Ang vitamins ay may malaking epekto sa pagpapanatili ng malusog na katawan. Kadalasan, ang mga ito ay organic compounds na may kaugnayan sa regulasyon ng mekanismo ng pagkilos ng enzymes sa katawan. Gayunpaman, ang pagpapanatili ng masustansyang diet na puno ng vitamins ay isang malaking hamon para sa mga taong may diabetes. Kung ang diet para sa diabetes ay hindi tumutugon nang mabuti, kailangang sumailalim sa nutritional therapy o agad na komunsumo ng mga sumusunod na sangkap. Narito ang mga pinakamainam na vitamins para sa diabetes.
6 Na Pinakamainam Na Vitamins Para Sa Diabetes
1. Vitamin A
Isang pinakakailangang nutrisyon sa diet ng isang diabetic. Ang vitamin A sa diet ng diabetic ay kilalang may gampaning nakatutulong sa paggana ng mga mata. Bukod pa rito, gumagana rin ito upang mapabuti ang paglaki ng cell at tissue sa buong katawan, at protektahan ang balat at iba pang tissues mula sa impeksyon. Ang vitamin A na matatagpuan sa mga halaman (sa anyo ng precursor, beta carotene) ay kumikilos din bilang antioxidant.
Ang beta carotene mula sa mga pagkain ay maaari ding i-convert ng katawan sa vitamin A. Bagama’t ang mataas na doses ng vitamin A ay maaaring nakalalason, ang beta-carotene ay maaaring ma-tolerate sa mas mataas na doses.
2. Vitamin B
Ano ang pinakamainam na vitamins para sa diabetes? Ang B vitamins, na biotin, choline, folic acid, niacin, pantothenic acid, B1, B2, B6, at B12, ay kabilang sa metabolismo ng carbohydrate, fat, at protina at sa produksyon ng enerhiya. Dapat lamang uminom ng partikular na B vitamin kung inireseta ng doktor.
May tyansang makaranas ng kakulangan sa B12 ang mga taong hindi talaga kumakain ng karne (vegans) at hindi umiinom ng vitamin supplements. Ito ay humahantong sa anemia. Ang mga walang natural na salik sa lining ng tiyan na nakatutulong sa katawan upang masipsip ang B12 ay mayroon ding tyansang makaranas ng kakulangan sa B12. Ang mga matatanda ay may tyansang magkaroon ng kakulangan sa B12. Ito’y dahil ang kanilang katawan ay posibleng tumigil sa pagprodyus ng mga natural na salik na ito. Kaya naman, sila ay dapat uminom ng multivitamins bilang reseta ng doktor.
3. Vitamin C
Kilala ang vitamin C sa gampanin nitong suportahan ang paggana ng resistensya. Kaya naman, isa ito sa mas mahahalagang vitamins para sa mga pasyenteng may diabetes. Dagdag pa, ang vitamin C ay nakatutulong sa produksyon ng collagen, na pinapanatiling malakas ang capillaries at walls ng mga ugat na daluyan ng dugo. Bilang resulta, ang vitamin C ay maaaring makatulong sa pag-iwas na magkaroon ng pasa, pagpapanatili ng malusog na balat at tissue ng gilagid, at pagsipsip ng katawan sa mga halamang pinagmumulan ng iron.