backup og meta

Namamana Ba Ang Diabetes Na Type 2? Heto Ang Facts Tungkol Dito

Namamana Ba Ang Diabetes Na Type 2? Heto Ang Facts Tungkol Dito

Dulot ng maraming factors ang diabetes. Alam ng marami na may epekto ang nutrisyon at pag-eehersisyo sa diabetes. Ngunit kaunti lamang ang nakakaalam na maaari ding mamana ang sakit na ito. Ayon sa American Diabetes Association, posible kang magkaroon ng type 2 diabates kung isa o pareho sa iyong mga magulang ang mayroon nito. Kaya’t ang tanong, namamana ba ang diabetes? Maaari bang makita sa genetics kung posible kang magkakaroon ng diabetes? Paano ito nangyayari?

Bagaman may ilang gene mutations na maiuugnay sa diabetes, wala sa mga ito ang tanging nakapagdudulot ng diabetes sa tao. Makaaapekto lamang ito sa iyong kalusugan kung sasabayan ng iba pang environmental factors.

Sa katunayan, mahirap paghiwalayin ang panganib na dulot ng iyong genes sa panganib na bunga ng iyong lifestyle. May pagkakataong ang lifestyle choices ng magulang ay nagagaya ng mga anak: ang inactive na magulang ay maaaring magkaroon ng inactive ding mga anak. Kaya naman, ang nakasanayang pagkain ng hindi masusustansya ay puwedeng maipasa sa susunod na henerasyon. Ang ganitong kinasanayan o habit ay nakaaambag sa pagkakaroon ng diabetes kahit nandyan ang mga genetic factor.

Ano-Ano Ang Mga Sanhi Ng Diabetes?

Namamana ba ang diabetes? Pagdating sa diabetes, isang bahagi lamang ng pagkakaroon nito ang genetics.

Para sa parehong type 1 at 2 diabetes, maaaring mamana mo ang sakit na ito. Ibig sabihin, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng sakit na ito kumpara sa ibang tao dahil sa genes na mayroon ka sa DNA. Ngunit hindi ibig sabihin na magkakaroon ka agad nito. Malaki lang ang posibilidad na magka-diabetes ka kumpara sa iba. At kahit nasa lahi mo ang may diabetes, puwede kang magkaroon nito o puwede ring hindi. 

Nakadepende ang lahat ng ito sa iyong kapaligiran. May maaaring makadagdag upang magkaroon ka ng sakit na ito gaya ng poor diet at labis na katabaan (obesity). Puwede ring dahil sa genetic susceptibility. Sa halimbawang ito, namamana rin ang sobrang katabaan. Kaya’t mahirap tukuyin ang laki ng ambag ng genetics sa pagkakaroon mo ng diabetes. 

Ano Ang Genes Na Responsable Sa Pagkakaroon Ng Type 2 Diabetes?

Ayon sa American Diabetes Association, lumalabas sa pag-aaral na isinagawa sa isang kambal na ang genetics ay maaaring makaimpluwensiya sa pagkakaroon ng diabetes. Mahalagang tandaan na ang mga pag-aaral na gaya nito ay hindi pa sapat na basehan sapagkat may environmental factors pa ring nakapagpapataas ng panganib na magkaroon ka ng type 2 diabetes. Maliit lamang ang konstribusyon ng bawat gene sa pag-develop ng sakit na ito. Ngunit kung mas maraming mutation ng genes sa katawan mo, mas tumataas ang panganib sa iyo nito.

Tumataas ang panganib ng type 2 diabetes kung may mutations ng genes sa iyong katawan na kumokontrol sa:

  • Produksiyon ng glucose
  • Produksiyon ng insulin
  • Kung papaano nakikita ang level ng glucose sa iyong katawan
  • Regulasyon ng insulin

Maraming genes ang natukoy na may ginagampanan sa pagpapataas ng panganib ng pagkakaroon ng diabetes. Posibleng namamana ang diabetes kung mayroon kang mga genes na ito. Ang genes na naiuugnay sa panganib ng pagkakaroon ng type 2 diabetes ay:

  • TCF7L2, na nakaaapekto sa insulin secretion at produksiyon ng glucose
  • Ang sulfonyl urea receptor (ABCC8) na tumutulong i-regulate ang insulin
  • Calpain 10 na naiuugnay sa panganib ng type 2 diabetes sa mga Mexican American
  • Glucose transporter 2 (GLUT2), na nakatutulong upang madala ang glucose sa pancreas
  • Ang glucagon receptor (GCGR), ang glucagon hormone na kasali sa pag-regulate ng glucose

namamana ba ang diabetes

Ano Ang Mga Genetic Test Para Sa Type 2 Diabetes?

Kahit mayroong mga genetic test upang malaman kung may gene mutations ng type 2 diabetes, ang pinakapanganib ay nakasalalay sa iba pang mga sanhi gaya ng:

  • Body Mass Index (BMI)
  • High blood pressure
  • Tumaas na level ng triglycerides at cholesterol
  • Dating pagkakaroon ng gestational diabetes

Ang mga genetic tests ay hindi tipikal na ginagawa dito sa Pilipinas.

[embed-health-tool-bmi]

Key Takeaways

Namamana ba ang diabetes? Ang interaksiyon sa pagitan ng genetics at environment ang dahilan kung bakit mahirap sukatin ang aktuwal na bahaging ginagampanan ng gene mutations sa pagkakaroon ng type 2 diabetes. Dagdag pa, hindi ibig sabihin na kung nasa genes mo ang pagkakaroon ng diabetes ay siguradong magkakaroon ka na talaga nito. Sa pamamagitan ng positibong mga pagbabago sa iyong lifestyle gaya ng madalas na pag-eehersisyo at pagbabawas ng timbang, maaari mong maiwasan ang diabetes

Matuto ng higit pa tungkol sa Type 2 Diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Risk factors for type 2 diabetes, https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/risk-factors-type-2-diabetes, Accessed September 9, 2014.

Genetics of diabetes, http://www.diabetes.org/diabetes-basics/genetics-of-diabetes.html, Accessed September 9, 2014.

National diabetes statistics report, http://www.cdc.gov/diabetes/pubs/statsreport14/national-diabetes-report-web.pdf, Accessed September 9, 2014.

Time of onset of non-insulin dependent diabetes mellitus and genetic variation in the B(3)-adrenergic receptor gene.
http://www.nejm.org/doi/full/10.1056/NEJM199508103330603#t=articleTop, Accessed September 9, 2014.

Kasalukuyang Version

12/12/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Maling Paniniwala sa Type 2 Diabetes na Dapat Mong Malaman

Madalas Na Pag-Ihi, Sintomas Ba Ng Type 2 Diabetes?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement