backup og meta

Ano Ang Calcibronat at Para Saan ang Gamot na Ito? Alamin Dito

Ano ang Calcibronat?

Disclaimer: Hindi na available sa ngayon para ibenta o gamitin ang generic form at brand na ito. Ang impormasyong ito ay para lamang sa kaalaman ng lahat.

Ano ang Calcibronat: Mga Gamit

Para saan ang Calcibronat®?

Karaniwang ginagamit ang Calcibronat® (calcium bromolactobionate) sa paggamot ng insomnia, irritability, at anxiety disorders.

Paano ko dapat gamitin ang Calcibronat®?

Available ang gamot na ito bilang oral effervescent tablet. Tunawin nang lubos ang (mga) tableta sa isang basong tubig. Inumin lahat ito. Huwag lalagpas sa inirekomendang dose.

Paano dapat mag-imbak ng Calcibronat®?

Dapat na iimbak ang gamot na ito sa kwarto na hindi gaano kainit at kalamig (<30°C) at malayo sa basa. Palaging tingnan ang label bago gamitin ang produktong ito. Para sa kaligtasan, ilayo ito sa lugar na maaabot ng bata at alagang hayop.

Huwag gamitin kung ang nakaimprentang petsa ng expiration ay lumampas na, sira na ang selyo, o nagbago na ang kulay, amoy, o consistency ng produkto.

Huwag itapon ang produktong ito sa drainage, toilet, o sa paligid. Itanong sa inyong pharmacist kung paano ito tamang itatapon at saan ito dapat itapon.

Ano ang Calcibronat: Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Calcibronat®?

Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung:

  • Nagkaroon ka ng allergic reaction sa Calcibronat® o kaparehong produkto.
  • Nagkaroon ka na ng allergy sa ibang gamutan, pagkain, o ibang mga substance.
  • May iniinom kang ibang gamot.
  • Mayroon kang underlying health condition tulad ng 
    • Matinding tigyawat
    • Dehydration
    • Malnutrisyon
    • Kidney stone o hindi sapat na gana ng kidney

Ligtas bang gamitin ito ng mga buntis o nagpapasuso?

Wala pang sapat na impormasyon sa ligtas na paggamit ng gamot na ito sa mga buntis at nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa inyong doktor upang matimbang ang potensyal na benepisyo nito at panganib bago gamitin ang Calcibronat®.

Ano ang Calcibronat: Mga Side Effect

Ano ang mga side effect na pwedeng mangyari sa paggamit ng Calcibronat®?

Lahat ng gamot ay maaaring may side effect kahit sa normal na paggamit. Maraming side effect ang may kaugnayan sa dose ng gamot at mawawala rin kapag nagkaroon ng adjustment dito o kapag natapos na ang therapy.

Ilan sa mga potensyal na side effect habang ginagamit ang gamot na ito ang:

  • Pagkaantok habang may araw pa
  • Pagkamayamutin
  • Disorientation
  • Pagkalito
  • Hallucination
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Hirap tumae
  • Iritasyon o pangangati ng balat

Maaari kang makaranas ng ilan, o iba pang side effect na hindi nabanggit sa itaas. Maaari ding hindi ka makaranas ng anumang side effect. Kung makaranas ka ng masamang epekto, agad mong itigil ang paggamit ng gamot na ito. Kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa mga side effect o kung nababahala ka, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Calcibronat®?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot.Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, non-prescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.

Mga gamot at mga kaugnay na interaction sa gamutang ito:

  • Biphosphonates 
    • Binabawasan ng calcium ang bioavailability ng gamot na ito.
  • Tetracyclines 
    • Binabawasan ng calcium ang bioavailability ng gamot na ito.
  • Quinolones 
    • Binabawasan ng calcium ang bioavailability ng gamot na ito.
  • Levothyroxine 
    • Binabawasan ng calcium ang bioavailability ng gamot na ito.

Kung makaranas ka ng anumang masamang epekto ng gamot, itigil ang gamot na ito at ituloy ang pag-inom ng iba mo pang gamot. Ipaalam agad sa iyong doktor upang masuri ang iyong gamutan. Maaaring kailangang i-adjust, palitan ng ibang gamot, o itigil na ang paggamit nito.

May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Calcibronat®?

Maaaring inumin ang gamot na ito may laman man ang tiyan dahil wala itong kapansin-pansing interaksyon. Huwag inumin ang gamot na ito kasabay ng alak dahil maaari itong magdulot ng labis na pagkaantok.

Ipaalam sa iyong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang alalahanin patungkol sa interkasyon sa pagkain o iba pang gamot.

Anong kalagayang pangkalusugan ang maaaring magkaroon ng iteraksyon sa Calcibronat®?

Kailangang inumin ang Calcibronat® nang may pag-iingat kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na kondisyon o panganib:

  • Diabetes
  • low-sugar diet
  • Hypercalcemia
  • Tissue calcification
  • Kidney stones
  • Chronic glomerular nephropathy
  • Fructose-intolerance o may sucrose-isomaltase deficiency

Ipaalam sa iyong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang alalahanin tungkol sa tiyak na kalagayang pangkalusugan.

Ano ang Calcibronat: Dosage

Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya dapat parating kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng Calcibronat®.

Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?

Akma para sa matatanda at batang may timbang na higit 30 kg.

Ang inirerekomendang dose ay 1 o 2 effervescent na tableta kada araw.

Huwag lalagpas sa inirekomendang dose kada araw.

Ano ang dose para sa bata?

Sa mga batang higit 30 kg ang timbang, ang inirerekomendang dose ay 1 tableta kada araw.

Paano makukuha ang Calcibronat®?

Available ang Calcibronat sa mga sumusunod na dosage form at strength:

  • Effervescent tablets 2g

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?

Kung nakaligtaan mo ang isang dose, gumamit na nito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang dose at sundan ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag mag-dobleng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.moncoinsante.co.uk/calcibronat-2g-boite-de-20-comprimes-effervescents.html

https://www.uspharmacist.com/article/drug-interactions-with-vitamins-and-minerals

Kasalukuyang Version

08/13/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement