Mahalaga ang mga prutas sa pagkakaroon ng malusog at balanseng diyeta. Subalit, alam mo ba na may mga prutas na bawal sa diabetic? Marahil ang iba sa inyo ay naguguluhan sa konseptong ito. Dahil sa iba’t ibang kilalang benepisyo ng prutas. Tulad ng pagiging mayaman nito sa fiber at iba pang mga bitamina at mineral. Pagkakaroon ng antioxidants na epektibo para maiwasan ang pamamaga at ilang chronic illness.
Ngunit, kapag ikaw ay isang diabetic, ang pagpili ng prutas at sukat ng pagkonsumo nito ay pwedeng makabuluhang na makaapekto. Lalo na sa pagtaas ng blood sugar level. Sa artikulong ito, ibibigay namin sa’yo ang listahan ng pinakamasamang prutas para sa mga diabetic.
Prutas na bawal sa diabetic: Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang
Bago natin ilista ang prutas na bawal sa diabetic, magkaroon lang tayo ng kaunting disclaimer: Pwede kang kumain ng prutas kung ikaw ay diabetic. Gayunpaman, dahil ang ilang prutas ay may high carbohydrate content. Kailangan mong maging maingat sa serving size. Maging sa kung ano ang iba pang mga pagkain na iyong ipapares sa kanila.
Ang isang typical serving ng prutas ay naglalaman ng 15 grams ng carbohydrates. Anuman ang uri ng prutas, kung ang kinakain mo ay naglalaman ng humigit-kumulang 15 grams ng carbs — ang epekto sa’yong blood glucose ay magiging pareho.
Sa madaling sabi, ang advantage ng pagkain ng prutas na may lower carb content ay ang pagkain ng prutas sa mas malaking bahagi.
Dapat mo ring isaalang-alang ang glycemic index ng prutas. Ito ay ang isang value nagsasabi sa’tin kung gaano kabilis, o kabagal ang food increase sa’ting blood sugar. Karaniwan, ang mas mataas na bilang ay nagreresulta ng mabilis na epekto sa ating blood sugar levels.
Prutas na bawal sa diabetic: Ang Listahan!
Nasa ibaba ang listahan ng prutas na kailangan mong maging maingat. Lalo na kung ikaw ay may diabetes:
Pakwan
Ang kalahating tasa ng diced watermelon ay naglalaman ng 5.5 grams ng carbs. Subalit, ang glycemic index nito ay nasa 76. Ito ay medyo mataas.
Pinya
Ang isang tasa ng mga tipak ng pinya ay naglalaman ng humigit-kumulang na 22 grams ng carbohydrates. Ngunit tulad ng pakwan, ang glycemic index nito ay mataas. Kung saan, umaabot ito ng halos 59 o higit pa.
Sobrang Hinog na Saging
Ang saging ay mahusay para sa diabetic na tao. Ngunit, siguraduhin lang na hindi sila masyadong hinog. Nasa 100 grams ang taglay ng sobrang hinog na saging, ayon sa US FDA. Ito rin ay naglalaman ng 20 grams ng carbs. Isinasaad din ng mga ulat, na ang glycemic index nito ay nasa pagitan ng 70 at 100.
Mga de-latang prutas o pinatuyong prutas na may idinagdag na asukal
Hangga’t pwede, iwasang kumain ng de-latang o pinatuyong prutas na may idinagdag na asukal. Malamang na mabilis nilang maitaas ang iyong blood sugar, at mag-iwan sa’yo ng mas kaunting puwang para sa mas masustansiyang pagkain.
Subalit, maaari ka pa ring kumain ng mga de-lata o pinatuyong prutas. Hangga’t sinasabi ng mga label hindi ito matamis, walang idinagdag na asukal, o nakaimpake sa sarili nitong juice.
Fruit Juice Drinks
Ayon sa Center for Disease Control, ang pag-inom ng fruit juice sa oras ng pagkain ay nagpapataas ng blood sugar level, Nagiging mas mabilis ito kaysa sa pagkain ng aktwal na prutas. Para sa kadahilanang ito, pinakamahusay na limitahan ang iyong pagkonsumo ng fruit juice.
Pwede ka pa ring uminom ng 100% fruit juice. Ngunit sinasabi ng mga eksperto na maaaring hindi sila ganoong nakakabusog. Dahil pwede ka lamang mag-take ng small amounts.
Mga Karagdagang Tip sa Pagkain ng Mga Prutas Kapag Isa kang Diabetic
Ngayong napag-usapan na natin ang mga prutas na bawal sa diabetic. Pag-usapan naman natin ang iba pang mga paraan. Para ligtas kang makakain ng mga prutas. Kahit nagtataglay ka ng diabetes:
- Ang isang maliit na piraso ng prutas o ½ tasa ng frozen at de-latang prutas ay karaniwang naglalaman ng 15 grams ng carbs.
- Kung gusto mong kumain ng mas maraming prutas. Dapat mong palitan ang mga ito ng iba pang carbohydrate source. Tulad ng dairy, starch, o grains. Gayunpaman, tandaan na ang pagkakaiba-iba ay susi sa isang malusog, balanseng diyeta.
- Pinakamainam na ipares ang prutas sa mga gulay na hindi starchy, lean protein, at isang maliit na bahagi ng starch.
- Kung hindi talaga maiwasan na gusto kainin itong mga prutas na ito, maaaring kontian lamang ang serving ng prutas na gusto ninyo at ipagpatuloy icheck ang iyong sugar levels or CBG.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.