Tinatawag na gangrene ang kondisyon na seryoso at delikado sa buhay na nangyayari kapag hindi dinadaluyan ng dugo ang malalaking bahagi ng body tissue, na nagreresulta sa pagkamatay ng tissue. Ang apektadong lugar, karaniwan sa mga kaso, nagiging berde at maitim ang kulay nito. May ilang uri ng gangrene na kadalasang nakakaapekto sa mga paa at kamay: mga braso, binti, paa at daliri ng paa. Kabilang ang mga taong may diabetes ang nanganganib mula sa pagkakaroon ng gangrene. Maaaring kailanganin ng diabetic foot gangrene treatment para sa gangrene sa paa.
Ano Ang Mga Uri Ng Gangrene?
Dry Gangrene
Nangyayari ito kapag napipigilan ang suplay ng dugo sa isang bahagi ng katawan. Natutuyo, lumiliit, at nangingitim ang bahagi na iyon ng katawan.
Wet Gangrene
Nangyayari ang ganitong uri ng gangrene kapag nahawahan ng bakterya ang tissue. Namamaga ang tissue, lumalabas ang fluid, at nagkakaroon ito ng mabahong amoy.
Gas Gangrene
Kapag nahawahan ng bakterya ang apektadong tissue, naglalabas ito ng gas. Kadalasang sanhi ng bacterium Clostridium perfringens ang ganitong uri ng gangrene. Dumarami ang bakterya nito, bumubuo ng mga lason at naglalabas ng gas.
Internal Gangrene
Nangyayari ito kapag napuputol ang daloy ng dugo sa internal organ. Kabilang sa mga maaaring maapektuhan na organ ang bituka, gallbladder, at apendix.
Necrotizing Fasciitis
Isa itong matinding bacterial infection na kumakalat sa mas malalim na layer ng balat at tissue.
Ano Ang Mga Sintomas Ng Gangrene?
- Skin discoloration (mula sa maputla hanggang asul, lila, itim, at bronze hanggang pula)
- Pamamaga
- Paltos
- Biglang pananakit bago mamanhid
- Mabahong discharge mula sa sugat
- Manipis, makintab na balat o balat na walang buhok
- Malamig na balat kung hawakan
Nagpapakita rin ang internal o gas gangrene ng mababang lagnat at karamdaman.
Paa Ng Diabetic: Ano Ang Mga Risk Factor?
Maaaring mailagay sa panganib ng ilang natatagong karamdaman ang isang tao sa gangrene. Kabilang dito ang:
- Diabetes. Maaaring mauwi sa nerve at blood vessel damage ang mataas na blood sugar level.
- Atherosclerosis, Tumitigas ang arteries dahil sa plaque
- Raynaud’s disease. Karaniwang nag-re-react sa malamig ang mga blood vessel sa mga daliri sa kamay at paa.
- Peripheral arterial disease. Naiipon ang mga fatty deposit at hinaharangan nito ang suplay ng dugo sa leg muscles
Partikular na ang mga diabetic, maaari silang magkaroon ng foot infection dahil sa nerve damage mula sa mataas na blood sugar level. Mas madali silang magkaroon ng injury nang hindi ito nararamdaman. Nagreresulta rin sa kaunting anti-infection cell ang kakulangan sa suplay ng dugo, na posibleng makaantala sa paggaling ng isang sugat at mas nagiging madali ito kapitan ng impeksyon.
Anu-Ano Ang Mga Paraan Ng Foot Gangrene Treatment?
Isa sa mga pangunahing hakbang ng paggamot ng gangrene sa paa ng diabetic ang pagtanggal ng nahawaan o patay na tissue. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng tradisyonal na operasyon o sa paraan na tinatawag na larval debridement therapy. Gumagamit ng ang paraan na ito ng laboratory-bred maggots na hindi nagpaparami at kumakain lamang ng patay na tissue.
Sunod na hakbang ang pagpapagaling o pagpigil sa impeksyon. Maaaring magreseta ang mga doktor ng antibiotics.
Maaaring mangailangan ng operasyon upang maibalik ang daloy ng dugo sa mga blood vessel.
Posible ring gumamit ng hyperbaric oxygen therapy. Sa kasong ito, nasa loob ng high pressure oxygen chamber ang apektadong bahagi. Nagpapabuti ng circulation at nakatutulong sa pagpapagaling ng namamatay na tissue ang mataas na oxygen level. Maaari ding mapababa ng mataas na oxygen level ang paglaki ng bakterya.
Anong Mga Komplikasyon Ang Maaaring Mangyari?
Kung hindi gumana ang treatment, maaaring kailanganin putulin ang paa upang mapigilan ang impeksiyon. Posibleng mangyari din ang sepsis kapag kumalat ang gangrene.
Kailan Dapat Magpatingin Sa Doktor?
Magpatingin sa isang healthcare provider kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:
- Lagnat na tumitigil
- Mga pagbabago sa balat na hindi kumukupas
- May discharge mula sa isang sugat
- Nagiging malamig, matigas, at manhid ang balat
- May masakit sa lugar ng operasyon o trauma
Paano Maiiwasan Ang Gangrene?
Kailangang bantayan ng mga diabetic ang kanilang blood sugar levels at panatilihin ito sa normal. Maaari din nilang ugaliin suriin ang kanilang mga paa at binti kung may injury, huminto sa paninigarilyo, umiwas sa alak, kumain ng masustansya, at regular na mag-ehersisyo.
Key Takeaways
Malubhang kondisyon ang gangrene sa kalusugan. Nangyayari ito kapag napipigilan ang suplay ng dugo sa body tissue. Nakakaapekto ito sa mga braso, paa, binti, at daliri ng paa. Kabilang ang mga diabetic sa mga may mas mataas na panganib mula sa gangrene. Nakararanas ng nerve damage ang mga taong may diabetes dahil sa mataas na blood glucose level, at kaya dahil madali rin silang kapitan ng injury na hindi nila makikita kaagad.
Kabilang sa ilang diabetic foot gangrene treatment ang pagtanggal sa patay na tissue, pagbalik ng blood flow, at paggamot sa pagbigay ng treatment sa pamamagitan ng antibiotic. Sa ilang mga kaso, maaari ding makatulong ang hyperbaric oxygen therapy sa circulation, pagpapagaling ng namamatay na tissue, at pagbawas sa paglaki ng bakterya.
Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.