Ayon sa mga eksperto ang mga taong may lumalalang mga kondisyong pangkalusugan gaya ng cardiovascular diseases, diabetes, kanser, at chronic respiratory disease ay may mas mataas na tyansa ng pagkahawa sa coronavirus. Ngunit, ayon sa isang pag-aaral kamakailan, ang pagtaas sa kaso ng diabetes ay nagpapakita na may mga batang nag-develop ng bagong onset type 1 diabetes sa panahon ng pandemya.
Ang Diabetes At Coronavirus
Sa kasalukuyan, wala pang sapat na datos para suportahan na ang mga taong may diabetes ay mas mabilis mahawaan ng coronavirus. Ang mga taong may diabetes ay mas nag-aalala kaugnay sa komplikasyon na maaari nilang maranasan dahil sa COVID-19.
Ito ay dahil may mas mataas na tyansang mahawa sila sa mga mas nakamamatay na mga komplikasyon kumpara sa mga normal na indibidwal.
Ang lala ng virus ay nakadepende sa kung paanong pinamamahalaan ng isang tao ang diabetes. Ang mga taong may diabetes na napamamahalaan nang maayos ang kanilang sakit ay may mas mababang tyansa na mahawa at makaranas ng matinding sintomas at komplikasyon ng COVID-19. Sa kabilang banda, ang mga taong may hindi kontroladong diabetes ay mas delikadong makaranas ng mas seryosong mga sintomas at komplikasyong dulot ng virus.
Karaniwang Komplikasyong Dulot Ng Diabetes Na Dapat Bantayan
Madalas Na Pagka-Uhaw
Ang COVID-19 At Type-1 Diabetes Sa Mga Bata
Batay sa isang bagong pag-aaral, may pagtaas sa kaso ng type-1 diabetes sa panahon ng pandemyang COVID-19. Ang pagtaas na ito ay kapansin-pansin sa mga kabataang nagkaroon ng type-1 diabetes matapos mahawa ng virus.
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Imperial College London, ang bilang ng mga batang nasuring may type-1 diabetes ay dumoble noong kasagsagan ng paglaganap ng coronavirus sa UK.
Sa nabanggit na pag-aaral, 21 bata ang sumailalim sa test para malaman kung nahawa ba sila ng COVID-19 virus. Ang iba naman ay tinest para sa mga antibodies at ang iba naman ay sumailalim sa nasopharyngeal swab.
Matapos ang mga test, limang bata na kasusuri pa lamang na may type-1 diabetes ang nakitang may strains ng coronavirus mula sa nakalipas at kasalukuyang impeksyon.
70% ng mga bata na nagkaroon ng bagong-onset na type-1 diabetes ang nagpakita ng mga senyales ng diabetic ketoacidosis (DKA).
Ang DKA ay isang nakamamatay na kondisyon kung hindi kaagad maaagapan. Ang kondisyong ito ay nangyayari kapag ang katawan ay nauubusan na ng insulin.
Sa 72% na ito, 52% ng mga bata ang nagkaroon ng malalang DKA. Ang bilang na ito ay nakababahalang napakataas kumpara sa bilang bago ang pandemya.
Bagaman, nakita ng pag-aaral na may kapansin-pansing pagtaas ng bilang ng type-1 diabetes sa mga bata sa panahon ng pandemya, ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay nanghihikayat pa rin ng ibang institusyon para mas palawakin pa ang imbestigasyon sa nasabing paksa. Ito ay para kumpirmahin kung mayroon nga bang tiyak na ugnayan sa pagitan ng coronavirus at pagkakaroon ng bagong-onset type-1 diabetes sa mga bata.
Ang Koneksyon Sa Pagitan Ng Type-1 Diabetes At COVID-19
Ang Type-1 Diabetes ay nangyayari kapag ang pancreas ay hindi nakapagpoprodyus ng insulin o nakapagpoprodyus ng kakaunting dami ng insulin. Kapag nakukulangan ang katawan ng insulin, hindi kakayanin ng katawan na kontrolin ang blood glucose levels.
Kapag nanatiling sobrang taas ng glucose level, maaaring magbunga ito ng hyperglycemia. Ang hyperglycemia ay maaaring magdulot ng mga komplikasyong gaya ng problema sa paningin at nerves. Maaari din nitong mapataas ang tyansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso at bato ng isang tao, gayundin, ang stroke.
Sa nakalipas na taon, tinatawag ng mga healthcare practitioners ang type-1 diabetes na “juvenile diabetes”. Ito ay dahil ang kondisyong ito ay inaasahang nakikita sa mga bata. Ngunit may mga pagkakataon ding ito ay nade-develop sa mga young adults, at maging sa mga adult. Insulin injection o insulin pumps ang mga paggagamot na ginagamit para sa type-1 diabetes.
Ang mga mananaliksik mula sa Imperial College London na ang biglang pagtaas sa mga bagong type-1 diabetes ay maaaring dulot ng biglang pagtaas sa protina na ang dahilan ay ang mga nakahahawang impeksyong gaya ng coronavirus.
Ang isang indibidwal na walang pagmamanahan ng diabetes ay maaaring magkaroon ng bagong-onset type-1 diabetes kapag nahantad sa coronavirus. Ito ay maaaring mangyari kapag biglang mapatataas ng coronavirus ang protina na kumakapit sa ACE2 receptors na makikita sa pancreas.
Tinitingnan ng pag-aaral na kapag pinasok na ng virus ang receptors, sisimulan na nitong sirain ang paggana ng mga cell. Kapag hindi gumagana nang maayos ang mga cell, ito ay maaaring magbunga ng glycolysis abnormalities. Gayundin, posible ring kapag napasok na ng virus ang mga cell, magdulot ito pamamaga na makasisira sa islet cells.
Bagaman may mga pag-aaral na naglalahad ng mga posibilidad ng kaugnayan ng COVID-19 sa pag-usbong ng type-1 diabetes sa mga bata, ang mga pag-aaral na ito ay kakaunti pa rin at nangangailangan pa ng karagdagang mga patunay at pag-aaral sa hinaharap.
Hanggang ngayon, hindi pa rin alam kung ang COVID-19 nga ba talaga ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng type-1 diabetes sa mga bata.
Tandaan
May kakulangan pa rin sa mga bagong pagtuklas na sumusuporta sa ugnayan sa pagitan ng COVID-19 at ng pagtaas ng bilang ng type-1 diabetes sa mga bata. Ito ang dahilan kung bakit kinukumbinse ng mga mananaliksik ang lahat, lalo na ang mga doktor, na mas maging malay tungkol sa umuusbong na problemang ito.
Para masiguro ang kaligtasan ng iyong anak mula sa COVID-19 at type-1 diabetes, napakahalaga ng pagsunod sa mga health precautions. Bigyan ang inyong mga anak ng tama at masusustansyang mga pagkain. Bigyan din sila ng mga bitamina upang mapalakas ang kanilang resistensya at panlaban sa ganitong mga sakit.
Maging isang mabuting halimbawa, at sundin ang lahat ng mga safety protocols. Ipaliwanag sa inyong mga anak ang mga bantang dulot ng coronavirus. Palaging isaalang-alang ang kaligtasan ng iyong mga anak sa tahanan. Iminumungkaghi ring iwasan ang paglabas upang maprotektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya laban sa COVID-19.
Higit pang matuto tungkol sa Type-1 Diabetes dito.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na isinulat ni Mayvilyn Cabigao.
[embed-health-tool-bmi]