Ano ang ACC? Ang ACC ay isang brand name ng gamot na N-acetylcysteine (NAC). Gumagana ang NAC sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng mucus sa upper respiratory tract. Ito rin ang antidote na pinili para sa paracetamol overdose at toxicity.
Mga gamit
Para saan ang ACC?
- Mucolytic
- Antidote para sa ilang mga overdose ng gamot (hal. paracetamol)
- Antioxidant
Paano ako iinom ng ACC?
Basahin ang mga direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon kung ano ang ACC. Suriin ang label at petsa ng expiration.
Ito ay ginagamit bilang isang effervescent tablet. Tunawin mabuti ang tableta sa isang basong tubig at pagkatapos ay inumin ang buong solution. Huwag lunukin o nguyain ang tableta nang buo. Inumin ito kasama ng mga pagkain.
Paano mag-imbak ng ACC?
Itago ang produktong ito sa room temperature malayo sa direktang liwanag at humidity. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong itago sa banyo o freezer.
Maaaring may ibang mga brand nito na may iba’t ibang kailangan sa pag-iimbak. Kaya naman, mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa mga tagubilin sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o ibuhos sa drain maliban kung inutusang gawin ito. Bukod pa rito, mahalagang itapon nang maayos ang produktong ito kapag nag-expire na ito o hindi na kailangan. Kumunsulta sa iyong parmasyutiko para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang iyong produkto.
Mga Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang ACC?
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/o:
- Buntis o nagpapasuso.
- Umiinom ng anumang gamot. Kabilang dito ang anumang reseta, OTC, at mga herbal na remedyo.
- Allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito.
- Anumang iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal.
Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Gayunpaman, malamang na ligtas itong i-take. Mangyaring palaging kumunsulta sa iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot.
Ang gamot na ito ay pregnancy risk category B ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).
Sanggunian sa kategorya ng panganib sa pagbubuntis ng FDA sa ibaba:
- A= Walang panganib
- B= Walang panganib sa ilang pag-aaral
- C= Maaaring may ilang panganib
- D= Positibong ebidensya ng panganib
- X= Contraindicated
- N= Hindi alam
Side Effects
Anong mga side effect ang maaaring mangyari mula sa ACC?
Tulad ng lahat ng gamot, ang produktong ito ay maaaring may mga side effect. Kung nangyari ang mga ito, ang mga side effect ay karaniwang mild at malulutas kapag natapos na ang paggamot o binabaan ang dose. Ang ilang naiulat na epekto ay kinabibilangan ng:
- Autoimmune reaction
- Anaphylactoid reaction
- Problema sa paghinga (dyspnea)
- Bronchospasm
- Ubo
- Dyspepsia
- Flushing
- Tumataas na heart rate (tachycardia)
- Edema
- Pantal sa balat at pangangati
- Pagduduwal
- Pagsusuka
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Bilang karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang mga epekto. Kaya, kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, mangyaring kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa ACC?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa iba pang mga gamot na kasalukuyan mong iniinom, na maaaring magpabago sa paggana ng iyong gamot o dagdagan ang panganib mo para sa malubhang epekto.
Upang maiwasan ang anumang potensyal na interaction sa gamot, dapat kang magkaroon ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit (kabilang ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products) at ibahagi ito sa iyong doktor at parmasyutiko.
Mga gamot na kilalang may interactions:
- Antitussives (mga pigil sa ubo)
- Mga antibiotic
- Nitroglycerin
- Activated carbon
- Salicylates
- Ketone bodies
Kung nakakaranas ka ng masamang drug interaction, ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor upang muling suriin ang iyong plano sa paggamot. Kasama sa mga diskarte ang pagsasaayos ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.
May interaction ba sa pagkain o alkohol sa ACC?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alkohol sa pamamagitan ng pagbabago sa paraan ng paggana ng gamot o pagtaas ng panganib para sa malubhang epekto. Talakayin sa iyong doktor o parmasyutiko ang anumang potensyal na interaction sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaction sa ACC?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa mga underlying conditions. Ang pakikipag-ugnayang ito ay maaaring magpalala ng iyong kalagayan sa kalusugan o magbago sa paraan ng paggana ng gamot. Samakatuwid, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor at parmasyutiko ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na:
- Aktibong peptic ulcer disease (PUD)
Dosage
Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Samakatuwid, dapat palagi kang kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa adult?
Mucolytic
I-dissolve ang isang 200 mg tablet 2 hanggang 3 beses bawat araw -O- kalahati ng 600 mg tablet dalawang beses sa isang araw o ang buong tablet isang beses sa isang araw. Huwag itong gamitin nang higit sa 5 araw.
Paracetamol poisoning
Sa umpisa, mag-take ng 140 mg bawat kg ng timbang ng katawan, susundan ng 17 maintenance doses ng 70 mg bawat kg ng timbang sa katawan na binibigay tuwing 4 na oras.
Ano ang dose para sa bata?
Mucolytic
Para sa mga batang 6 hanggang 14 na taon: Magbigay ng isang 200 mg tableta na tinunaw sa tubig dalawang beses sa isang araw.
Mga bata 2 hanggang 5 taon: Bigyan ng kalahati ng isang 200 mg na tableta na tinunaw sa tubig 2 hanggang 3 beses sa isang araw.
Huwag ibigay ito nang higit sa 5 araw.
Paracetamol poisoning
Pareho sa dose ng adult o ayon sa direksyon ng isang pediatrician.
Availability
Available ang ACC sa mga sumusunod na form ng dose at lakas:
Effervescent tablet: 200 mg, 600 mg
Ano ang gagawin ko sa oras ng emergency o overdose?
Sa oras ng emergency o overdose, tawagan ang iyong mga lokal na serbisyong pang-emergency o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ako ng isang dose?
Kung napalampas mo ang isang dose, inumin ito kaagad. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa iyong susunod na dose, laktawan ang napalampas na dose at inumin ang regular dose mo ayon sa naka-iskedyul. Huwag mag-double dose.