Ano ang fasting blood test? Ang fasting blood sugar test o FBS test ay nasusukat ang lebel ng glucose sa dugo.
Nakatutulong ang fasting blood sugar test upang maunawaan kung ang tao ay nakararanas ng prediabetes o diabetes. Gayundin, natutulungan nito ang doktor upang maunawaan kung ang isang tao ay nakararanas ng hyperglycaemia o hypoglycaemia.
Ang sugar ay isa sa pangunahing pinanggagalingan ng enerhiya ng katawan ng isang tao. Kino-convert ito ng katawan sa glucose para sa buong araw. Isang kondisyon sa kalusugan ang diabetes na nakapagpapataas ng lebel ng blood sugar.
Kadalasang ginagawa ang fasting blood sugar test upang masuri ang mga banta ng gestational diabetes, type 2 at type 1 diabetes, o i-monitor ang kondisyon ng mga tao na may ganito nang kondisyon.
Kinokontrol ng hormone na insulin ang lebel ng sugar sa dugo. Gayunpaman, kung ang tao ay may diabetes, ito ay dahil sa mababang insulin production o hindi maayos ang napo-produce na insulin.
Ito ang dahilan kung bakit nagbu-build up ang sugar sa katawan at patuloy na tataas kung hindi lulunasan. Ang pagtaas ng lebel ng glucose ay maaaring humantong sa labis na pinsala ng organ.
Sa ibang mga kaso, ipinapayo ng mga eksperto sa kalusugan ang fasting blood sugar o FBS test upang tukuyin ang hypoglycaemia. Ito ay kondisyon na mababa ang lebel ng blood sugar.
Ano Ang Fasting Blood Test? Bakit Ito Ginagawa?
Maaaring ipayo ng doktor ang pagsasagawa ng fasting blood sugar test upang matukoy ang kondisyon na kaugnay ng hypoglycaemia (mababang lebel ng blood sugar) o hyperglycaemia (mataas na lebel ng blood sugar.)
Maaaring isagawa ng doktor ang test na ito kung ikaw ay mayroong mga sumusunod na sintomas.
Ang mga sintomas ng hypoglycaemia ay:
- Pagpapawis
- Pagkalito
- Pagkagutom
- Pagkabalisa
- Panginginig
Ang mga sintomas ng hyperglycaemia ay:
- Sugat na matagal gumaling
- Labis na pagkauhaw
- Madalas maihi
- Malabong paningin
- Labis na pagkapagod
Gayundin, maaaring ipayo ng doktor ang FBS test kung ang isang tao ay may banta ng diabetes. Ang mga ito ay:
- Kawalan ng ehersisyo
- Sakit sa puso
- Family history ng diabetes
- Mataas na presyon ng dugo
- Pagiging labis ang timbang (overweight)
[embed-health-tool-bmi]
Kung ang isang tao ay buntis, siya ay sasailalim sa FBS test depende sa banta niya sa diabetes. Ang ilang espesyalisadong blood sugar test ay isinasagawa sa pagitan ng ika-24 hanggang ika-28 na linggo upang tignan para sa gestational diabetes. Ang gestational diabetes ay isang porma ng diabetes na nangyayari habang nagbubuntis. Mahalaga na sundin ang mga sumusunod na medikal na payo.
Prerequisites Ng Fasting Blood Test
Bago sumailalim sa fasting blood sugar test, ang isang tao ay kailangan na mag-fast ng nasa 8 oras, mas mainam kung sa gabi. Para sa buntis, mahalaga na matalakay ang pinakamainam na uri ng blood sugar test na inirekomenda ng iyong doktor at sundin ang kanilang payo tungkol sa fasting.
Ang mga tao na sumasailalim sa fasting blood sugar test ay kailangan na banggitin sa doktor ang lahat ng mga gamot na kanyang ginagamit dahil sa maraming mga rason. Maaaring ipayo ng doktor na iwasan ang ilang mga gamot upang maiwasan ang kahit na anong abnormality sa resulta ng test. Kaya’t dapat na alam ng doktor ang lahat ng mga gamot na ginagamit mo para sa iba’t ibang mga rason.
Sundin ang payo ng doktor tungkol sa tiyak na panuto tungkol sa diet at gamot.
Pag-Unawa Sa Resulta
Nasa ilalim ang mga paraan upang maunawaan ang mga resulta.
Ang normal na resulta para sa FBS test ay nasa pagitan ng 70 at 100 milligrams kada decilitre (mg/dL). Para sa random blood sugar, ang normal na lebel ay kadalasan na mababa sa 125 mg/dL.
Gayunpaman, kung ang isang tao ay may abnormal blood sugar test na resulta, ito ay maaaring indikasyon ng diabetes o prediabetes.
- Ang lebel ng blood sugar na 126 mg/dL o mas mataas pa ay maaaring indikasyon na ang isang tao ay may diabetes.
- Ang lebel ng blood sugar na 100-125 mg/dL ay maaaring indikasyon na ang isang tao ay may prediabetes.
Kadalasan, kung ang random blood sugar test ay nangyari nang mas maaga at nagpakita ng abnormal na resulta, maaaring ipayo ng doktor ang fasting blood sugar test. Kung ang resulta ng fasting blood sugar test ay abnormal, ipapayo ng doktor ang pagsasailalim sa karagdagang tests upang makumpirma ang diagnosis ng diabetes o iba pang kaugnay na kondisyon.
Kailan Ito Maaaring Ulitin?
Kung hindi sigurado ang iyong doktor tungkol sa pagiging akma ng fasting blood sugar test o kung nais makasiguro sa resulta, maaari kang payuhan na ulitin ang fasting blood sugar test. Maaari din itong maulit kasama ng ibang confirmatory blood sugar tests.
Para sa mga taong nasa ilalim ng gamutan para sa mataas na lebel ng blood sugar, maaaring ipayo ng doktor ang pag-ulit ng test at regular na interval upang ma-monitor ang progreso at pagiging epektibo ng paggamot.
Pamamaraan
Ano ang fasting blood test? Ang test ay napaka simple at hindi kinakailangan ng mahabang oras. Nasa 5 minuto lamang ang FBS test.
Kinakailangan na bisitahin ang pathologist’s lab kung saan tutulungan ka ng healthcare assistant. Siya ay maglalagay muna ng elastic band sa itaas na bahagi ng iyong braso. Ito ay nakatutulong sa dugo na i-block at lumabas ang ugat sa paligid ng joint ng siko.
Kung ang ugat ay lumabas na dahil sa blockage ng dugo, lilinisin ng healthcare assistant ang bahagi gamit ang antibiotic. Sunod, siya ay maglalagay ng karayom at kukuha ng dugo. Kapag tapos na, tatanggalin ang karayom, lilinisin ng antibiotic ang bahagi, at maglalagay ng bandage sa naturukan na bahagi.
Ilalagay ng assistant ang dugo sa loob ng container at ibibigay ito para sa pagsusuri.
Gayunpaman, may sobrang babang tsansa na maaari kang makaranas ng mga problema habang o pagkatapos ng blood test. Ang mga posibleng banta ay pareho sa mga iniuugnay sa mga blood test. Ang mga banta ng fasting blood sugar o FBS test ay:
- Hematoma, o dugo na nakokolekta sa ilalim ng balat
- Impeksyon
- Labis na pagdurugo
- Lightheadedness o pagkahimatay
Kung naranasan ang mga ito matapos ang blood test, kailangan mo agad na bumisita sa doktor at humingi ng medikal na tulong.
Ang resulta ng FBS test ay kadalasan na makukuha matapos ang ilang mga oras. Kung matanggap na, kailangan mong bumisita sa klinika ng doktor upang ma-interpret ang resulta at magplano ng akmang lunas.
Matuto pa tungkol sa Type 2 Diabetes dito.