Ano Ang Ketamine?
Marahil isa ang ketamine sa gamot na karaniwang naririnig ng mga tao, ngunit ano at para saan nga ba ito?
Para saan ang ketamine?
Ang ketamine ay isang dissociative sedative na ginagamit bilang anesthethic o pampamanhid upang harangan ang sensasyon ng sakit at pakiramdam bago ang operasyon o ilang mga procedures na hindi nangangailangan ng skeletal muscle relaxation. Ito ay itinuturing na isang ligtas na pampamanhid dahil hindi ito nakaaapekto sa presyon ng dugo o ang kakayahang huminga.
Paano dapat iniinom ang ketamine?
Karaniwang itong ibinibigay bilang isang injection sa opisina ng iyong doktor, ospital, o klinika ng mga may karanasan sa pagbibigay ng general anesthetics, sa pagpapanatili ng airway, at sa pagkontrol sa paghinga.
Paano dapat tinatago ang ketamine?
Pinakamahusay na nakatago ito sa isang room temperature na lugar at malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng droga, hindi ka dapat mag-imbak ng ketamine sa banyo o sa freezer. Maaaring may iba’t ibang brand ng ketamine na maaaring may iba’t ibang pangangailangan sa pag-iimbak. Mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa mga tagubilin sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong parmasyutiko. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi mo dapat i-flush ang ketamine sa banyo o ibuhos ang mga ito sa drain maliban kung inutusang kang gawin ito. Mahalagang maayos na itapon ang produkto kapag ito ay nag-expire na o hindi na kailangan. Kumunsulta sa iyong parmasyutiko para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung ano ang ketamine at paano ligtas na itapon ang produktong ito.
Precautions At Babala
Ano ang dapat kong malamaan bago gumamit ng ketamine?
Bukod sa karaniwang tanong kung ano ang ketamine, marami rin ang nagtatanong tungkol sa mga dapat malaman bago ito gamitin.
Bago kunin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Umiinom ng anumang inireseta o hindi iniresetang gamot, herbal preparation, o dietary supplement.
- Mayroon kang allergy sa mga gamot, pagkain, o iba pang mga sangkap.
- Mayroon kang history ng alkoholismo o ikaw ay lasing sa alkohol.
- Umiinom ng ketamine bago ka makatanggap ng anumang pangangalagang medikal o dental, pang-emergency, o operasyon.
- Allergic sa anumang sangkap sa ketamine.
- Mayroong kondisyon kung saan tumataas ang presyon ng dugo.
- Umiinom ng droxidopa.
Ang ketamine ay maaaring magdulot ng pagka-antok hanggang 24 na oras. Maaaring mas malala ang mga epekto nito kung iinumin mo ito kasaby ng alak o ilang mga gamot. Huwag magmaneho o magsagawa ng iba pang posibleng hindi ligtas na mga gawain nang hindi bababa sa 24 na oras pagkatapos ng operasyon hanggang sa malaman mo kung ano ang iyong reaksyon dito.
Ito ay maaaring maging sanhi ng mga pagbabago sa pag-uugali, pag-iisip, o mood; pagkalito; o mga guni-guni na karaniwang nawawala sa loob ng 24 na oras. Talakayin ang anumang mga katanungan o alalahanin sa iyong doktor.
Para sa mga matatanda, nararapat na gamitin ang ketamine nang may pag-iingat. Ito ay marahil maaaring mas sensitibo sila sa mga epekto nito.
Bukod pa rito, nararapat ding mag-ingat ang mga batang wala pang 16 taong gulang. Hindi pa nakukumpirma ang kaligtasan at pagiging epektibo nito sa kanila.
Ligtas ba ito gamitin habang nagbubuntis o nagpapasuso?
Ang ketamine ay isang gamot sa pregnancy B category at kilala itong tumatawid sa placenta ng nanay. Walang sapat na datos tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Mangyaring kumunsulta palagi sa iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago inumin ang gamot na ito.
Side Effects
Ano ang ketamine at ang mga posibleng side effects nito?
Ang lahat ng mga gamot ay maaaring magdulot ng mga side effect, ngunit maraming tao ang walang o minor lamang ang mga nagiging side effect. Kausapin ang iyong doktor kung alinman sa mga pinakakaraniwang epekto na ito ay nagpapatuloy o nakakaabala na sa iyo:
Humingi kaagad ng medikal na atensyon kung mangyari ang alinman sa mga malalang epektong ito:
- Rash
- Hives
- Pangangati
- Hirap sa paghinga
- Paninikip ng dibdib
- Pamamaga ng bibig, mukha, labi, o dila
- Pagbabago sa pag-uugali
- Pagkalito
- Hirap, madalas, o masakit na pag-ihi
- Dobleng paningin
- Pagkahina
- Mabilis, mabagal, o iregular na pagtibok ng puso
- Hallucinations
- Hindi boluntaryong paggalaw ng mga muscles
- Pagbabago sa isip o mood (tulad ng anxiety)
- Pananakit, pamumula, o pamamaga sa injection site
- Maluba o patuloy na pagkahilo (o light-headedness) o pananakit ng ulo
- Mabagal o mababaw na paghinga
- Hindi makontrol na paggalaw ng mata
Hindi lahat ay nakararanas ng mga side effect na ito. Maaaring may ilang mga side effect na hindi pa nababanggit. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, mangyaring kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko.
Mga Interaction
Ano ang ketamine at ang mga gamot ang maaaring makipag-ugnayan sa ketamine?
Maaaring makipag-ugnayan ang ketamine sa iba pang mga gamot na kasalukuyan mong iniinom, na maaaring magpabago kung paano gumagana ang iyong gamot o dagdagan ang iyong panganib para sa malubhang epekto nito. Upang maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-ugnayan sa gamot, dapat kang magtago ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit (kabilang ang mga inireresetang gamot, hindi inireresetang gamot, at maging ang mga halamang gamot) at ibahagi ito sa iyong doktor at parmasyutiko. Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, ihinto, o baguhin ang dose ng anumang gamot nang walang pag-apruba ng iyong doktor.
Maaaring kabilang ang mga produktong nakalista sa ibaba:
- Carbinoxamine
- Topical cocaine o cocaine na nilalagay sa ilong
- Doxylamine (Unisom)
- Opioids (tulad ng alfentanil, codeine, hydromorphone, oxymorphone)
- Tramadol
- Barbiturates (tulad ng butalbital, butabarbital, pentobarbital)
- Benzodiazepines, (tulad ng alprazolam (Xanax), clonazepam (Klonopin), at lorazepam (Ativan))
- Carbamazepine (Carbatrol, Equetro, Tegretol), oxcarbazepine (Trileptal), phenytoin (Dilantin)
- Zaleplon (Sonata, Starnoc, Andanta) o zolpidem (Ambien)
- Rifampin (Rifadin, Rifamate, Rimactane)
- Dexmedetomidine (Precedex)
- Suvorexant (Belsomra)
Nakikipag-ugnayan ba ang pagkain o alkohol sa ketamine?
Ang ketamine ay maaaring makipag-ugnayan sa pagkain o alkohol sa pamamagitan ng pagbabago sa paraan ng paggana ng gamot o pagtaas ng panganib para sa malubhang epekto. Huwag iinumin ang gamot na ito na may kasamang alkohol dahil pinapataas nito ang CNS depressive effects ng parehong sangkap, na maaaring humantong sa sobrang pagka-antok, pagkawalan ng malay, at maging kamatayan. Mangyaring talakayin kasama ang iyong doktor o parmasyutiko ang anumang potensyal na pakikipag-ugnayan sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring makipag-ugnayan sa ketamine?
Ang ketamine ay maaaring makipag-ugnayan sa iyong kondisyong pangkalusugan. Ang pakikipag-ugnayang ito ay maaaring magpalala ng iyong kalagayan o magbago sa paraan ng paggana ng gamot. Mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor at parmasyutiko ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka sa kasalukuyan.
Ang mga kondisyong ito ay kinabibilangan ng:
- History ng head trauma o injury, pagdurugo sa utak
- Stroke
- Pagtaas ng spinal fluid pressure
- Pagtaas ng presyon sa mata
- Bladder o urinary problems
- Mga problema sa puso (tulad ng congestive heart failure)
- Altapresyon
- Mental o mood problems
- Thyroid problems
Dosage
Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Dapat palaging kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng ketamine.
Ano ang tamang dose ng ketamine para sa mga nasa wastong gulang?
IV:
Induction: 4.5 mg/kg sa pamamagitan ng slow IV injection sa loob ng isang minuto. Ang isang dose ng 2 mg/kg ay gumagawa ng surgical anesthesia sa loob ng 30 segundo pagkatapos ng pagturok, na tumatagal ng 5-10 minuto.
Maintenance: Ang dose ay dapat i-akma ayon sa mga anesthetic na pangangailangan ng pasyente at kung gumagamit ng karagdagang anesthetic. Ang mga pagtaas ng kalahati sa full induction dose ay maaaring ulitin kung kinakailangan para sa pagpapanatili ng anesthesia. Bilang kahalili, ang kabuuang dose ng induction na 0.5-2 mg/kg sa pamamagitan ng infusion, na ibinigay sa isang naaangkop na rate, at pinananatili sa 10-45 mcg/kg/min, na naayon sa tugon ng pasyente.
IM:
Induction: Ang inirerekumendang dose ay 6.5 hanggang 13 mg/kg IV; (9 hanggang 13 mg/kg IV ay nagbibigay ng 12 hanggang 25 minuto ng surgical anesthesia).
Maintenance: Nararapat na i-akma ang dose ayon sa mga anesthetic na pangangailangan ng pasyente at kung gumagamit ng karagdagang anesthetic. Ang mga pagtaas ng kalahati sa full induction dose ay maaaring ulitin kung kinakailangan para sa pagpapanatili ng anesthesia.
Para sa reconstitution/dilution:
Ang 50 mg/mL at 100 mg/mL na vial ay maaaring higit pang matunaw sa 5% dextrose o 0.9% NaCl upang maghanda ng maintenance infusion na naglalaman ng 1 mg/mL (o 2 mg/mL sa mga pasyente na may mga fluid restrictions).
Ano ang tamang dose para sa mga bata?
Mga bata na 16 taong gulang
IV:
Sumangguni sa dose para sa mga nasa wastong gulang.
IM:
Sumangguni sa dose para sa mga nasa wastong gulang.
Paano magagamit ang ketamine?
Available ang ketamine sa mga sumusunod na brand, dosage form, at strengths:
- Etamine solution para sa injection na 50 mg/mL
- Ketamax solution para sa injection na 50 mg/mL
Ano ang dapat kong gawin kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa kaso ng isang emergency o overdose, tawagan ang mga local emergency services o pumunta agad sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ako ng isang dose?
Kung makaligdaan mo ang isang dose ng ketamine, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa iyong susunod na dose, laktawan ang nalimutan na dose at kunin ang iyong regular dose ayon sa naka-iskedyul. Huwag ito gawing dobleng dose.
Alamin ang iba pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.