backup og meta

Mga Senyales ng Diabetes sa Lalaki

Mga Senyales ng Diabetes sa Lalaki

Ang diabetes ay kondisyon na may mataas na blood sugar levels. Kung hindi makokontrol, maaaring tumaas ang panganib ng cardiovascular disease o mga problema sa mata, balat, mga bato, at nervous system. Makakatulong na malaman ang mga senyales ng diabetes sa mga lalaki para makatutulong na gumawa ng maagang mga hakbang upang maiwasan ang mga kahihinatnan ng sakit.

Mga Senyales ng Diabetes sa Lalaki

Sexual dysfunction ang karaniwang senyales ng diabetes sa mga lalaki. Mayroong 2 senyales ng diabetes sa mga lalaki na dapat alalahanin kasama ang erectile dysfunction at retrograde ejaculation. Ang mga detalye ng bawat uri ay ang mga sumusunod: 

Isa sa mga senyales ng diabetes sa mga lalaki ay ang erectile dysfunction. Nangangahulugan ito na ang isang lalaki ay nawawalan ng kakayahang makapagpanatili ng erection. Ang kondisyong ito rin ay maaaring isa pang nakababahalang sintomas ng mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan. Tulad ng high blood pressure, stress, paninigarilyo, drug side effects, at sakit sa bato. Posible rin na ang kondisyon ay may kaugnayan sa circulatory at nervous system. 

Kung nagsimula kang makaranas ng erectile dysfunction, isipin ang posibilidad ng diabetes. Ayon sa National Diabetes Statistical Office, ang mga lalaking may diabetes ay nasa mas mataas na panganib para sa erectile dysfunction. Bagaman bahagyang naiiba ang mga numero, 20%-75% ng mga lalaking may diabetes ay may erectile dysfunction.

Ang diabetes ay maaaring humantong sa sexual problems sa pamamagitan ng pagkasira ng autonomic nervous system (ANS) ng katawan. Kinokontrol ng nervous system na ito ang paglaki o pagliit ng mga daluyan ng dugo. Kung ang blood vessels sa ari ng lalaki ay nasira ng diabetes, pwede itong mauwi sa erectile dysfunction.

  •  Retrograde Ejaculation

Ang isa pang problema sa urinary system ng mga lalaki na nauugnay sa senyales ng diabetes ay ang tinatawag na retrograde ejaculation. Ito ang kondisyon na ang kaunting semilya ay ibinuga pabalik sa pantog. Ang isang kapansin-pansing sintomas ng sakit ay ang kapansin-pansing pagbaba sa dami ng semilya sa bawat ejaculation.

Kadalasang mahirap pag-usapan ang mga problemang sexual. Kailangan mo ng tapat na pakikipag-usap sa iyong doktor tungkol sa erectile dysfunction at iba pang mga sintomas. Ang simpleng pagsusuri sa dugo ay pwedeng makatulong sa pag-diagnose ng diabetes. Maaari ring makatulong ang paghahanap ng sanhi ng erectile dysfunction na matuklasan ang iba pang hindi natukoy na mga kondisyon. 

Paano Kontrolin Ang Kondisyon

Ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang urinary problems at iba pang mga problemang nauugnay sa diabetes ay ang pagpapanatili ng normal na antas ng glucose sa dugo. Kasama sa paggamot ang gamot, ehersisyo, at tamang diyeta. 

Ang mga erectile dysfunction na gamot, gaya ng tadalafil (Cialis), vardenafil (Levitra), at sildenafil (Viagra) ay kayang gamutin ang kondisyong ito. Upang maiwasan ang mga masamang reaksyon sa gamot, dapat mong talakayin ang lahat ng mga gamot at supplements sa iyong doktor.

Kung minsan, ang iba pang mga senyales ng diabetes sa mga lalaki o cardiovascular disease sa mga lalaki ay maaaring humantong sa mga problema sa pag-iisip tulad ng pagkabalisa o depresyon. Ito ay maaaring maging sanhi ng lumalalang erectile dysfunction, pati na rin ang iba pang mga problema sa kalusugan.

Kausapin ang iyong doktor kung nagsimula kang mawalan ng pag-asa, malungkot, balisa, o nag-aalala. Kung nagbabago ang iyong mga gawi sa pagkain o pagtulog, sabihin sa iyong doktor ang tungkol sa mga sintomas na ito. Sa pamamagitan ng pagkontrol sa iyong isip, maaari mong limitahan ang mga epekto ng sakit sa natitirang bahagi ng iyong katawan.

Ano ang iba pang mga senyales ng diabetes sa mga lalaki?

Ang ilang mga sintomas ng diabetes sa mga lalaki ay kapareho ng sa mga babae. Halimbawa, ang iba’t ibang problema sa balat ay maaaring isa sa mga unang senyales ng diabetes sa mga lalaki.

Ang mahinang sirkulasyon ng dugo na dulot ng diabetes ay maaaring magdulot ng pangangati sa mga binti at paa. Mas madali kang kapitan ng bacterial at fungal infection sa balat kapag mayroon kang diabetes. Alagaan nang mabuti ang iyong balat at magpatingin sa isang dermatologist kapag lumitaw ang mga problema.

Ayon sa American Diabetes Association, halos kalahati ng lahat ng taong may diabetes ay may nerve damage. Kapag ang nerves ay nasira ng diabetes, ang kondisyon ay tinatawag na diabetic neuropathy.

Sa autonomic neuropathy, masisira ang nerves na kumokontrol sa mga pangunahing pag-andar, tulad ng sirkulasyon at paghinga. 

Para sa peripheral neuropathy, may tingling o sakit sa iyong mga kamay o paa. Kung mayroon kang matinding pananakit o pamamanhid sa iyong mga kamay o paa, ipaalam sa iyong doktor. Ang paggamot sa diabetic neuropathy ay maaaring limitahan ang maagang pinsala.

Key Takeaways

Ang mga lalaki ay mas malamang na magkaroon ng diabetes kaysa sa mga babae, at ang pagiging obese ay maaaring isang pangunahing dahilan.
Kung may mataas kang blood sugar levels at may panganib para sa type 2 diabetes, maaari mo pa ring maiwasan ang sakit. Kahit na may mga senyales ng diabetes sa mga lalaki, maaari ka pa ring mamuhay ng malusog.  Sa malusog na pamumuhay at tamang paggamit ng gamot, maaari mong maiwasan o makontrol ang mga komplikasyon ng diabetes. Ang pagiging maagap ay napakahalaga sa paggamot ng diabetes. Kung hindi mo matandaan ang huling beses na sinuri mo ang iyong blood sugar, mainam na gawin ito kaagad. Ito ay lalong mahalaga kung nagsisimula kang makaranas ng erectile dysfunction o iba pang karaniwang sintomas ng diabetes.

Matuto pa tungkol sa Type 2 Diabetes dito

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Neuropathy, http://www.diabetes.org/living-with-diabetes/complications/neuropathy/, Accessed July 12, 2022

Complications, http://www.diabetes.org/living-with-diabetes/complications/, Accessed July 12, 2022

Diabetes, http://diabetes.niddk.nih.gov/dm/pubs/sup/, Accessed July 12, 2022

Autonomic Nervouse System Disorders, http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/autonomicnervoussystemdisorders.html, Accessed July 12, 2022

Erectile Dysfunction, http://www.diabetes.org/living-with-diabetes/treatment-and-care/men/erectile-dysfunction.html, Accessed July 12, 2022

Skin complications, http://www.diabetes.org/living-with-diabetes/complications/skin-complications.html, Accessed July 12, 2022

Kasalukuyang Version

04/01/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni DR Balbuena Viojan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Paano Nagiging Reversible Ang Renal Disease Sa Diabetes?

Pinakamainam Na Vitamins Para Sa Mga Diabetic


Narebyung medikal ni

DR Balbuena Viojan, MD

Radiology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement