backup og meta

Vitamin D para sa diabetes, epektibo nga ba?

Vitamin D para sa diabetes, epektibo nga ba?

Mula sa kanser, mga isyu sa puso, diabetes, at marami pang iba, ang vitamin D o ang ‘sunshine vitamin’ ay napatunayang kapaki-pakinabang. Ito ay kilala na tumutulong sa katawan para ma-absorb ang calcium. Gayunpaman, ang superstar vitamin ay kilala rin na nagpapataas ang produksyon ng insulin. Basahin at matuto tungkol sa vitamin D para sa diabetes.

Tulad ng alam ng lahat, ang diabetes, type 1 man o type 2 ay mga pangunahing sanhi ng kawalan ng kakayahan ng pancreas na gumawa ng insulin na kumokontrol sa glucose level ng ating sistema. Bilang resulta, tumataas ang blood sugar levels.

Ang vitamin D ay nagre-regulate ng produksyon ng insulin sa katawan. Talagang magkaugnay ang vitamin D at type 2 na diabetes.

Ano ang papel ng superstar na vitamin D sa katawan? 

Pinatunayan ng mga pag-aaral kung gaano kapaki-pakinabang ang ugnayan sa pagitan ng vitamin D at diabetes. Ang bitamina na ito ay mahalaga sa paggawa ng insulin sa katawan. Ito ay nakakatulong sa regulasyon ng glucose–na higit naglilipat ng enerhiya sa cells ng dugo. 

Ang pagkakaroon ng vitamin D sa katawan ay lubhang kapaki-pakinabang, habang ang kakulangan nito naman ay maaaring magdulot ng iba’t ibang isyu. Iniulat ng mga pag-aaral na ang kakulangan ng vitamin D ay nauugnay sa simula at paglala ng diabetes mellitus.   

Higit pa rito, pinatunayan ng mga pag-aaral na ang pagbibilad sa araw ng humigit-kumulang 15-20 minuto araw- araw ay pinakamayamang source para makakuha ng vitamin D. Ito ay pinakamahusay na paraan para mapataas ang produksyon ng bitamina sa katawan. Binabawasan nito ang risk ng diabetes at marami pang ibang isyu sa kalusugan.

Habang ang pagbibilad sa araw ay ang pinakamahusay na paraan upang makuha ang iyong dose ng vitamin D araw-araw, may iba pang supplements na pinakamainam–kaakibat ang payong medikal. Sa pagkain, ang mga itlog, isda, powdered milk, fortified cereal, nuts, at iba pa ay magandang pinagmumulan ng vitamin D para sa diabetes.

Sa kabilang banda, ang kakulangan ng vitamin D ay maaaring humantong sa maraming isyu sa katawan. Ito ay tulad ng muscle weakness, pananakit ng buto, mahinang immune system, at iba pa. Ito rin ay humahantong sa mga pangmatagalang kundisyon, gaya ng Alzheimer disease, hypertension, cancer, at type 2 diabetes.

Kaya, ang vitamin D at diabetes ay talagang nauugnay, dahil ang isang kakulangan ng una ay aktibo sa pagkakaroon ng huli sa iyong katawan.

Ang role  ng vitamin D sa diabetes: Paano aktibong nauugnay ang dalawa?

Napatunayan na natin na talagang mahalaga ang vitamin D sa katawan. Ang pagkakaroon nito ay nasisiguro na ang iyong katawan ay gumagana sa isang malusog na paraan. Gayundin, ang kakulangan nito ay humahantong sa maraming short-term at long-term na mga health issues, kabilang ang diabetes.

Natuklasan ng iba’t ibang pananaliksik at pag-aaral na ang vitamin D at diabetes ay nauugnay. Ang mababang level ng bitamina D ay nagiging sanhi ng insulin resistance. Ang insulin resistance ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay nagsisimulang lumaban at hindi matinag sa insulin. Kaya nagreresulta ito sa mataas na antas ng blood sugar at pagkatapos, ay ganap na diabetes. 

Ang vitamin D ay kilala para mapanatiling malusog ang mga beta cell sa pancreas. Kilala sa secretion ng insulin hormone ang mga beta cell sa pancreas. Kaya, napakahalaga na manatili sila sa perpektong kalusugan, kung hindi, maaari itong humantong sa mataas na blood sugar at type 2 diabetes.

Dito pumapasok ang vitamin D–ang bitamina na ito ay kilala na aktibong pumasok sa mga beta cell at nakikipag-ugnayan sa lahat ng mga receptor na kilalang nagbubuklod at gumagawa ng insulin.

Sa isang taong may diabetes, sinusubukan ng katawan na sirain ang mga beta cell, kaya lumilikha ng estado ng insulin resistance. Kadalasan, kailangan ng external intake ng insulin sa pamamagitan ng injections. Ang sapat na vitamin D sa katawan ang pumipigil ng pagkasira ng mga cell at nakakatulong sa pagtaas ng insulin secretion.  

Kailangan ng katawan ang vitamin D para maka-absorb ng calcium, na nagpapatibay sa mga buto. Ang calcium naman ay may maliit pero mahalagang papel sa insulin secretion.  Malinaw na nagreresulta sa mababang calcium level ang kakulangan sa vitamin D. Lalo nitong sinisira ang kakayahan ng katawan sa insulin secretion. 

Vitamin D at Diabetes Type 2

Ang type 2 diabetes ay sanhi ng isang unhealthy lifestyle, labis na katabaan, kakulangan sa pag-eehersisyo, edad, at maraming mga iba pang nakakaapekto sa katawan sa paglipas ng panahon. 

Kahit na nakakapinsala, ito ay manageable condition pa rin, at hindi gaanong seryoso kaysa sa type 1 na diabetes. Ang kaugnayan ng vitamin D at diabetes ay may mahalagang papel dito, dahil inaalis ng vitamin D ang mga risk factors na nagdudulot ng type 2 diabetes. 

  • Ang vitamin D ay maaaring makatulong sa pamamahala ng timbang. Binabawasan nito ang level ng cortisol, na isang stress hormone na ginawa sa adrenal gland. Ang mas mataas na level ng stress hormone ay kadalasang nauuwi sa pagdami ng taba–at ito ay maaaring humantong sa obesity, na isa sa mga nagti-trigger ng type 2 diabetes. 
  • Tinutulungan ng vitamin D na bawasan ang level ng parathyroid hormone sa katawan. Ito naman ay nagpapabuti ng metabolismo, nagtataguyod ng pagbaba ng timbang, at binabawasan ang obesity sa katagalan.
  • Ang vitamin D ay nakakatulong din sa pagre-regulate ng iyong pang-araw-araw na diet. Nakakatulong ito na maiwasan ang gutom.  

Nakakatulong ang vitamin D na bawasan ang mga risk factors na nagpapasimula ng type 2 diabetes.

Mag-ingat sa ilang partikular na termino kapag bumibili ka ng vitamin D supplements. Halimbawa, ang mga produkto na mayroong ‘magandang source ng vitamin D’ sa packaging ay kadalasang binubuo ng vitamin D2 (plant-based) lamang.

Vitamin D lang ba ang tangi at pinaka-maaasahang mapagkukunan ng pagkontrol sa diabetes? Oo at hindi.

Bagama’t maraming pag-aaral ang nagpakita ng positibong epekto ng paggamit ng vitamin D, napatunayan din nila na ang mga resulta ay medyo mabagal at maaaring hindi ganoon kaepektibo sa pamamahala ng diabetes. 

Gayundin, may iba pang factors na parehong mahalaga para sa pamamahala ng diabetes.

Key Takeaways

Ang vitamin D at type 2 na diabetes ay talagang nauugnay, ngunit ang pangkalahatang health benefits ng nutrient ay higit na nagpapatibay sa koneksyon na ito.
May alam ka bang iba pang ugnayan ng superstar na vitamin D at diabetes, o anumang iba pang benepisyong maaaring nalaktawan natin? Ipaalam sa amin sa mga komento sa ibaba. 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Role of Vitamin D in Diabetes / https://www.jofem.org/index.php/jofem/article/view/23/32 / Accessed on 21/05/2020

Vitamin D and Diabetes / https://www.diabetes.co.uk/food/vitamin-d.html / Accessed on 21/05/2020

Vitamin D and Diabetes / https://spectrum.diabetesjournals.org/content/24/2/113 / Accessed on 21/05/2020

Role of vitamin D in diabetes mellitus and chronic kidney disease / https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4781904/ Accessed on 03/06/2020

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Nagiging Reversible Ang Renal Disease Sa Diabetes?

Pinakamainam Na Vitamins Para Sa Mga Diabetic


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement