backup og meta

Decapeptyl: Ano ang Gamot na Ito, at Saan ito Ginagamit?

Decapeptyl: Ano ang Gamot na Ito, at Saan ito Ginagamit?

Ang Decapeptyl ay isang pangalan ng brand ng gamot na triptorelin acetate (o ibang mga porma). Ang triptorelin ay gonadotropin releasing hormone (GnRH) agonist. Nakakabit ito sa receptors at nagti-trigger ng release ng follicle-stimulating hormone (FSH) at luteinizing hormone (LH). Ang FSH at LH ay gonadotropins na may epekto sa ovaries ng mga babae at testes ng mga lalaki. Alamin dito ano ang Decapeptyl.

Mga Gamit 

Para saan ang Decapeptyl?

Ang Decapeptyl ay karaniwang ginagamit para sa:

Paano ko ikokonsumo ang Decapeptyl?

Kung ikaw ay gumagamit ng pre-filled na pang-araw-araw na syringe, hindi na kailangan na buuin muli ang gamutan. Ikonsumo ang dose gaya ng payo ng doktor, kung ito man ay sa pamamagitan ng intramuscular (IM) o subcutaneous (SQ) route. Ang pinaka mainam na bahagi upang turukan ay ang gluteal o bahagi ng puwet para sa IM injection, habang ang tiyan o hita ay ideal para sa SQ injections. Pagpalitin ang bahagi ng pagtuturukan upang maiwasan ang pamamaga at injury. 

Paano ko Itatabi ang Decapeptyl?

Ang produktong ito ay mainam na itabi sa refrigerator (2-8°C) o sa malamig na lugar (<25°C) malayo sa direktang sinag ng araw at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag mo itong itabi sa banyo o freezer.

Maaaring may ibang brand ng ganitong gamot na may ibang paraan ng storage na kailangan. Kaya’t mahalaga na palaging tignan ang package ng produkto para sa panuto sa pagtabi, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, itabi ang lahat ng mga gamot malayo sa mga bata at alagang hayop.

Huwag i-flush sa inidoro ang produktong ito o itapon ito sa drain liban na lamang kung ibinilin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung expired na o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mga detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.

Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Decapeptyl?

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/mayroong:

  • Buntis o nagpapasuso.
  • Umiinom ng ibang gamot. Kabilang dito ang inireseta, OTC, at halamang gamot.
  • May allergy sa kahit anong sangkap ng gamot na ito.
  • May ibang mga sakit, disorders, o medikal na kondisyon.

Ligtas ba ito habang buntis o nagpapasuso?

May positibong ebidensya na ang ganitong gamot ay maaaring maging sanhi ng seryosong birth defects at hindi dapat gamitin habang buntis sa kahit na anong sitwasyon. Sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay buntis o nagpaplanong mabuntis o kung ikaw ay kasalukuyang umiinom ng gamot na ito. Maaari kang payuhan na gumamit ng contraception habang gumagamit ng gamot na ito.

Ang Decapeptyl ay pregnancy risk category X, ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).

Nasa ibaba ang FDA pregnancy risk category reference:

  • A=No risk
  • B=No risk in some studies
  • C=There may be some risk
  • D=Positive evidence of risk
  • X=Contraindicated
  • N=Unknown

Side Effects

Anong mga side effects ang maaaring mangyari mula sa Decapeptyl?

Tulad ng lahat ng mga gamot, ang produktong ito ay maaaring magkaroon ng side effects. Kung ito ay mangyari, ang side effects ay mild lamang at maaaring mawala kung matapos na ang gamutan o bumaba ang dose. Ilan sa mga naiulat na side effects ay kabilang ang:

  • Sakit, pamumula o pamamaga sa bahagi ng balat na tinurukan
  • Hot flushes
  • Pagkahilo
  • Pagpapawis
  • Sakit ng ulo
  • Pagbaba ng pagnanais sa pakikipagtalik
  • Pagbabago ng mood (kabilang dito ang depresyon)
  • Sakit sa sikmura (tulad ng pagtatae, constipation, pagduduwal, pagsusuka, o sakit sa tiyan)
  • Pagbabago ng timbang
  • Visual disturbances
  • Hirap sa pagtulog (insomnia)
  • Edema
  • Sakit sa muscle at joint
  • Pagtaas ng blood pressure
  • Pagbawas ng bone density
  • Kakulangan sa paghinga
  • Wheezing
  • Hirap sa paghinga
  • Pamamaga ng mukha, labi, dila at ibang mga bahagi ng katawan
  • Rash, pangangati o hives sa balat
  • Tigyawat

Side effects na tiyak sa mga lalaki:

  • Problema sa erection (erectile dysfunction) o ejaculation
  • Abnormal na paglaki ng suso (gynecomastia)
  • Pakiramdam ng pagiging mahina o pagod

Side effects na tiyak sa mga babae:

  • Pagiging tuyo ng puke
  • Masakit na pakikipagtalik
  • Masakit na suso

Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng mga side effects na ito. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng ibang side effects. Kaya’t kung may inaalala tungkol sa side effects, pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.

Interactions

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Decapeptyl?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Ito ay maaaring makapagbago sa bisa ng iyong gamot o magpataas ng banta ng seryosong side effects.

Upang maiwasan ang potensyal na interaction sa gamot, kailangan mong maglista ng lahat ng mga gamot na ginagamit mo (kabilang ang inireseta, hindi iniresetang gamot, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor at pharmacist.

Mga gamot na may kilalang interactions:

  • Antidiabetic agents
  • Choline C11
  • Corifollitropin alfa
  • Gallium Ga 68 PSMA-11
  • Haloperidol
  • Indium 111 capromab pendetide
  • Piflufolastat F18
  • QT-prolonging agents (e.g. amiodarone, sotalol, quinidine)

Kung nakaranas ng adverse na interaction sa gamot, ihinto ang paggamit ng gamot na ito at ipagpatuloy ang iniinom na gamot. Agad na ipaalam sa iyong doktor upang mataya ang iyong plano sa paggamot. Ang mga gagawin ay kabilang ang dose adjustment, pagpapalit ng gamot, o paghinto ng therapy.

Nag-iinteract ba ang pagkain at alak sa Decapeptyl?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng paraan ng bisa ng gamot o pagtaas ng banta ng seryosong side effects. Pakiusap na talakayin kasama ng iyong doktor o pharmacist ang kahit na anong potensyal na interaction sa pagkain o alak bago gumamit ng gamot na ito.

Ano ang mga kondisyon sa kalusugan na maaaring mag-interact sa Decapeptyl?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o baguhin ang bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging ipaalam sa iyong doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na mayroon ka.

Dosage

Ang impormasyon na ibinigay ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging konsultahin ang iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.

Ano ang dose para sa mga matanda?

Prostate cancer (advanced)

  • Ikonsumo ang 3.75 mg ng Decapeptyl isang beses kada apat na linggo (buwan) sa pamamagitan ng intramuscular (IM) injection o;
  • 11.25 mg kada 12 linggo (3 buwan) o;
  • 22.5 mg kada 24 na linggo (6 na buwan).

Controlled ovarian hyperstimulation para sa ART adjunctive therapy

  • Ikonsumo ang 0.1 mg kada araw sa pamamagitan ng subcutaneous (SQ) injection 5 hanggang 7 araw bago ang inaasahang simula ng regla
  • Ang dose ay kailangan na i-adjust kung kinakailangan at ipagpatuloy hanggang sa ang follicles ay nasa akmang size, nasa mga 4 hanggang 7 linggo.

Endometrial stromal sarcoma

  • Ikonsumo ang 3.75 mg sa pamamagitan ng IM injection isang beses kasa 28 na araw sa loob ng 3 hanggang 5 buwan. Ito ay off-label na paggamit ng gamot.

Endometriosis

  • Unang option: Ikonsumo ang 3.75 mg sa pamamagitan ng IM injection isang beses kada apat na linggo sa kabuuan na 6 na doses.
  • Pangalawang option: Ikonsumo ang 3.75 mg isang beses kada 6 na linggo sa kabuuan na 4 na doses.
  • Pangatlong option: Ikonsumo ang 11.25 mg kada 3 buwan.
  • Inirerekomenda ang estrogen at progestin therapy sa simula ng therapy at kailangan na tayahin matapos ang 3 buwan. Ang treatment ay hindi dapat lumampas ng 6 hanggang 12 buwan.

Paraphilia/hypersexuality

  • Sa pamamagitan ng SQ injection: Ikonsumo ang 1 mg; kung kaya ay sundan ng buwanang IM injections gaya ng nabanggit sa ibaba
  • Sa pamamagitan ng IM injection: Ikonsumo ang 3.75 mg kada buwan.

Precocious puberty

Base sa timbang ng katawan:

  • Mas mababa sa 20 kg: Ikonsumo ang 1.875 mg sa pamamagitan ng IM injection.
  • 20 hanggang 30 kg: Ikonsumo ang 2.5 mg sa pamamagitan ng IM injection.
  • Higit sa 30 kg: Ikonsumo ang 3.75 mg sa pamamagitan ng IM injection.
  • Ikonsumo sa mga araw na 0, 14, at 28. Ulitin ang parehong dose kada 4 na linggo (1 buwan). Kung ang response ay hindi sapat, ulitin ang dose kada 3 linggo.

In vitro fertilization

  • Ikonsumo ang 0.5 mg sa pamamagitan ng SQ injection sa loob ng 7 hanggang 10 araw, at 0.1 mg sa pamamagitan ng SQ injection kada araw.

Ano ang dose para sa bata?

Upang lunasan ang premature puberty, binibigay ang Decapeptyl bilang three-monthly injection. Inihihinto ang paggamot sa edad ng puberty at hindi dapat ipagpatuloy kung naabot na ang inaasahang bone development sa mga babaeng edad 12 at mga lalaking edad 13 hanggang 14 na taon.

Paano mabibili ang Decapeptyl?

Ang Decapeptyl ay mabibili sa mga sumusunod na porma at tapang:

  • Araw-araw na injection (Decapeptyl CR) disposable pre-filled syringe na naglalaman ng 3.75 mg sa 1 mL solvent.
  • Depot injection (3 kada buwan): powder at solvent para sa suspension para sa injection na naglalaman ng 11.25 mg
  • Decapeptyl SR 3 mg, 11.25 mg (triptorelin pamoate)
  • Decapeptyl LP (6 kada buwan): 22.5 mg (triptorelin embonate)

Ano ang aking gagawin kung magkaroon ng emergency o overdose?

Kung magkaroon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang gagawin ko kung nakaligtaan ko ang dose?

Kung nakalimutan ang dose, inumin ito sa lalong mabilis na panahon. Gayunpaman, kung malapit na sa susunod na dose, lampasan ang dose at inumin ang regular na dose gaya ng naka-schedule. Huwag magdoble ng dose.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Decapeptyl® 3-month 11.25mg powder and solvent for suspension for injection  https://www.hpra.ie/img/uploaded/swedocuments/2179490.PPA0465_261_001.7b3c4495-daf7-4007-be46-2137929cfc2f.000001Product%20Leaflet%20Approved.160713.pdf Accessed June 22, 2021

Decapeptyl https://www.mims.com/hongkong/drug/info/decapeptyl?type=full Accessed June 22, 2021

Triptorelin https://www.mims.com/philippines/drug/info/triptorelin?mtype=generic Accessed June 22, 2021

Triptorelin https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK548756/ Accessed June 22, 2021

DECAPEPTYL https://www.nps.org.au/medicine-finder/decapeptyl-solution-for-subcutaneous-injection Accessed June 22, 2021

Triptorelin. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed June 22, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

11/28/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement