Ano ang inoflox? Ito ay pangalan ng gamot na ofloxacin. Ito ay quinolone antibiotic, partikular ang fluoroquinolone. Gumagana ito sa pagpigil ng enzyme DNA gyrase, na mahalaga sa pagkopya ng bacterial DNA. Ang pagsugpo sa normal na pagkopya, pagsasaayos, at iba pang proseso ay nagreresulta sa pagkamatay ng bacterial cell.
Lahat ng antibiotics ay mabibili lamang kung may reseta. Ang mga ito ay hindi epektibo laban sa mga viral infections.
Gamit
Ano ang gamit ng Inoflox?
Ito ay pangunahing itinuturing na gamot sa mga sumusunod na viral infections:
- Matinding paglala ng bacterial chronic bronchitis
- Hindi komplikadong dermal infections
- Non-gonococcal urethritis at cervicitis
- Acute pelvic inflammatory na sakit
- Hindi komplikadong cystitis
- Hindi komplikadong pyelonephritis
- Komplikadong urinary tract infections (UTI)
- Prostatitis
- Enteric Infections (Kabilang ang typhoid fever at shigellosis)
Ang antimicrobial spectrum ng ofloxacin ay kinabibilangan ng:
Aerobic Gram-positive bacteria
- Staphylococcus aureus
- Streptococcus pneumoniae
- Streptococcus pyogenes
Aerobic Gram-negative
- Citrobacter koseriCitrobacter koseri
- Enterobacter aerogenes
- Escherichia coli
- Haemophilus influenzae
- Klebsiella pneumoniae
- Neisseria gonorrhoeae
- Proteus mirabilis
- Pseudomonas aeruginosa
- Shigella spp.
- Salmonella typhi
- Yersinia enterocolitica
Iba pang microorganisms
- Chlamydia trachomatis
- Mycobacterium tuberculosis
Paano gamitin ang Inoflox?
Mabibili ang gamot na ito sa maliit na bote na may solusyon para sa IV infusion at naiinom na tableta. Ang IV solution ay karaniwang ibinibigay ng lisensyadong propesyonal sa clinic. Ibinibigay lamang ito sa mabagal na IV infusion sa loob ng 30-60 minuto.
Ang tableta ay iniinom lamang at hindi nginunguya o dinudurog. Maaari itong inumin kumain man o hindi, at inuman ng isang basong tubig. Iwasan uminom ng gatas, antacids na naglalaman ng magnesium o aluminum, o pag-inom ng mga supplements na naglalaman ng iron o zinc 2 oras bago o matapos uminom ng ofloxacin.
Kung iinom ng dosage mula sa gamot na ito, mahalagang panatilihin na hydrated upang maiwasan ang pagbuo ng highly concentrated na ihi.
Paano Itabi ang Inoflox?
Ang gamot na ito ay dapat itabi sa silid na may temperaturang (<30°C) at hindi naaarawan. Huwag hayaang magyelo ang produktong ito. Palaging suriin ang label bago gamitin ang produkto. Para sa kaligtasan, ilayo sa maaabot ng bata at alagang hayop.
Huwag inumin o gamitin kung lumampas na sa expiration date, sira ang selyo ng produkto, o may pagbabago sa kulay amoy, o itsura ng produkto.
Huwag itapon ang produkto sa agusan ng tubig, palikuran, o sa paligid. Itanong sa iyong pharmacist ang wastong lugar at pagtapon ng produkto.
Pag-iingat at mga Babala
Ano ang dapat mong malaman bago gumamit ng inoflox?
Ang fluoroquinolones, kabilang ang ofloxacin, ay may kaugnayan sa pagtaas ng panganib ng tendinitis at tendon rupture sa lahat ng edad. Sa mga matatandang pasyente (>60 taon), na umiinom ng corticosteroid na gamot, at mga nagpa-transplant ng kidney, puso, baga ay may mataas na panganib.
Maaari mapalala ng fluoroquinolones, kabilang ang ofloxacin ang panghihina ng kalamnan ng taong may myasthenia gravis. Iwasan ang paggamit ng ofloxacin sa mga pasyenteng may history ng myasthenia gravis.
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa doktor kung ikaw ay may:
- May allergy sa ofloxacin o iba pang fluoroquinolones
- History ng allergy sa iba pang gamot, pagkain, at iba pang sangkap
- Umiinom ng iba pang gamot
- Mga kondisyon sa kalusugan
Ligtas ba ito sa pagbubuntis at pagpapadede?
Ang gamot na ito ay pregnancy category C. Walang sapat na pag-aaral sa paggamit ng ofloxacin sa buntis. Gayunpaman, ang pag-aaral ng fluoroquinolones sa hayop ay nagpakita na nagdudulot ito ng arthropathy (sakit sa kasukasuan) sa mga fetus. Samakatuwid, uminom lamang ng gamot na ito kung ipinayo ng doktor.
Lumalabas ang gamot na ito sa gatas ng ina na maaaring makaapekto sa sanggol. Kung kaya kumonsulta sa doktor o OB-GYN sa pagpapadede na may iniinom na gamot.
Iba pang epekto
Ano ang ibang epekto na maaaring mangyari sa paggamit ng Inoflox?
Lahat ng gamot ay may potensyal na maglabas ng iba pang epekto gamitin man ito sa normal na paraan. Ang ibang epekto ay karaniwang nakadepended sa doses, kung kaya ang pagbabawas ng doses o paghinto sa paggagamot ay nakababawas sa iba pang epekto nito.
Posibleng mga iba pang epekto sa pag-inom ng gamot ay:
- Pagduwal
- Insomnia
- Pananakit ng ulo
- Pagkahilo
- Pagtatae
- Pagsusuka
- Pantal at pangangati
- Pangangati ng external genital (sa babae)
- Vaginitis
- Pag-iiba ng panlasa
- Hypersensitivity reactions
Magpakonsulta nang medikal agad kung makaranas man ng malalang epekto ng gamot:
- Malalang hypersensitivity
- Lagnat
- Toxic necrolysis (TEN) o Steven-Johnson Syndrome (SJS)
- Vasculitis
- Serum sickness
- Pananakit ng litid (tendinitis)
- Pananakit ng kasukasuan (arthralgia)
- Hepatitis
- Abnormalidad ng hematologic
- Pananakit ng muscle (myalgia
- Anemia
- Thrombocytopenia
- Leukopenia
- Agranulocytosis
- Pancytopenia
Maaari mong maranasan ang ilan, wala, o iba pang epekto na hindi nabanggit sa itaas. Kung ikaw ay nangangamba sa iba pang epekto o nababahala, komunsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Mga Kaugnayan
Anong gamot ang may kaugnayan sa Inoflox?
Ang gamot na ito ay maaaring may kaugnayan sa iba pang gamot. Upang maiwasan ang potensyal na interaksyon sa gamot, ilista ang lahat ng gamot na iniinom (kabilang ang nireseta, hindi niresetang gamot at mga herbal na produkto) at ibahagi ito sa iyong doktor o pharmacist.
Mga kilalang gamot na may kaugnayan sa ofloxacin kabilang ang:
- Metal cations
- Antacids
- Didanosine
- Multivitamins
- Antidiabetic medications
- Aminoglycosides
- Antituberculosis medications
- Β-lactam antibiotics
- Corticosteroids
- Antiarrhythmic agents (class IA & III)
- Macrolides
- Antipsychotics
- Tricyclic antidepressants
- Furosemide
- Methotrexate
- NSAIDs
- Probenecid
- Theophylline
- Warfarin
Kung ikaw ay makaranas ng masamang epekto sa gamot, itigil ang pag-inom nito at ipagpatuloy ang iba pang iniinom na gamot. Agad na ipaalam sa iyong doktor upang mabago ang plano sa iyong paggagamot. Ang mga dose ay magbabago, mapapalitan o ihihinto ang paggamit ng gamot.
May kaugnayan ba ang pagkain at alak sa inoflox?
Ang iniinom na gamot na ito ay dapat gawin nang walang laman ang tiyan para sa pinakamainam na pagsipsip. Gayunpaman, maliit lamang ang ibinababa nito kung iinumin nang may kinain kung kaya’t maaari itong isabay sa pagkain. Walang kapansin-pansin na ugnayan ang alak sa gamot na ito.
Ipaalam sa doktor o pharmacist kung may pag-aalala tungkol sa ugnayan ng pagkain at gamot.
Anong kondisyon sa kalusugan ang may kaugnayan sa Inoflox?
Ang gamot na ito ay dapat gamitin ng may pag-iingat kung mayroong ang mga sumusunod na kondisyon:
- Kondisyon na nangangailangan ng corticosteroid therapy
- History sa transplant ng organ
Ipaalam sa doktor o pharmacist kung may pag-aalala sa mga partikular na kondisyon sa kalusugan.
Dosage
Ang mga ibinigay na impormasyon ay hindi kahalili ng anumang payong medikal. Samakatuwid, palaging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang doses para sa matanda?
Para sa respiratory at hindi komplikadong infection sa balat
- Oral/IV: administer 400 mg tuwing 12 oras sa loob ng 10 araw.
Para cervicitis or urethritis sanhi ng Chlamydia trachomatis
- Oral/IV: administer 300 mg tuwing 12 oras sa loob ng 7 araw.
Para sa acute pelvic inflammatory na sakit
- Oral/IV: administer 400 mg tuwing 12 oras sa loob ng 10 hanggang 14 na araw
Para sa hindi komplikadong urinary tract infections.
- Cystitis dulot ng coli or K. pneumoniae: administer 200 mg tuwing 12 oras sa loob ng 3 araw
- Cystitis dulot ng iba pang susceptible bacteria: 200 mg tuwing 12 oras sa loob ng 7 araw
- Acute pyelonephritis: administer 400 mg tuwing 12 oras sa loob ng 14 araw
- UTI: administer 200 mg tuwing 12 oras sa loob ng for 14 araw
Para sa prostatitis
- Oral/IV: administer 300 mg tuwing 12 oras sa loob na 6 linggo
Para sa typhoid fever
- Oral/IV: administer 15 mg/kg/araw na hinati sa 2 doses (maximum na pang-araw-araw na dose: 800 mg) tuwing 12 oras sa loob ng 5 to 14 araw
For shigellosis
- Oral/IV: administer 200 mg tuwing 8 oras sa loob ng isang araw o;
- Oral/IV: administer 400 mg bilang isang dose
Pagbabago ng dose para sa mga pasyenteng may kapansanan sa bato
- CrCl 20-50 mL/min: walang pagbabago sa dose, palitan ang pag-inom isang beses kada araw
- CrCl<20 mL/min: bawasan ng kalahati ang dose at palitan ang pag-inom ng isang beses kada araw
Ano ang dose para sa mga bata?
Ang mga bata ay hindi dapat uminom ng fluoroquinolones, kabilang ang ofloxacin. Ito ay maaaring magsanhi ng pinsala sa buto, kasukasuan, at tissue sa mga batang 18 gulang pababa. Komunsulta sa doktor o pharmacist para sa alternatibo at iba pang impormasyon.
Paano nabibili ang Inoflox?
Ito ay magagamit sa mga sumusunod na form ng dose:
- Oral tablets 200 mg, 400 mg
- Solusyon sa infusion 200 mg/100 mL
Ano ang dapat gawin kung emergency at overdose?
Ayon sa klinika ang overdose ng ofloxacin ay nagpapakita ng mga CNS na sintomas tulad ng pagkalito, pagkahilo, problema sa kamalayan, at panginginig, maging ang GI na reaksyon tulad ng pagkahilo at mucosal erosions.
Kung ma-overdose, dapat isagawa ang symptomatic na paggagamot. Kailangan obserbahan ang pasyente, at panatilihin ang maayos na hydration. Nararapat isagawa ang ECG para sa posibilidad ng QT interval prolongation.
Ang gastric lavage o induction ng emesis ay maaaring gamitin upang alisin ang laman ng tiyan. Ang pag-aalis ng ofloxacin ay maaaring tumaas sa sapilitang diuresis.
Sa oras ng emergency o overdose, tumawag sa lokal na serbisyong emergency o pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Ano ang dapat gawin kung nagkulang sa dose?
Kung nagkulang sa dose ng gamot na ito, agad na inumin ito. Gayunpaman, kung oras na para sa susunod na dose, lampasan ang kulang na dose at inumin ang regular na dose na nakalaan. Huwag magdoble ng dose.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.