backup og meta

Paano Magturok ng Insulin? Step-By-Step na Gabay

Paano Magturok ng Insulin? Step-By-Step na Gabay

Ang insulin at oral na medikasyon para sa pagpapababa ng blood sugar ay napakahalaga para sa mga taong may diabetes. Sa kasamaang palad, ang insulin ay hindi pwedeng inumin o lunukin. Paano magturok ng insulin? Ito’y mahalagang malaman ng lahat ng may diabetes.

Ito ay dahil ang insulin ay biologic na naglalaman ng mga enzymes at protina na maaaring masira ng asido sa tyan. Ang artikulong ito ay gagabay sa iyo kung paanong magturok ng insulin sa bahay. 

Sa kasalukuyan, maaari lamang ikonsumo ang insulin sa pamamagitan ng pagtuturok. May ilang mga uri ng delivery systems para sa insulin, kasama na ang vials na may syringe, pre-filled na syringe, pumps, pens, at jet injectors.

Anumang delivery system ang mapagpasyahan mong gamitin, mahalagang malaman kung paano makakukuha ng insulin shots sa bahay. 

Ang sumusunod na gabay ay makatutulong sa parehong pasyente na siyang nagtuturok sa kanyang sarili at sa mga tagapag-alaga. 

paano mag turok ng insulin

Paano Gumagana ang Insulin Replacement Therapy? 

  • Ang dami ay nag-iiba-iba depende sa blood sugar level at uri ng insulin na gagamitin. 
  • Ito ay ang pagtuturok ng insulin para maibalanse ang blood sugar level sa katawan. 
  • Ginagamit ang insulin replacement therapy para makontrol ang blood sugar. 
  • Kadalasan itong ginagamit sa mga taong may type 1 diabetes. 
  • Ngunit sa ilang mga kaso, ang mga taong may type 2 diabetes ay maaari ding mangailangan nito. 
  • Ang mga shots ay itinuturok din kadalasan bago matulog upang maiwasan ang pagtaas ng blood sugar level sa umaga. 
  • Ang insulin ay kadalasang itinuturok 30 minuto bago kumain upang mas maging epektibo.

Mga Hakbang sa Pre-Injection 

  1. Unang-una, kailangan mong i-double check ang label at packaging. Kung isa kang tagapag-alaga, ito ay higit na mahalaga kung may ilang mga pasyente kang inaalagaan. Ang bawat taong inaalagaan mo ay malamang na may iba’t ibang mga uri ng dosis at insulin. 
  2. I-tsek ang syringe, pen, o kung anumang delivery system ang iyong ginagamit. Tiyaking ang mga karayom ay hindi bali o sira. I-tsek ang sukat ng karayom na kailangan mong gamitin, dahilan ang sukat nito ang magtatakda ng gagamitin teknik sa pagtuturok. 
  3. Kung ang insulin ay itinabi sa refrigerator, ilabas muna ito sa isang lugar na may room temperature sa loob ng 15-30 minuto. Huwag magturok ng malamig na insulin. Ito ay maaaring magdulot ng pananakit at hindi pagka-komportable kapag naiturok. 
  4. Sa huli, hugasan ang iyong mga kamay ay ihanda ang mga kagamitan. Kapag ang lahat ng kailangan ay nasa paligid lamang, mas madali ang pagtuturok ng insulin. Bukod sa insulin at karayom, kailangan mo rin ng alcohol swabs o alcohol at cotton balls. Kung isa kang tagapag-alaga, mainam kung ikaw ay magsusuot ng gloves. 

Ang Pagtatantya at Pagtuturok ng Insulin sa Bahay (Vial at Needle Delivery) 

  1. I-roll nang magaan ang vial kung kinakailangan. Gawin ito kung hindi napainit sa room temperature ang vial matapos tanggalin sa refrigerator. 
  2. Punasan ang ibabaw ng vial gamit ang alcohol. 
  3. Hilahin pabalik ang plunger ng karayom hanggang sa ang plunger seal ay nakaayos na sa tamang yunit para sa dosis. 
  4. Ilagay ang karayom sa vial nang patayo (90-digring anggulo). 
  5. Itulak ang plunger nang dahan-dahan. Nakapaglalagay ito ng hangin sa vial na magbibigay-daan para makuha mo nang mas mabilis ang insulin. 
  6. Baligtarin ang vial at syringe (hawakan ito nang pabaligtad, nang patayo). Hilahin ang plunger pabalik nang dahan-dahan upang makuha ng kinakailangang dosis ng insulin. 
  7. Suriin ang syringe nang hindi ito tinatanggal sa vial. Tiyakin na walang air bubbles at ang dosis ay tama. Tapikin nang magaan ang syringe para matanggal ang mga air bubbles. Hilahin ang plunger pabalik para makakuha pa ng mas maraming insulin o itulak ito pabalik para naman matanggal ang sobrang insulin. 
  8. Pumili ng injection site na iyong nais. Punasan ang bahaging ito ng alcohol at hintaying matuyo.
  9. Pisilin pataas ang balat gamit ang iyong kabilang kamay. Gamitin ang espasyo sa pagitan ng iyong hinlalaki at hintuturo para makuha ang balat. Mababawasan nito ang sakit at matitiyak na ang insulin ay maituturok sa matabang layer. 
  10. Sa huli, mabilis ngunit magaang itulak ang plunger para maiturok ang dosis ng insulin. Pagkatapos, ipasok ang karayom sa 90-digring anggulo o sa patayong paraan. 
  11. Tanggalin ang karayom pagkatapos maiturok ang dosis. Takpan muli ang karayom ang itapon ang nagamit na mga alcohol swabs, bulak, syringe, at gloves sa tamang basurahan at mga sharp container. 

Gabay para sa Pagtuturok ng Insulin: Mga Hakbang sa Pagtuturok 

Bago magturok, siguraduhing mahuhugasan nang mabuti ang mga kamay.  Sunod, i-disinfect ang balat at ang ibabaw ng bote ng insulin.  Ilagay ang eksaktong dami ng insulin sa syringe. 
Pisilin ang iyong balat sa lugar kung saan magtuturok.  Ipasok ang karayom sa 45- digring anggulo at iturok ang insulin.  Bitawan ang pagpisil at bumili ng 1 hanggang 5, at hilahin palabas ang karayom. 

Paano Magturok ng Insulin sa Bahay Gamit ang Pen? 

  1. Tanggalin ang takip ng pen. 
  2. Punasan ang stopper gamit ang alcohol swab. 
  3. Kumuha at buksan ang tamang karayom ng pen. 
  4. Ipantay ang karayom ng pen sa pen stopper. 
  5. Butasan ang gitna ng cartridge at i-screw ang pen needle.
  6. Tanggalin ang panlabas o panloob na shield o takip ng pen. 
  7. Sundin ang ispesipikong direksyon ng pen manufacturer. 
  8. Pumili ng ninanais na bahagi na pagtuturukan. Punasan ang bahaging ito ng alcohol at hayaang matuyo. 
  9. Sa huli, iturok ang karayom ng pen sa inihandang bahagi na pagtuturukan. Tandaan na hindi lahat ng karayom ng pen ay nangangailangan ng pagpisil. Ang mga karayom ng pen na may mas maliit na gauges at mas maikli (≤31G and ≤5mm) ay hindi na nangangailangan ng pagpisil. 
  10. Tanggalin ang karayom pagkatapos maiturok ang dosis. Takpan muli ang karayom at itapon ang nagamit na mga alcohol swabs, bulak, syringe, at gloves sa tamang basurahan at mga sharp container. 

Matuto nang higit pa tungkol sa Diabetes dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Step-by-Step Patient Injection Guide https://www.bd.com/resource.aspx?IDX=11020&CMP=PIG Accessed November 9, 2020

Insulin Injection Know-How: Learning How to Inject Insulin https://www.diabeteseducator.org/docs/default-source/legacy-docs/_resources/pdf/general/Insulin_Injection_How_To_AADE.pdf Accessed November 9, 2020

Injecting Insulin: Taking shots safely, correctly, and with little or no pain https://clinical.diabetesjournals.org/content/31/1/46 Accessed November 9, 2020

Syringes and Needles https://pharmlabs.unc.edu/labs/parenterals/syringes.htm Accessed November 9, 2020

Using Insulin Pens and Pen Needles https://www.bd.com/resource.aspx?IDX=23379 Accessed November 9, 2020

Kasalukuyang Version

03/23/2022

Written by Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?


Written by

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement