backup og meta

Mataas na Blood Sugar: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Mataas na Blood Sugar: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Ang blood sugar, na kilala rin bilang glucose, ito ang pangunahing sugar sa dugo. Nakakukuha tayo ng glucose mula sa pagkain at ito’y nagiging source ng enerhiya at sustansya para sa katawan ng tao. Ang small intestine, atay, at pancreas ay ang mga organ na responsable sa pag-regulate ng absorption, storage at produksyon ng blood sugar.

Pagkatapos kumain ng isang tao, ang carbohydrates at blood sugar ay pumapasok sa daluyan ng dugo. Ang pancreas, isang organ ng endocrine system, na kumokontrol sa lebel ng glucose na kino-contain ng bloodstreams.

Ang organ na ito ay naglalabas ng hormone na tinatawag na insulin pagkatapos ng ingestion ng mga protina o carbohydrates, para mapadali ang pag-facilitate ng blood glucose sa iyong body tissues.

Naghahatid din ito ng labis na glucose sa atay sa anyo ng glycogen. Ginagawa rin ng pancreas ang hormone glucagon, na mag-perform ng kabaligtaran ng insulin: pagpapataas ng mga antas ng glucose kapag kinakailangan.

Kapag ang katawan ay nangangailangan ng mas maraming glucose sa dugo, ang glucagon ay nagpapadala ng mga senyales sa atay para i-convert ang glycogen pabalik sa glucose at ilabas ito sa daluyan ng dugo. Ang contrasting functions ng parehong hormones ay nagpapanatili ng balanseng blood sugar levels.

Kapag ang katawan ay walang sapat na sugar, ang atay ay nagco-conserve ng suplay ng sugar para sa body system na nangangailangan nito, tulad ng utak, red blood cells at bato. Ang atay ay nagpro-produce ng ketones para sa natitirang bahagi ng katawan at bine-break down ng mga ketone ang taba sa enerhiya.

Ano Dapat ang Aking Blood Sugar Level?

Para sa mga malusog na indibidwal, ang mga normal blood sugar ay:

  • Sa pagitan ng 72 hanggang 99 mg/dL (milligrams per deciliter, isang yunit ng pagsukat na ginagamit para sukatin ang dami ng substance sa dugo) o 4.0 hanggang 5.4 mmol/L (millimols per liter) kapag nagfa-fasting
  • Hanggang 140 mg/dL (7.8 mmol/L) ilang oras pagkatapos kumain ng pagkain

Ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar ay isang karaniwang problema para sa mga may type 1 at type 2 diabetes. Heto ang mga uri ng diabetes:

Type 1 diabetes – kapag ang iyong pancreas ay hindi makagawa ng sapat na insulin.

Type 2 diabetes kapag ang iyong katawan ay lumalaban sa mga epekto ng insulin o hindi ito bumubuo ng sapat na insulin para mapanatili ang isang normal na blood sugar level. Ang mataas na blood sugar level, o hyperglycemia, ay nangyayari kapag ang katawan ay nagpro-produce ng masyadong kaunting insulin o kundi man hindi magamit nang maayos ang blood sugar.

Para sa mga taong nabubuhay na may diabetes, ang blood sugar levels ay dapat ganito base sa mga sumusunod:

  • 72 hanggang 126 mg/dL (4 hanggang 7 mmol/L) bago kumain, para sa mga may type 1 o type 2 diabetes
  • 162 mg/dL (9mmol/L) para sa mga may type 1 diabetes pagkatapos kumain
  • 144 mg/dL (8mmol/L) para sa mga may type 2 diabetes pagkatapos kumain

Gaano Kadalas Nangyayari ang Pagkakaroon ng Mataas na Blood Sugar?

Ang mga taong may diabetes ay karaniwang may mataas na blood sugar level, lalo na kung ang pagma-manage ng sakit ay hindi maganda. Ito ay ang pinakakaraniwang sanhi ng mataas na blood sugar level.

Noong 2014, ang prevalence ng type 2 diabetes ay tinatayang nasa 3.2 milyong kaso sa Pilipinas. Sa mga nasa hustong gulang na 20 hanggang 79, mayroong 5.9% na prevalence rate. Humigit-kumulang 1.7 milyong tao na may kondisyon hindi natukoy.

Noong 2019, tinatayang 463 milyong matatanda sa pagitan ng edad na 20 hanggang 79 ang nagkaroon ng diabetes sa buong mundo. Sa 2045, ang bilang na ito ay inaasahang tataas sa 700 milyon.

Ang bilang ng mga taong may type 2 diabetes ay tumataas sa maraming bansa, na may 79% na naninirahan sa mga middle income nations. Humigit-kumulang 20% ​​(isa sa lima) ng mga nasa hustong gulang na higit sa 65 taong gulang ay may diabetes, habang 232 milyong tao (isa sa dalawa) ay undiagnosed. Ang kondisyong ito ay nagresulta sa 4.2 milyong pagkamatay.

Higit sa 1.1. milyong bata at teenager ang may type 1 diabetes. 374 milyong tao ang malamang na magkaroon ng type 2 diabetes.

Ano ang mga Sintomas ng Pagkakaroon ng Mataas na Blood Sugar?

Ang mataas na blood sugar level (kilala rin bilang hyperglycemia) ay hindi nagpapakita ng mga sintomas hanggang ang glucose values nito ay umakyat sa 180 hanggang 200 mg/dL o 10 hanggang 11 mmol/L. Ang mga sintomas na ito ay nagiging mas malala kapag mas matagal na nanatili ang mataas na blood sugar.

Mayroong ilang mga kaso, kung saan ang mga indibidwal na may type 2 diabetes ay hindi nagpapakita ng mga sintomas sa loob ng mahabang panahon sa kabila ng mas mataas na lebel ng glucose sa dugo.

Ang mga karaniwang sintomas ng pagkakaroon ng mataas na blood sugar ay:

  • Madalas na pag-ihi
  • Madalas na pagkauhaw
  • Malabong paningin
  • Pagkapagod
  • Sakit ng ulo

Kung ang mataas na blood sugar ay hindi ginagamot, ang ketones ay maaaring mag-build up sa dugo o ihi, na nagiging sanhi ng ketoacidosis. Ang mga sintomas para dito ay:

  • Ang hininga ay amoy prutas
  • Pagduduwal at pagsusuka
  • Kapos sa paghinga
  • Sakit sa tiyan
  • Tuyong bibig
  • Pangkabuuang kahinaan
  • Pagkalito
  • Coma

Kailan Ako Dapat Magpatingin sa Aking Doktor?

Humingi ng emerhensiyang medikal na atensyon kung:

  • Nahihirapan kang i-keep down ang pagkain o liquids nang hindi nasusuka
  • Ang lebel ng blood sugar ay constantly above 240 mg/dL (13 mmol/L) o ‘di naman kaya mayroong ketones sa’yong ihi
  • Mayroon kang ongoing diarrhea o pagsusuka ngunit nakakain ng ilang pagkain o inumin
  • Mayroon kang lagnat na tumatagal ng higit sa isang buong araw

Mga Sanhi at Risk Factors

Maraming sanhi ang hyperglycemia, kabilang ang mga sakit tulad ng diabetes, ngunit hindi lahat ng sanhi ay nauugnay sa sakit. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga mas karaniwang dahilan:

  • Para sa mga may type 1 diabetes, walang sapat na insulin sa katawan
  • Para sa mga may type 2 diabetes, kapag ang katawan ay may sapat na insulin ngunit hindi ito ginagamit ng maayos
  • Kumain ng mas marami o mag-ehersisyo nang mas kaunti kaysa sa plinano
  • Stress dahil sa sakit
  • Stress dahil sa external factors (hal., mga problema sa pamilya, paaralan, trabaho o relasyon)
  • Dawn phenomenon (a flood of hormone produced by the body daily, sa humigit-kumulang 4:00 AM hanggang 5:00 AM)

Ano ang Nagpapataas sa Aking Risk para sa Pagkakaroon ng Mataas na Blood Sugar?

Maraming mga risks factors na nagko-contribute para sa mataas na blood sugar levels:

  • Hindi sapat na insulin shot o oral na gamot para sa diabetes
  • Masyadong matamis / sugary consumption (hal. tsokolate, keyk, soft drink at fruit juice)
  • Sakit o impeksyon
  • Injury, trauma, o major surgery
  • Emosyonal na stress dahil sa mga problema sa pamilya, paaralan, trabaho o relasyon

Ang hormones na lumalaban sa sakit o stress ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng antas ng glucose sa iyong dugo. Ang mga taong walang diabetes ay maaari ding magkaroon ng hyperglycemia kung sila ay may matinding sakit. Maaaring kailanganin ng mga diabetic na uminom ng karagdagang gamot para mapanatili ang blood sugar sa isang normal na lebel kung sila ay may sakit o nasa ilalim ng stress.

Diagnosis at Treatment

Ang hyperglycemia ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng ilang mga pamamaraan.

Random Plasma Glucose Test

Maaaring kolektahin ang sample ng dugo anumang oras at ginagamit din sa pag-diagnose ng type 1 diabetes.

Fasting Plasma Glucose Test

Ito’y kinukuha pagkatapos ng hindi bababa sa walong oras ng pagfa-fasting, kadalasan sa umaga. Ang resulta ng 100 – 125 mg/dL ay itinuturing na isang risk sa pagkakaroon ng type 2 diabetes lalo na kung ito’y nangyayari kasama ng iba pang risk factors.

Oral Glucose Tolerance Test

Ang isang sample ng dugo ay unang kinokolekta, pagkatapos ay kakailanganin mong uminom ng matamis na inumin na mayroong 75 gramo ng glucose. Dapat ay magpahinga ka dahil kukunin ang iyong dugo pagkatapos ng dalawang oras.

HBA1C Test (Para Ma-diagnose ang Diabetes)

Hindi direktang sinusukat ng pamamaraang ito ang lebel ng blood sugar, ngunit ang mga resulta nito ay naiimpluwensyahan kung gaano kataas o kababa ang iyong lebel ng blood sugar sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Ang mga kondisyon ng diabetes o pre-diabetes ay ipinahiwatig ng mga values na ito:

  • Normal – <6 porsiyento (sa ilalim ng 42 mmol/mol)
  • Pre-diabetes – 6 hanggang 6.5 porsiyento (42 hanggang 47 mmol/mol)
  • Diabetes – >6.5 porsyento (48 mmol/mol)

Paano Ginagamot ang High Blood Sugar?

Para sa mga emergency na kaso ng hyperglycemia, dapat kang humingi ng emergency medical help. Para mapababa ang blood sugar sa isang normal na lebel, ang mga sumusunod na pamamaraan ay maaaring gawin:

  • Fluid replacement – Maaari kang bigyan ng fluids nang oral o intravenously para mapalitan ang mga fluid na nawala dahil sa labis na pag-ihi at upang matunaw ang sobrang na sugarl sa dugo.
  • Electrolyte replacement – Ang mga electrolyte ay ibibigay sa’yo nang intravenously para matulungan ang iyong puso, muscles at nerves function.
  • Insulin therapy – Maaari kang tumanggap ng insulin sa intravenously para ma-reverse ang mga proseso na nagiging sanhi ng pag-iipon ng ketone sa iyong dugo.

Depende sa mga dahilan ng iyong severe hyperglycemia, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng karagdagang tritment.

Kung ito ay pinaniniwalaang dahil sa bacterial infection, maaari siyang magreseta ng antibiotics. Kung ito naman ay mukhang atake sa puso, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng check-up sa puso.

Mga Pagbabago sa Lifestyle  at Home Remedies

Ang mga may diabetes ay kailangang i-manage ang kanilang diet at lifestyle para mapanatili ang lebel ng blood sugar sa ideal level. Kabilang dito ang patuloy na pagsubaybay at regular na pisikal na aktibidad.

Malusog na Pagpapanatili ng Timbang

Talakayin sa’yong doktor kung ano dapat ang iyong ideal weight bago simulan ang anumang gawain sa pagpapababa ng timbang.

Wastong Pagkain

Iwasan ang pagkain na naglalaman ng simple carbohydrates (hal., cookies, crackers) na maaaring magpapataas ng antas ng insulin at maglagay ng stress sa pancreas. Iwasan din ang saturated fats. Sa halip, piliin ang whole, hindi ang mga unprocessed food (hal., prutas, gulay).

Pisikal na Aktibidad

Ang mga simpleng pisikal na aktibidad tulad ng mabilis na paglalakad sa loob ng 30 minuto ay maaaring maging makabuluhan sa pagbaba ng lebel ng glucose sa dugo.

Mineral Levels Check

Tinutulungan ng magnesium ang insulin na maging mas epektibo at nakatutulong na pigilan kang maging insulin-tolerant.

Insulin Levels Check

Siguraduhing kumuha ng mga regular na pagsusuri sa insulin kasama ng mga test sa blood sugar.

Home Monitoring ng Blood Sugar

Regular na i-measure ang lebel ng iyong blood sugar gamit ang isang blood glucose meter. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga may diabetes na nagpapanatili ng normal o malapit sa normal na lebel ng blood sugar ay mas mababa sa risk para sa mga komplikasyon na nauugnay sa diabetes.

Makatutulong ito sa’yo na malaman kung gumagana ang iyong treatment plan. I-tsek nang madalas hangga’t inirerekomenda ng iyong doktor. Kung nakakaranas ka ng anumang sintomas ng mataas na lebel ng blood sugar, sukatin ito.

Kapag umabot sa 240 mg/dL ang lebel ng blood sugar, i-tsek ang iyong ihi para sa mga ketone gamit ang isang over-the-counter na urine ketones test kit. Kung ito ay lumabas na positibo, humingi ng medikal na tulong para ligtas na mabawasan ang blood sugar level.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring kumunsulta sa iyong doktor para mas maunawaan ang pinakamahusay na solusyon para sa’yo.

Matuto pa tungkol sa Type 2 Diabetes dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diabetes Care in the Philippines, https://reader.elsevier.com/reader/sd/pii/S2214999615012643?token=7F1BCD3186FC63CD3E4D31CEAD3F374C3A032662055E827D385723D8A645A16559B34FC5D75D6B4A2266EC46947E2EBC, Accessed 6 May 2020

What Is Blood Sugar? https://www.livescience.com/62673-what-is-blood-sugar.html, Accessed 6 May 2020

Blood Sugar Level Ranges, https://www.diabetes.co.uk/diabetes_care/blood-sugar-level-ranges.html, Accessed 6 May 2020

Hyperglycemia in diabetes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hyperglycemia/symptoms-causes/syc-20373631, Accessed 6 May 2020

Diabetes facts & figures, https://www.idf.org/aboutdiabetes/what-is-diabetes/facts-figures.html, Accessed 6 May 2020

Hyperglycemia (High Blood Glucose), https://www.diabetes.org/diabetes/medication-management/blood-glucose-testing-and-control/hyperglycemia, Accessed 6 May 2020

Kasalukuyang Version

11/23/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Nagiging Reversible Ang Renal Disease Sa Diabetes?

Pinakamainam Na Vitamins Para Sa Mga Diabetic


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement