Ano ang cinnarizine? Ito ay isang antihistamine. Ito ay pampakalma (pampatulog) na agent na pumipigil na mahilo at masuka.
Gamit
Ano ang gamit ng cinnarizine?
Ginagamot ng cinnarizine ang mga sumusunod:
- Peripheral vascular disease
- Cerebrovascular disorders
- Pagkahilo
- Vertigo and vestibular disorders (e.g. Ménière’s disease)
Paano dapat inumin ang cinnarizine?
Lunukin ang buong tableta nang hindi nginunguya o dinudurog ito. Inumin nang may laman ang tiyan at iwasang uminom ng alak matapos itong inumin. Mahusay na inumin ito 2 oras bago ang byahe, upang maiwasan ang pagkahilo.
Paano itabi ang cinnarizine?
Mainam na itabi ang produktong ito sa room temperature, malayo sa direktang nasisikatan ng araw at sa basang lugar. Upang maiwasan ang pagkasira ng produkto, hindi dapat ito itabi sa banyo o freezer.
Maaaring may iba’t ibang brand ang produktong ito na nangangailangan ng ibang pamamaraan ng pagtabi. Samakatuwid, mahalagang basahin ang panuto sa pagtatabi ng produkto, o maaaring magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ito sa mga bata at alagang hayop.
Hindi ito dapat i-flush sa inidoro o ibuhos sa drain kung hindi ibinilin. Karadagan, huwag na gamitin ang produkto kung expired. Komunsulta sa pharmacist para sa ibang detalye kung paano ligtas na itatapon ang produkto.
Paalala at Babala
Ano ang dapat alamin bago gamitin ang cinnarizine?
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Nagpaplanong magmaneho o magpagana ng makenarya
- Kung umiinom ng ibang gamot. Kabilang ang may reseta o wala, at mga herbal remedies.
- Kung may allergy sa anumang sangkap ng produktong ito
- Anumang sakit o kondisyong medikal.
Ligtas ba itong gamitin kung buntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon kaugnayan sa kaligtasan ng paggamit ng produktong ito sa buntis o nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa doktor para sa mga potensyal na benepisyo o panganib bago uminom ng anumang gamot.
Iba pang epekto
Ano-ano ang iba pang mga epekto na maaaring lumabas sa pag-inom ng cinnarizine?
Katulad din ng iba mga gamot, ang produktong ito ay maaaring may iba pang epekto. Kung ito’y mangyari ang mga epektong ito ay mild at mawawala kung tapos na ang paggagamot o kung pabababain ang dose. Ilan sa mga naitalang epekto kabilang ang:
- Pagkaantok
- Pagduduwal
- Pagtaas ng timbang
- Pananakit ng tiyan
- Pagsusuka
- Xerostomia (panunuyo ng bibig)
- Pagsakit ng ulo
- Hyperhidrosis (labis na pagpapawis)
- Hypersomnia (labis na pagtulog)
- Fatigue, lethargy
- Paninigas ng muscles
- Tremors
Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng mga epektong ito. Karagdagan, maaaring maranasan ng ilang tao ang iba pang epekto. Kung ikaw ay may katanungan sa mga side effects, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring may interaction sa cinnarizine?
Maaaring magkaroon ng interaction ang gamot na ito sa ibang gamot na kasalukuyang iniinom. Maaaring maiba nito ang epekto ng gamot o mapataas ang panganib sa malalang epekto.
Upang maiwasan ang interaction nito sa ibang gamot, itala ang lahat ng gamot na iniinom (kabilang ang may reseta o wala at mga herbal na produkto) at ipaalam ito sa doktor o pharmacist.
Mga gamot na may interaction:
- Barbiturates
- Hypnotics
- Narcotic analgesics
- Tricyclic antidepressants
- Sedatives and tranquilizers
- Monoamine-oxidase inhibitors
Kung makaranas man ng salungat na interaksyon sa gamot, agad itong ipaalam sa doktor upang muling suriin ang plano sa paggagamot. Maaaring baguhin ang dose na iniinom, palitan ang gamot, o tapusin ang gamutan.
Ang pagkain ba o alak ay nag-interact sa cinnarizine?
Ang gamot na ito ay maaaring magkaroon ng interaksyon sa pagkain o alak sa pamamagitan kung paano gumagana ang gamot o mapataas ang panganib sa iba pang epekto nito. Mainam na inumin ito nang may laman ang tiyan at iwasan ang alak. Pinatataas ng alak ang pagkaantok at CNS depression. Magtanong sa doktor o pharmacist ng mga potensyal na interaksyon ng pagkain o alak bago uminom ng gamot na ito.
Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa cinnarizine?
Ang gamot na ito ay maaaring magkaroon ng interaksyon sa pinagbabatayang kondisyon. Ang kaugnayang ito ay maaaring magpalala sa kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Samakatuwid, mahalaga na malaman ng iyong doktor at pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na mayroon ka, partikular ang:
- Mababang presyon
- Parkinson disease
- Porphyria
Dosage
Ang mga ibinibigay na impormasyon ay hindi pamalit sa anumang medikal na payo. Samakatuwid, palaging kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
Sa may cerebrovascular disorders
Uminom ng 75mg, isang beses kada araw
Sa may sintomas ng vestibular disorder
Uminom ng 30mg tatlong beses kada araw o 75 mg 1-2 beses kada araw.
Pagkahilo
Uminom ng 30 mg dalawang oras bago bumiyahe at 15 mg kada walong oras habang nasa biyahe kung kinakailangan.
Ano ang dose para sa bata?
Sa may sintomas ng vestibular disorder
Ang mga batang nasa 5 hanggang 12 taon gulang: 15 mg tatlong beses kada araw.
Pagkahilo o motion sickness
Para sa mga batang nasa 5 hanggang 12 taong gulang: 15 mg dalawang oras bago bumiyahe at 7.5 mg tuwing walong oras habang bumabyahe kung kinakailangan.
Paano available ang cinnarizine?
Ang cinnarizine ay mabibili sa mga sumusunod na brand, porma ng dose at tapang:
- Cinnabloc 25 mg tablets, 75 mg capsules
- Dizzinon Forte 75 mg capsules
- Gorizine 25 mg tablets
- Vertisin 25 mg tablets
- Stugeron 25 mg tablets
- Stugeron Forte 75 mg capsules
Ano ang dapat gawin kung may emergency o na-overdose?
Kung sa pagkakataon ng emergency o overdose, agad na tumawag sa nagbibigay ng mabilisang serbisyo o agad na pumunta sa pinakamalapit na hospital.
Ano ang dapat gawin kung nakalimutan ang dose?
Kung may nakaligtaan na dose, agad itong inumin. Gayunpaman, kung oras na para sa susunod na dose, laktawan na lamang at sundin ang regular na paggamit ng dose. Huwag dumoble ng dose.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.