ibang gamot. Kabilang ang anumang may reseta, over-the-counter, at mga herbal remedies.
  • Kung may allergy sa anumang sangkap ng produktong ito
  • Anumang sakit o kondisyong medikal.

Ligtas ba itong gamitin kung buntis o nagpapasuso? 

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon kaugnayan sa kaligtasan ng paggamit ng produktong ito sa buntis o nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa doktor para sa mga potensyal na benepisyo o panganib bago uminom ng anumang gamot.

Iba pang epekto 

Ano-ano ang iba pang mga epekto na maaaring lumabas sa pag-inom ng pylobact? 

Katulad din ng iba mga gamot, ang produktong ito ay maaaring may iba pang epekto. Kung ito’y mangyari ang mga epektong ito ay mild at mawawala kung tapos na ang paggagamot o kung pabababain ang dose. Ilan sa mga naitalang epekto ay kabilang ang: 

  • Mabalahibong dila
  • Madilaw na ihi
  • Lagnat
  • Vertigo
  • Panlasa na parang may bakal
  • Pagkahilo

Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng mga epektong ito. Karagdagan, maaaring maranasan ng ilang tao ang iba pang epekto. Kung ikaw ay may katanungan sa mga side effects, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Interactions

Anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa pylobact? 

Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa ibang gamot na kasalukuyang iniinom. Maaaring maiba nito ang epekto ng gamot o mapataas ang panganib sa malalang epekto. 

Upang maiwasan ang interaksyon nito sa ibang gamot, itala ang lahat ng gamot na iniinom (kabilang ang may reseta o wala at mga herbal na produkto) at ipaalam ito sa doktor o pharmacist.

Ang pagkain ba o alak ay may interkasyon sa pylobact? 

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak sa pamamagitan ng kung paano gumagana ang gamot o mapataas ang panganib sa iba pang epekto nito. Iwasan ang uminom ng alak sa pag-inom ng gamot na ito.  Magtanong sa doktor o pharmacist ng mga potensyal na interaction ng pagkain o alak bago uminom ng gamot na ito.

Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa pylobact? 

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang kondisyon. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala sa kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Samakatuwid, mahalaga na malaman ng iyong doktor at pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na mayroon ang pasyente.

Dosage 

Ang mga impormasyong ibinibigay ay hindi pamalit sa anumang medikal na payo. Palaging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gamitin ang gamot na ito.

Ano ang dose para sa matanda? 

Ang doktor ang nagbibigay ng dosage na dapat inumin.

Ano ang dose para sa bata? 

Walang itinala na dose para sa bata. Ito ay maaaring hindi ligtas para sa mga bata. Mahalagang tunay na maunawaan ang kaligtasan ng gamot na ito bago gamitin. Para sa ibang impormasyon, kumonsulta sa doktor o pharmacist.

Paano nabibili ang Pylobact? 

Ang pylobact ay mabibili sa sumusunod na anyo ng dosage at kalakasan:

Ang isang pack/kit ay naglalaman ng:

  • Omeprazole 20 mg capsule
  • Clarithromycin 250 mg tablet
  • Tinidazole 500 mg tablet 

Ano ang dapat gawin kung may emergency o na-overdose? 

Kung sa pagkakataon ng emergency o overdose, agad na tumawag sa nagbibigay ng mabilisang serbisyo o agad na pumunta sa pinakamalapit na hospital. 

Ano ang dapat gawin kung nakalimutan ang dose? 

Kung may nakaligtaan na dose, agad itong inumin. Gayunpaman, kung oras na para sa susunod na dose, laktawan na lamang at sundin ang regular na paggamit ng dose. Huwag dumoble ng dose.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Tinidazole https://www.mims.com/philippines/drug/info/tinidazole?mtype=generic Accessed July 27, 2021

Clindamycin https://www.mims.com/philippines/drug/info/clindamycin?mtype=generic Accessed July 27, 2021

One week triple therapy with omeprazole, clarithromycin and tinidazole for Helicobacter pylori: differing efficacy in previously treated and untreated patients https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/8971304/ Accessed July 27, 2021

Omeprazole. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed July 27, 2021. http://online.lexi.com

Pylobact Combi (MY). Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed July 27, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

09/08/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement