Ang Norethisterone ay isang hormonal na gamot na ginagamit upang hindi mabuntis. Isa itong birth control pill na naglalaman lang ng progestin, na tinatawag ding “mini” pill. Para saan ang norethisterone? Iniiwasan nito ang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpapalapot ng vaginal fluid upang maging mahirap para sa sperm na mag-fertilize ng egg sa sinapupunan. Dagdag pa rito, pansamantala nitong pinipigilan ang paglalabas ng egg (ovulation) mula sa mga obaryo.
Mga Pangunahing Kaalaman
Para saan ang norethisterone?
- Iniiwasan ang pagbubuntis
- Ginagamot ang premenstrual syndrome (PMS)
- Kinokontrol ang polycystic ovarian syndrome (PCOS)
- Kinokontrol ang menstruation
- Pino-postpone o dine-delay ang menstruation
- Pinabababa ang panganib ng ilang uri ng cancer
- Hormonal replacement therapy sa mga babaeng postmenopausal
Paano ko dapat gamitin ang norethisterone?
Para sa kumpletong impormasyon, basahin ang direksyon sa pakete ng produkto. Tingnan ang label at ang petsa ng expiration.
Para sa mga oral dosage form, lunukin ito nang buo, hindi nginunguya, huwag durugin o tunawin sa tubig. Uminom nito kumain ka man o hindi.
Para sa mga parenteral dosage form, tanging mga lisensyadong healthcare professional ang maaaring magbigay nito.
Paano ko dapat iimbak ang norethisterone?
Pinakamagandang iimbak ang produktong ito sa room temperature at malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.
Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruction. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.
Mga Pag-iingat at Babala
Anong dapat kong malaman bago gumamit ng norethisterone?
Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay/mayroong:
- Buntis o nagpapasuso
- Naninigarilyo
- Gumagamit ng iba pang gamot. Kabilang dito ang inireseta, OTC, at halamang gamot.
- Allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito
- May iba pang karamdaman, disorder, o medikal na kondisyon
Ligtas bang gumamit ng norethisterone kapag buntis o nagpapasuso?
May malakas na ebidensyang nagdudulot ang gamot na ito ng genital abnormalities sa mga sanggol habang ipinagbubuntis. Ang mga progestine ay contraindicated (hindi pinahihintulutan) habang nagbubuntis. Kung nabuntis ka habang gumagamit ng gamot na ito, agad itong itigil at kumonsulta sa doktor.
Kung balak mong magpasuso, maghintay ng hanggang 6 na linggo matapos manganak upang makapagsimulang gumamit ng gamot na ito.
Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), ang gamot na ito ay pregnancy risk category X.
Narito ang batayan ng FDA pregnancy category:
- A = walang panganib
- B = walang panganib sa ilang pag-aaral
- C = maaaring may ilang panganib
- D = May positibong patunay ng panganib
- X = contraindicated
- N = hindi alam
Alamin ang mga Side Effect
Ano ang mga side effect ng norethisterone?
Gaya ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang produktong ito. Kapag nangyari iyon, karaniwang mild at nawawala rin kapag natapos na ang gamutan o binabaan ang dose. Kabilang sa ilang side effect ang:
- Iregular na pagreregla, spotting
- Amenorrhea
- Kanser sa suso
- Problema sa paningin
- Migraine
- Depresyon
- Bumabang glucose tolerance
- Deep vein thrombosis (DVT)
- Pagduduwal at pagsusuka
- Pagsakit ng tiyan
- Pagkahapo
- Paninilaw ng balat
- Pagbigat ng timbang
- Abnormal na lebel ng enzyme ng atay
- Pananakit ng ulo
- Pagkahilo
- Insomnia
- Breast tenderness
- Paglaki ng suso
- Pagbaba ng libido
- Pagbabago sa cervical secretion
- Cervical erosion
- Acne
- Melasma
- Pruritus
- Pagbabago ng mood
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.
Alamin ang mga Interaksyon
Anong mga gamot ang may interaksyon sa norethisterone?
Maaaring may interaksyon ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, non-prescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.
Mga gamot na sinasabing may interaksyon sa norethisterone:
- Barbiturates
- Phenytoin
- Carbamazepine
- Griseofulvin
- Felbamate
- Azole antifungal
- Macrolide antibiotics
- Verapamil, diltiazem
- Ulipristal
- St. Johns wort
Kung makaranas ka ng masamang reaction sa gamot, ipaalam agad sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kasama sa mga paraan ang adjustment sa dose, pagpapalit ng gamot, o paghihinto ng therapy.
May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Norethisterone?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Iwasan ang pagkonsumo ng produkto at alak na may suha. Pag-usapan kasama ng iyong doktor o parmasyutiko ang anumang posibleng interaksyon sa pagkain o alak bago gamitin ang gamot na ito.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa norethisterone?
Maaaring may interaksyon ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaksyon na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na ang:
- Seizures
- Migraines
- sakit sa puso
- Sakit sa bato
- Depresyon
- Altapresyon
- Diabetes
- Dyslipidemia
- Blood coagulation disorders
Unawain ang Dosage
Hindi pamalit para sa anumang medikal na payo ang mga impormasyong ibinigay dito. Kaya naman, palaging kumonsulta sa doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?
Contraception
Sa pamamagitan ng IM injection, magbigay ng 200mg sa loob ng unang limang araw ng menstrual cycle o agad-agad matapos manganak. Ulitin ang dose tuwing walong linggo kung kinakailangan.
Para sa mga oral dosage form, uminom ng 0.35 mg isang beses kada araw. Simulan sa unang araw ng menstruation o hanggang 21 araw matapos manganak. Ipagpatuloy ang paggamit nito hanggang sa gustuhin mo nang mabuntis.
Pagpapaliban ng regla
Gumamit ng 5 mg tatlong beses sa isang araw nang hanggang 14 na araw, simula sa tatlong araw bago mo asahan ang pagsisimula ng menstruation.
Dysfunctional uterine bleeding
Gumamit ng 5 mg tatlong beses sa isang araw sa loob ng 10 araw. Upang maiwasan ang pagbalik nito, gumamit ng 5 mg dalawang beses sa isang araw mula sa ika-19 hanggang ika-26 na araw ng sunod na dalawang cycle. (2.5 hanggang 10 mg kada araw sa loob ng 5 hanggang 10 araw), kung gumagamit ng norethisterone acetate).
Matinding lakas ng regla
Gumamit ng 5 mg dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw mula sa ika-19 hanggang ika-26 na araw ng iyong menstrual cycle. (Ang unang araw ng pagdurugo ay day 1)
Dysmenorrhea
Gumamit ng 5 mg tatlong beses sa isang araw sa loob ng 20 araw, simula sa ika-5 araw ng cycle. Ipagpatuloy ang gamutan sa loob ng 3 hanggang 4 na cycle.
Endometriosis
Gumamit ng 10 hanggang 20 mg isang beses sa isang araw, simulan sa pagitan ng una at ikalimang araw ng cycle, ipagpatuloy sa loob ng 4 hanggang 6 na buwan o mas matagal pa. Sa norethisterone acetate, gumamit ng 5 hanggang 15 mg kada araw. Magsimula sa 5 mg araw-araw at dagdagan ng 2.5 mg na may 14 na araw na mga interval. Gumamit nito nang tuloy-tuloy sa loob ng 6 hanggang 9 na buwan.
Premenstrual syndrome (PMS)
Gumamit ng 5 mg 2 hanggang 3 beses kada araw sa 19 hanggang 26 na araw ng iyong cycle. Ulitin ng ilang cycle kung kinakailangan.
Ano ang dose para sa bata?
Hindi pa naitatakda ang dosage para sa mga batang pasyente. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Palaging mahalaga ang lubos na pag-unawa kung ligtas bang gamitin ang gamot bago gamitin. Kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko para sa karagdagang impormasyon.
Sa anong dosage form available ang gamot na ito?
Available ang norethisterone sa mga sumusunod na dosage form at strength:
- Tableta: 0.35 mg
- Tableta (may lamang norethisterone acetate): 5 mg
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?
Kung nakaligtaan ang dose ng norethisterone, inumin na ito agad. Sa loob ng tatlong oras matapos itong makaligtaan, inumin ito agad at inumin ang susunod na dose ayon sa regular nitong iskedyul. Mapoproteksyunan ka pa rin nito laban sa pagbubuntis.
Kung nakaligtaan mo ang iyong dose nang lagpas na sa tatlong oras, inumin na ito sa oras na maalala mo. Inumin ang susunod na dose ayon sa regular nitong iskedyul, kahit na ang ibig sabihin nito ay pag-inom ng 2 pills sa loob ng 24 oras. Ipagpatuloy ang pag-inom ng pill ayon sa iskedyul sa bawat araw habang gumagamit ng iba pang anyo ng contraception (halimbawa: condom, pag-iwas sa sex) sa loob ng hindi bababa sa 48 oras upang maiwasan ang pagbubuntis.
Ang pag-inom ng dalawang dose nang magkasunod o sa parehong oras ay maaaring makapagpatindi ng side effect tulad ng pagduduwal, spotting, at pagbabago ng mood. Maaari kang makaramdam ng side effect tulad ng pagduduwal at pagpapabago-bago ng mood.