backup og meta

Paano Malalaman Kung Mataas Ang Blood Sugar?

Paano Malalaman Kung Mataas Ang Blood Sugar?

Nasa anim na milyong Pilipino ang nabubuhay na may diabetes. Ayon sa istatistika noong 2016, ang diabetes mellitus (DM) ay kabilang din sa nangungunang 10 sanhi ng dami ng namamatay sa Pilipinas noong 2013. Malaki ang tyansa na ikaw o ang isang taong kilala mo ay may diabetes. Kaya basahin ang tungkol sa sa iba’t ibang paraan kung paano malalaman kung mataas ang sugar. At mga sugar checking device na ginagamit sa pagsusuri ng diabetes.

Aling Sugar Checking Device ang Pinakamahusay? Mga Karaniwang Device na Ginagamit sa Bahay

Fingertip Glucose Meter

Marahil ang pinaka-pamilyar na blood sugar checking device para sa mga Pilipino ay ang fingertip glucose meter. 

Naging mas karaniwan para sa mga sambahayan na magkaroon ng ganitong uri ng device. Dahil ito ay madaling gamitin at accessibility nito. Ito rin ang pinaka-abot kaya sa ngayon kung paano malalaman kung mataas ang sugar.

Tusukin mo lang ang isang daliri, maglagay ng dugo sa isang test strip at ipasok ito sa glucometer.

Ang isa pang bentahe ay ang real-time na resulta. Sa sandaling ipasok mo ang strip, kailangan mo lamang ng ilang sandali para malaman ang iyong sugar level. Kaya naman magandang device ang fingertip glucometer sa bahay, lalo na para sa mga may history of acute hypoglycemia. Sa pamamagitan ng pagsuri sa device na ito, maaari magsimula ng mga simpleng interbensyon sa bahay. At ito ay kapag nakumpirma mo na ang iyong blood sugar ay nasa mababang antas. 

Para sa mga disadvantages, maraming mga tao ang hindi gusto ang paulit-ulit na pagtusok para malaman kung mataas ang sugar. Ang isa pa ay ang pagbebenta ng mga pekeng test strips. Ang kalidad ng mga test strip na ginamit ay maaaring makaapekto sa resulta ng pagbabasa. Kaya kailangan mong mag-ingat at bumili ng mga test strip mula sa isang trusted source. 

Continuous Glucose Monitoring

Ang continuous glucose monitor (CGM) ay isa pang blood sugar checking device. Gayunpaman, hindi tulad ng mga non-invasive methods, kabilang dito ang paglalagay ng sensing device sa ilalim ng iyong balat. Mayroon itong data transmitter na konektado sa isang receiver. Ito ay maaaring isang hiwalay na aparato o bahagi ng isang insulin pump.

Ito ay pinakamainam para sa mga umaasa sa insulin pump. Karaniwang kailangang palitan ang sensor sa loob ng 1 hanggang 2 linggo. 

Maaaring matukoy ng mga CGM ang glucose sa dugo anumang oras na kailangan mo ito. At kadalasan ay may malaking memory capabilities upang iimbak ang mga sukat na ginawa. 

Ang ilan sa mga ito ay maaaring konektado sa mga online services na naa-access mo. At sa iyong doktor para ma-review din nila ang mga sukat. Ang iba ay mayroon ding mga alerto na lumalabas kapag ang trend ay nagpapakita ng predicted blood glucose na magiging napakataas o mababa. 

Ang mga CGM ay mayroon ding bentahe ng mas kakaunting mga prick sa pangkalahatan kumpara sa araw-araw na pagtusok gamit ang fingertip glucometers. Gayunpaman, ang mga device na ito ay mas mahal at mas mahirap makuha. Kung mayroon kang mahusay na sugar control at hindi nag-i-insulin, ang extensive blood sugar measurements na ginagawa ng mga CGM ay malamang na hindi mo kailangan.

Mga Karaniwang Test 

Ang mga karaniwang blood test na hinihiling para sa mga pasyenteng may DM ay ang fasting blood sugar (FBS) at glycated hemoglobin (HbA1c). Karaniwang ginagawa sa isang laboratoryo ang parehong tests na ito. At kung paano malalaman kung mataas ang sugar. Ang isang health professional ay kukuha ng ilang dugo mula sa iyo at ilalagay ang mga ito sa mga tube at ipadala sa isang lab para sa pagsusuri. Magbasa para malaman ang layunin ng mga test na ito.

HbA1c Measurement

Ang isa pang uri ng sugar checking device ay ang tinatawag na glycated hemoglobin o HbA1c. Kapag ang blood sugar levels ay sapat na mataas, ang glucose ay magsisimulang sumama sa hemoglobin, na bumubuo ng HbA1c. Ang bahaging ito na matatagpuan sa dugo ay nagpapakita kung gaano kahusay ang iyong sugar control sa nakalipas na walo hanggang labindalawang linggo. 

Samakatuwid, ito ay karaniwang ginagamit para sa pagmo-monitor sa response at pagsunod mo sa iyong regimen.

Dahil ang fasting blood sugar ay maaaring magbago depende sa intake ng ilang araw bago ang pagsusuri, ang HbA1c ay maaaring maging isang mas mahusay na sukatan ng average blood sugar nang walang bias ng paghahanda para sa test. Karaniwang inirerekomenda ng mga doktor ang target na halaga ng HbA1c na <7.0% para sa mga pasyenteng may diabetes, bagama’t maaaring mag-iba ito sa bawat pasyente. 

Dahil ang HbA1c ay nangangailangan ng kagamitan na masyadong malaki o komplikado para sa simpleng paggamit sa bahay, ang pagsusuri ay pinakamahusay na gawin sa isang accredited facility.

Fasting Blood Sugar

Ang fasting blood sugar ay isang sukatan ng matinding glycemic control. Tulad ng HbA1c, hinihiling ng mga doktor na i-monitor ang pagsunod mo sa treatment at ang bisa ng iyong kasalukuyang gamot. Maaaring gawin ang FBS sa mga device na tinalakay. Ngunit madalas itong hinihiling periodically at ginagawa din sa isang lab. Isang test kung paano malalaman kung mataas ang sugar.

Bago ang test na ito, siguraduhing huwag kumain ng anuman sa pamamagitan ng bibig maliban sa tubig nang hindi bababa sa walong oras bago kunan ng dugo. Generally, ang FBS na 80 hanggang 130 mg/dL ay isang magandang layunin para sa mga taong may diabetes.

Key Takeaways

Ang pangunahing blood sugar checking device sa Pilipinas ay ang fingertip glucose meter. Pero ang continuous glucose monitor, HbA1c, and FBS ay mga common measuring device. Ang bawat isa ay may natatanging mga advantages at disadvantages. Magandang maging pamilyar sa lahat ng mga ito dahil maaaring kailanganin mo ang mga ito kung paano malalaman kung mataas ang sugar.
Kailangan ang mahusay na sugar control para maiwasan o maantala ang mga komplikasyon ng diabetes, kabilang ang stroke at sakit sa bato. Panghuli, tulad ng anumang iba pang sakit, mahalagang makipag-usap sa iyong doktor para mairekomenda nila ang pinakamahusay na mga opsyon para sa iyo. At payuhan ka sa mga pagsusuri na kailangan mo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Blood Glucose Monitoring Devices | FDA, https://www.fda.gov/medical-devices/in-vitro-diagnostics/ blood-glucose-monitoring-devices 

Continuous Glucose Monitoring | NIDDK (nih.gov), https://www.niddk.nih.gov/health-information/ diabetes/overview/managing-diabetes/continuous-glucose-monitoring

DOH LEADS WORLD DIABETES OBSERVANCE IN THE PHILIPPINES | Department of Health website, https://doh.gov.ph/node/11786

Hemoglobin A1C (HbA1c) Test: MedlinePlus Medical Test, https://medlineplus.gov/lab-tests/ hemoglobin-a1c-hba1c-test/

Manage Blood Sugar | Diabetes | CDC, https://www.cdc.gov/diabetes/managing/manage-blood-sugar.html

 

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement