backup og meta

Ano Ang Hypoglycemia at Hyperglycemia?

Ano Ang Hypoglycemia at Hyperglycemia?

Ano ang hypoglycemia at hyperglycemia? Ang hypoglycemic at hyperglycemic episodes ay mga komplikasyon na maaaring mangyari sa mga taong may type 2 diabetes.

Pareho itong seryosong kondisyon, ngunit sa pagitan ng hypoglycemia at hyperglycemia, alin ang mas mapanganib? At ano ang magagawa ng mga diabetic sa mga kondisyong ito?

Ano ang Hypoglycemia at Hyperglycemia?

Ano ang hypoglycemia, at ano ang hyperglycemic episode? Ang hyperglycemic episode ay nangyayari kapag ang blood sugar level ng isang tao ay masyadong mataas. Kilala rin ang kondisyong ito bilang hyperglycemia, at ito ay mas karaniwan sa mga pasyenteng may type 2 diabetes.

Ang mga palatandaan ng hyperglycemia ay maaaring kasama ng mga sumusunod na sintomas:

  • Pag-inom ng maraming tubig o pakiramdam na nauuhaw sa lahat ng oras
  • Biglaan at hindi sinasadyang pagbaba ng timbang
  • Mga pakiramdam ng pagkapagod, pagkahilo, panghihina, o fatigue
  • Sakit ng tiyan at pagduduwal
  • Mga problema sa paningin
  • Hirap mag-concentrate
  • Madalas na dumaranas ng mga impeksyon

Ang sobrang blood sugar ay negatibong nakaaapekto sa katawan dahil maaari itong magdulot ng pamamaga sa mga daluyan ng dugo, gayundin ang pagkasira ng mga ugat. Ang pinsala sa bato ay maaari ring maging isang posibleng epekto ng hyperglycemia, dahil ang bato ay maaaring mahirapang i-filter ang labis na dumi sa dugo.

Kung ang hyperglycemia ay hindi ginagamot, maaari itong humantong sa mga komplikasyon tulad ng mga sumusunod:

  • Sakit sa puso
  • Mga problema sa bato
  • Nerve damage
  • Pagkawala ng paningin
  • Mga madalas na impeksyon
  • Mga sugat na hindi gumagaling; ang pinakakaraniwan ay diabetic foot, kung saan ang gasgas sa paa ng pasyente ay nagiging sugat na hindi gumagaling na maaaring magresulta sa pagputol

Ano ang dahilan kung bakit ito nangyari?

Sa type 2 diabetics, ang hyperglycemia ay nangyayari kapag ang isang tao ay hindi mapangasiwaan ng maayos ang kanilang blood sugar. Nangangahulugan ito na kung hindi sila sumunod sa isang malusog na diyeta, hindi nag-eehersisyo, at hindi umiinom ng mga tamang uri ng gamot, maaaring mangyari ang hyperglycemia.

Pakitandaan na ang hindi pagsunod sa isang malusog na diyeta ay hindi lamang nangangahulugan na kumakain sila ng masyadong maraming matamis; maaari rin itong magpahiwatig na kumakain sila ng labis sa isang partikular na pagkain.

Ang hyperglycemia ay maaari ring mangyari kung ang isang tao ay hindi umiinom ng kanilang insulin sa tamang dosis at sa tamang oras.

Ano ang hypoglycemic episode?

ano ang hypoglycemia

Ngayong alam na natin kung ano ang hypoglycemia, pag-usapan naman natin ang hyperglycemia.

Sa kaibahan sa hyperglycemia, ang isang hypoglycemic episode ay nangangahulugan na ang isang tao ay may napakababang blood sugar. At tulad ng pagkakaroon ng sobrang blood sugar ang pagkakaroon ng masyadong kaunting sugar sa dugo ay maaari ring makasama sa kalusugan ng isang tao.

Ang mga posibleng sintomas ng hypoglycemia ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Gutom
  • Patuloy na pagpapawis, kahit na hindi mainit
  • Lightheadedness
  • Pagkahilo
  • Pagkalito
  • Malabong paningin
  • Sakit ng ulo

Ang hypoglycemia ay isang potentially deadly condition. Kung ang isang taong may diabetes na dumaranas ng hypoglycemia, kailangan nilang kumain ng matamis o may asukal sa lalong madaling panahon. Ito ay upang mapanatili ang kanilang blood sugar level.

Kung hindi ito ginagamot, maaari itong maging sanhi ng mga sumusunod na komplikasyon:

  • Pagkawala ng malay
  • Mga seizure
  • Diabetic coma
  • Kamatayan

Ano ang dahilan kung bakit ito nangyari?

Para sa mga taong may diabetes, maaaring mangyari ang hypoglycemia kung umiinom sila ng labis na insulin, o umiinom ng masyadong maraming gamot na nagpapababa ng kanilang blood sugar levels.

Ang mababang blood sugar ay maaari ring maganap kapag ang mga pasyente ay umiinom ng kanilang usual dosis ng insulin o gamot, ngunit nagkakaroon ng impeksyon o hindi sila kumakain ng mga pagkain o kumakain ng mas kaunti. Para sa kadahilanang ito, napakahalaga na subaybayan ang mga gawi sa pagkain ng isang diabetic.

Ang hindi pag-inom ng tamang dosis ng insulin at ang tamang gamot ay maaaring maging sanhi ng pagbaba ng blood sugar ng isang tao na mapanganib para sa kanila, at maaaring maging dahilan ng hypoglycemia.

Ang hindi pagkain ng sapat na pagkain na may carbohydrates o sugar ay maaari ring makaapekto sa lebel ng blood sugar ng isang tao, at maaaring maging sanhi ng hypoglycemia. Maaari rin itong mangyari kapag ang isang taong may diabetes ay nag-skip sa kanilang pagkain.

Posible ring mangyari ang hypoglycemia kung ang isang diabetic ay nagsasagawa ng labis na ehersisyo, lalo na kung hindi pa sila kumakain.

Panghuli, ang pag-inom ng labis na alak ay maaari ring mag-trigger ng hypoglycemic episode.

Type 2 Diabetes: Ang Kailangan Mong Malaman

Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng hypoglycemic at hyperglycemic episodes?

Ngayong alam na natin kung ano ang hypoglycemia at hyperglycemia, pag-usapan naman natin ang pagkakaiba nila.

Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng hypoglycemic at hyperglycemic episode – ang hypoglycemia ay nangangahulugan na ang isang tao ay may mababang blood sugar, at ang hyperglycemia ay nangangahulugan na ang isang tao ay sobra sa blood sugar. Isa pang pagkakaiba ay ang hyperglycemia ay mas karaniwan ito kumpara sa hypoglycemia. Ang mga taong may type 2 diabetics ay mas prone sa hyperglycemia kumpara sa hypoglycemia.

Sa kabilang banda, natuklasang mas karaniwan ang hypoglycemia sa mga pasyenteng may malubhang diabetes, karamihan dito ay dahil sumailalim din sila sa insulin treatments para sa kanilang kondisyon.

Sa pagitan ng hypoglycemia at hyperglycemia, alin ang mas mapanganib?

Ang hypoglycemic at hyperglycemic episodes ay parehas na seryosong kondisyon na kailangang matugunan. Ngunit ang hypoglycemia ay nagdudulot ng mas agarang banta sa buhay.

Ito’y dahil sa katotohanan na ang pagkakaroon ng mababang blood sugar ay maaaring magdulot ng mga problema tulad ng kawalan ng malay, mga seizure, o diabetic coma. Kung ang hypoglycemia ay hindi agad na nakontrol, maaari itong mabilis na humantong sa pagkamatay ng isang tao.

Sa kabilang banda, ang hyperglycemia ay maaaring magdulot ng mas maraming long-term problems. Ang mga komplikasyon na kadalasang nauugnay sa diabetes, tulad ng pagkabulag, impeksyon sa balat, o kahit na pagputol ng mga paa ay kadalasang resulta ng hyperglycemia.

Sa mga tuntunin ng pagma-manage sa mga kondisyong ito, ang hyperglycemia ay kailangang patuloy na i-manage. Nangangahulugan ito na ang isang taong may diabetes ay kailangang subaybayan ang kanilang blood sugar intake, kumain ng mga masustansyang pagkain, at siguraduhin na sila ay umiinom ng tamang gamot.

Para sa mga kaso ng hypoglycemia, ang tritment ay karaniwang binubuo ng pagkain ng kaunting asukal. Makatutulong ito na mapataas ang blood sugar levels para maiwasan ang mga komplikasyon mula sa hypoglycemia. Mahalaga rin para sa mga diabetic na huwag mag-overtreat o uminom ng sobra sa kanilang mga gamot.

Sa kabuuan, dapat ipaalam sa mga diabetic ang tungkol sa mga yugto ng hypoglycemic at hyperglycemic, at dapat silang magkaroon ng kamalayan sa parehong bagay na ito kung paano mapipigilan ang mga episode na ito na mangyari, at kung ano ang magagawa nila kung sakaling mangyari ito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o tritment.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diabetes: Hypoglycemia and Hyperglycemia, https://www.nm.org/-/media/Northwestern/Resources/patients-and-visitors/patient-education-conditions-diseases/northwestern-medicine-Diabetes-Hypoglycemia-Hyperglycemia-nov2016.pdf?la=en, Accessed October 9, 2020

Hyperglycemia and hypoglycemia in type 1 diabetes – InformedHealth.org – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279340/#:~:text=Hyperglycemia%20occurs%20when%20blood%20sugar,blood%2Dsugar%2Dlowering%20medication., Accessed October 9, 2020

Hyperglycemia and hypoglycemia in type 2 diabetes – InformedHealth.org – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279510/, Accessed October 9, 2020

What Is the Difference Between Hyperglycemia and Hypoglycemia? – VisionAware, https://visionaware.org/your-eye-condition/diabetic-retinopathy/hyperglycemia-and-hypoglycemia/, Accessed October 9, 2020

Hyperglycemia (High Blood Glucose) | ADA, https://www.diabetes.org/diabetes/medication-management/blood-glucose-testing-and-control/hyperglycemia, Accessed October 9, 2020

Hypoglycemia (Low Blood Glucose) | ADA, https://www.diabetes.org/diabetes/medication-management/blood-glucose-testing-and-control/hypoglycemia, Accessed October 9, 2020

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Nagiging Reversible Ang Renal Disease Sa Diabetes?

Pinakamainam Na Vitamins Para Sa Mga Diabetic


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement