backup og meta

Pag-Iwas sa Diabetes: Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Pag-Iwas sa Diabetes: Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Pagdating sa pag-iwas sa diabetes risk factors, mahalaga ang pagsubaybay sa lebel ng blood sugar. Pero hindi lang ito ang paraan upang maiwasan ang diabetes.

Alamin rito ang iba’t-ibang mga paraan na ito, at paano ito nakatutulong sa kalusugan.

Risk factors para sa diabetes

Nakasalalay ang posibilidad ng pagkakaroon ng diabetes sa modifiable at non-modifiable risk factors.

Ang non-modifiable risk factors ay mga bagay na hindi mo mababago. Kabilang dito ang family history, edad, at lahi.

Ang modifiable risk factors naman ay maaari mong aksyonan para mapababa ang diabetes risk. Kabilang dito ang BMI, waist circumference, mayroon ka man o walang sedentary lifestyle, at lipid levels.

Sa pamamagitan ng pagiging maalalahanin sa’ting kinakain at pagiging mas motivated sa ating pag-eehersisyo, binabawasan natin ang ating mga pagkakataong magkaroon ng type 2 diabetes, ang pinakakaraniwang uri ng diabetes. Hindi pa huli ang lahat para simulan ang pamumuhay ng isang healthy lifestyle.

pag-iwas sa diabetes

Narito ang ilang mga tip para sa pag-iwas sa diabetes

1. Pag-iwas sa diabetes risk factors: Unahin ang ehersisyo

Bukod sa pag-alis ng mga unwanted extra pounds, ang regular na pag-eehersisyo ay nauugnay sa maraming benepisyo, tulad ng:

  • Mas malakas na kalusugan ng isip
  • Pinatibay na buto at muscles
  • Pagtaas ng energy levels
  • Pinahusay na memorya at kalusugan ng utak
  • Mas mahusay na pakikipag-sex

Ang wastong ehersisyo ay maaaring humantong sa mas mabuting buhay. Gayunpaman, ang pinaka-kritikal naitutulong nito ay pinapadali nito ang pag-kontrol ng blood sugar.

Ang mga indibidwal na na-diagnose ng type 2 diabetes ay mataas na blood sugar. Ito’y dahil sa kanilang pagiging insulin resistant. Sa type 1 diabetes naman, hindi makagawa ng tamang dami ng insulin ang katawan. Kaya’t hindi nakokontrol ng katawan ng maayos ang blood sugar.

Anuman ang sitwasyon, ang pag-eehersisyo sa organikong paraan ay nagpapababa ng glucose sa dugo ng isang tao.

Kaya’t hindi mahalaga kung ang iyong katawan ay walang sapat na insulin o kung ikaw ay insulin-resistant, basta’t palagi kang nag-eehersisyo. Kapag nagsusumikap kang maging pisikal na aktibo, nakukuha ng iyong mga muscle ang kanilang kailangan na glucose, na positibong nakaaapekto sa blood glucose level.

2. Pag-iwas sa diabetes risk factors: Dagdagan ang fiber intake

Ang carbohydrates ay nagpapabuti sa pagkontrol ng blood sugar, at ang pagkaing mayaman sa fiber ay binabawasan ang panganib na magkaroon ng diabetes. Ang natutunaw na fiber, ay nakatutulong na mapabuti ang blood sugar level dahil pinapabagal nito ang absorption ng asukal sa katawan.

Nakatutulong rin ang diets na mayaman sa fiber sa pagbaba ng timbang at pag-iwas sa mga sakit sa puso. Magsimula sa pamamagitan ng pagkain ng mas maraming gulay, mani, beans, at prutas, na napakahusay na sources ng fiber.

3. Pag-iwas sa diabetes risk factors: Pumili ng isang sustainable diet

Napakaraming magagawa ang fad diets. Bagama’t ang mga ganitong uri ng mga usong diet ay nangangako ng pagbaba ng timbang, kinakailangan pa ng higit na mga pag-aaral para magarantiya ang kanilang mga positibong long-term effects..

Sa pamamagitan ng makabuluhang pagbabawas ng iyong pag-intake ng ilang partikular na food groups, maaari mo ring limitahan ang iyong pag-intake ng mahahalagang sustansya. Bagama’t ang ilang mga sakit ay nangangailangan ng pag-iwas sa mga partikular na uri ng pagkain, sa huli natutunan kung paano kontrolin ang mga porsyon na gumagawa ng isang mahusay na well-rounded diet.

Kahit gaano kasimple ang mga ito, ang pagpili na unahin ang simple healthy choices ay may malaking bagay. Ang ilang mga halimbawa ay ang pagtigil sa pagkain ng sugary food pagbabawas ng iyong pag-inom ng alkohol, at pagdaragdag ng higit pang mga gulay sa’yong diyeta.

Sa huli, ang maliliit na desisyong tulad nito ay nakatutulong sa pangkabuuang kalusugan.

4. Pag-iwas sa diabetes risk factors: Mawalan ng extra pounds

Para sa mga overweight, ang pag-iwas sa diabetes ay konektado sa pagbaba ng timbang. Ang labis na katabaan ay mayroong malaking papel sa equation ng diabetes.

Kaya’t ang katawan ng tao ay mangangailangan ng dalawa hanggang tatlong beses na mas maraming insulin kaysa sa’yong ideal weight, na lumalampas sa kung ano ang kayang gawin ng pancreas. Bilang resulta, ang mga selula (cell) na gumagawa ng insulin ay nagsisimulang mamatay. Ito’y dahil ang pancreas ngayon ay itinutulak nang higit sa natural nitong kapasidad. Kapag nangyari ito, ang gland organ ay mayroon na ngayong mas kaunting mga selula (cell)  na tumutulong sa paggawa ng insulin.

Bukod pa rito, sinasabi rin ng mga pag-aaral na ang pancreas ay mas madaling makapinsala kapag mayroong labis na taba sa tiyan, na kadalasang nangyayari sa mga taong sobra sa timbang.

Hindi lihim na ang pagbaba ng timbang ay mahalagang gawin kapag sobra ang timbang. Higit pa rito, mas kayang tugunan ng ating pancreas ang ating pangangailangan para sa insulin kapag mas mababa ang ating timbang.

Key Takeaways

Ang diabetes ay maaaring magdulot ng ilang komplikasyon sa kalusugan sa katagalan. Ngunit tulad ng maraming sakit, ang karamihan sa mga katangian na humahantong sa malalang sakit ay maaaring kontrolin. Imbes na lumapit sa pre-diabetes bilang gateway sa diabetes, pinakamainam na tingnan ito bilang isang motivator na pumili ng mas malusog na mga opsyon na nakatutulong sa pagpapababa ng diabetes risk factors.
Hindi sinasabi na ang pag-adopt ng isang aktibong lifestyle at pagkain ng mga tamang uri ng pagkain ay tiyak na nakatutulong sa pagsulong ng mas malusog na lebel ng insulin at blood sugar. Para sa mas serious concern at tanong tungkol sa diabetes, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa doktor.

Matuto pa tungkol sa Type 2 Diabetes dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Importance of Exercise When you have Diabetes https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/the-importance-of-exercise-when-you-have-diabetes Accessed August 30, 2020

Nutrition and Healthy Eating https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/fiber/art-20043983 Accessed August 30, 2020

Diabetes Risk https://www.diabetes.org/diabetes-risk Accessed August 30, 2020

Diabetes Prevention https://www.cdc.gov/diabetes/prevention/pdf/t2/Participant-Module-2_Get_Active_to_Prevent_T2.pdf Accessed August 30, 2020

Eat Well to Prevent Type 2 Diabetes https://www.cdc.gov/diabetes/prevention/pdf/t2/Participant-Module-4_Eat_Well_to_Prevent_T2.pdf Accessed August 30, 2020

Diabetes Risk Factors, https://www.heart.org/en/health-topics/diabetes/understand-your-risk-for-diabetes Accessed July 6, 2021

 

Kasalukuyang Version

05/03/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Nagiging Reversible Ang Renal Disease Sa Diabetes?

Pinakamainam Na Vitamins Para Sa Mga Diabetic


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement