backup og meta

Ano Ang Insulin Replacement Therapy? Mga Facts na Dapat Malaman

Ano Ang Insulin Replacement Therapy? Mga Facts na Dapat Malaman

Ang insulin replacement ay karaniwan na para sa mga taong may Type 1 Diabetes, ngunit maaaring mangailangan din nito ang mga Type 2 diabetics. Ano ang insulin replacement therapy? Narito ang mga kailangan mong malaman.

Paano ba Ginagamot ang Diabetes?

May problema sa pagpoprodyus ng isulin ang mga diabetics. Ang insulin ay isang hormone na inilalabas ng ating pancreatic beta cells. Nagbibigay ito ng kakayahan sa ating katawan na gamitin ang sugar para sa enerhiya.

Kapag hindi na makapagprodyus at makagamit ng insulin, tataas ang blood sugar level. Sa kalaunan, ito ay puwedeng magdulot ng iba’t ibang mga komplikasyon.

Ang ilan sa mga komplikasyong iyon ay ang pagkasira ng nerves, pagkabulag, at ang diabetic foot.

Ang mga taong may Type 1 diabetes, ay walang kakayahang makapagprodyus ng insulin. Sa mga Type 2 naman ay may kakayahang makapagprodyus ng insulin ngunit nahihirapan silang gamitin ito (insulin resistance).

Gayunpaman, pareho naman ang resulta ng dalawang kondisyong ito– pagtaas ng blood sugar.

Kung hindi mapamamahalaan nang maayos ang lebel ng blood sugar, puwedeng magdulot ng maraming mga seryosong problemang pangkalusugan. Dahil dito, kailangan ng tulong-medikal ng mga diabetics.

Inirerekomenda ng mga doktor ang dietary at lifestyle changes para sa mga type 2 diabetics. Minsan, ang mga pagbabagong ito ay sinasamahan ng mga oral medications na nakapagpapababa ng produksyon ng glucose.

Ang isang karaniwang paggagamot na kayang gawin ang parehong pangangailangan ay ang Metformin.

Sa kabilang banda, dahil ang mga type 1 diabetics ay hindi nakapagproprodyus ng insulin, kailangan nilang “palitan” ang hormone sa pamamagitan ng insulin replacement therapy. Ang pamamaraang ito ay hindi lamang nakapagbibigay ng kinakailangang insulin kundi nagagaya rin nito ang paraan ng paglalabas ng insulin ng katawan.

Gayunpaman, may mga pagkakataon kung kailan ang mga pasyenteng may Type 2 diabetes ay nangangailangan ng insulin replacement.

Kailan Kailangan ng Insulin para sa Type 2 Diabetes?

Maraming mga doktor ang naniniwalang kadalasan sa mga type 2 diabetics ay nangangailangan lamang ng tulong para sa paga-absorb ng sugar at paggamit ng insulin. Gayunpaman, kung ang kanilang diabetes ay lumalala, maaaring ang insulin replacement lamang ang makatutulong sa kanilang kondisyon.

ano ang insulin replacement

Ipinaliliwanag ng mga eksperto na sa simula, ang problema lamang ng mga type 2 diabetics ay ang insulin resistance. Pero sa katagalan, puwede itong mag-develop ng beta-cell failure. Ibig sabihin puwedeng magkaroon ng kakulangan sa insulin kung ang mga beta cells ay hindi makapagpoprodyus ng sapat na insulin.

Kaya naman, bilang paglilinaw, ang mga pasyenteng may type 2 diabetes ay maaaring mangailangan ng insulin replacement therapy kung hindi na nila naaabot ang kinakailangang blood sugar levels. Ito ay sa kabila ng pagkokontrol sa kinakain at pagsasagawa ng ilang mga pagbabago sa kanilang paraan ng pamumuhay.

Bukod sa paglala ng kanilang diabetes, maaari ding tingnan ng doktor ang sugar level at comorbidities (problema sa atay, bato, at iba pa) ng mga pasyente na maaaring makapigil sa kanila para tumanggap ng oral medications.

Insulin Management ng Type 2 Diabetes Mellitus

Upang higit na maunawaan kung ano ang mangyayari kapag tuluyan mo nang isinama sa iyong paggagamot ang insulin replacement therapy, tandaan ang sumusunod na konsepto:

Gagayahin ng insulin replacement ang paraan ng pagpoprodyus ng katawan ng insulin.

Ang ating katawan ay nagpoprodyus ng insulin sa pamamagitan ng dalawang paraan– background at prandial.

  • Ang background pattern ay tuloy-tuloy na naglalabas ng paunti-unting insulin.
  • Sa prandial pattern ay naglalabas ng insulin nang mabilisan. At ang dami ay nakadepende sa pagtaas ng glucose mula sa ating mga kinakain.

Ginagaya ng insulin management para sa type 2 diabetes mellitus ang mga pattern na ito ng paglalabas ng insulin ng katawan. Sa madaling sabi, mayroong basal insulin para sa background pattern at mayroon namang bolus insulin para sa prandial pattern.

Maaaring kailanganin mong gumamit ng higit pa sa isang uri ng insulin.

Dahil ang ideya ay para gayahin ang paraan ng paglalabas ng insulin hormone ng katawan, ang replacement therapy ay kinasasangkutan ng iba’t ibang uri ng insulin. Ito ay ang:

  • Rapid-Acting- Tinatayang gumagana 15 minuto matapos ang pag-i-inject, ang peak ay nasa 1 oras, at tumatagal sa loob ng 2 hanggang 4 na oras. Kadalasan, kailangan mag-inject bago kumain.
  • Short-Acting- Ang onset ay 30 minuto matapos ang pag-i-inject, ang peak ay nasa 2 hanggang 3 oras, at tumatagal sa loob ng 3 hanggang 6 na oras. Gaya ng rapid-acting insulin, kailangan din mag-inject bago kumain.
  • Immediate-Acting- Tinatayang gumagana 2 hanggang 4 na oras pagkatapos i-inject, ang peak ay nasa 4 hanggang 12 oras, at tumatagal sa loob ng 12 hanggang 18 na oras. Dapat na i-inject sa parehong oras sa bawat araw. Karagdagan pa, ang oras ng pagkain ay dapat na nakasusunod sa isang tiyak na iskedyul.
  • Long-Acting- Ang onset ay nasa 1 hanggang ilang oras pagkatapos i-inject, walang peak, at tumatagal hanggang 24 oras.
  • Ang mixed insulin ay pinaghalong maaaring rapid-acting at intermediate-acting insulin o short-acting at intermediate-acting insulin.

Posibleng Magsimula sa Isang Augmentation Treatment

Sa augmentation treatment, tatanggap ka ng insulin kasama ng oral medications. Ang insulin ay maaaring basal (inilalabas nang patuluyan nang unti-unti) o bolus (inilalabas nang maramihan bilang pagtugon sa sugar levels).

Sa kabilang banda, ang replacement therapy ay kasasangkutan ng parehong basal at bolus insulin. Karaniwan, 50% ng kabuuang insulin dose para sa isang araw ay basal. Ang natitirang 50% naman ay para sa bolus, na mahahati para sa almusal, pananghalian, at hapunan.

Bilang karagdagan, ayon sa American Diabetes Association:

  • Karamihan sa mga type 2 diabetics ay nangangailangan lamang ng isang injection sa bawat araw nang hindi na umiinom ng diabetes pills.
  • Ang ilan ay maaaring mangailangang uminom ng diabetes pills kasama ng isang injection na kadalasang itinuturok sa gabi (hapunan o bago matulog).
  • Kung huminto sa pag-epekto ang pills, maaaring kailanganin ng pasyente na magpaturok nang dalawang beses sa isang araw na naglalaman ng dalawang magkaibang uri ng insulin.
  • Kalaunan, baka kailanganin na nila ang 3 hanggang 4 na injection araw-araw.

Iba’t Ibang Paraan ng Pagtuturok ng Insulin

Para sa mga type 2 diabetes mellitus insulin management, mayroon kayong iba’t ibang mga paraan para iturok ang hormones:

  • Syringe- Ito ang pinakakaraniwang uri ng pagpapasok ng insulin sa katawan. Gayunpaman, bawat syringe ay isang beses lamang pwedeng gamitin at kailangang itapon nang wasto pagkagamit.
  • Pen- Ang pen ay kamukha ng isang karaniwang ballpen ngunit mayroon lamang itong cartridge na naglalaman ng insulin. Hindi naman disposable ang pen ngunit ang mga karayom nito ay disposable.
  • Insulin Pump- Ang insulin pump ay isang maliit na device na isinusuot sa labas ng katawan. Sa isang dulo ng tube, may isang maliit na karayom na sinusuksok sa balat malapit sa tiyan.

Huling mga Paalala

Kapag sinabi ng iyong doktor ang iyong pangangailangan para sa insulin replacement, asahan mo na ang pagtalakay sa mga usaping may kinalaman sa sumusunod:

  • Pagkontrol sa Glucose
  • Posibleng mga Adverse Reactions
  • Mga Salik na Dapat Isaaalang-alang sa Pagpili ng Uri ng Therapy
  • Gastos para sa Insulin Replacement

Makinig nang mabuti sa kanilang paliwanag at maging matapat sa pagbibigay ng iyong mga komento kung ang ilang mga aspekto ay hindi malinaw sa iyo o kung may mga katanungan ka kaugnay sa iyong kalusugan.

Sa huli, tandaan na ang type 2 diabetes mellitus insulin management ay isang komprehensibong pagdulog. Kailangan pa rin dito ang pagkontrol sa pagkain at nutrisyon at gayundin ang ilang mga pagbabago sa paraan ng pamumuhay.

Matuto ng higit pa tungkol sa type 2 diabetes dito

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na isinulat ni Lorraine Bunag. 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Insulin Replacement Therapy
https://diabetesed.net/page/_files/Insulin-Replacement-Therapy-PDF-115-KB.PDF
Accessed September 2, 2020

When to Take Insulin for Type 2 Diabetes
https://www.mdvip.com/about-mdvip/blog/i-have-type-2-diabetes-should-i-take-insulin#:~:text=Type%202%20diabetes%20patients%20are,use%20it%20earlier%20in%20treatment.
Accessed September 2, 2020

Insulin Management of Type 2 Diabetes Mellitus
https://www.aafp.org/afp/2011/0715/p183.html#:~:text=Insulin%20therapy%20may%20be%20initiated,breakfast%2C%20lunch%2C%20and%20dinner.
Accessed September 2, 2020

Early Insulin Treatment in Type 2 Diabetes
https://care.diabetesjournals.org/content/32/suppl_2/S266
Accessed September 2, 2020

Diabetes and insulin
https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/diabetes-and-insulin
Accessed September 2, 2020

Insulin Routines
https://www.diabetes.org/diabetes/medication-management/insulin-other-injectables/insulin-routines
Accessed September 2, 2020

Kasalukuyang Version

11/30/2022

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Nagiging Reversible Ang Renal Disease Sa Diabetes?

Pinakamainam Na Vitamins Para Sa Mga Diabetic


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement