backup og meta

Sintomas Ng Diabetes Sa Balat: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Sintomas Ng Diabetes Sa Balat: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Ang diabetes at mga problema sa balat ay magkaugnay, kung saan may mga skin condition na sintomas na pala ng diabetes. Ngunit ang tanong, anu-ano nga ba ito?

 Ayon sa mga eksperto, ang ilan sa mga kondisyon ng balat ay maaaring resulta ng allergic reactions sa insulin o mga gamot para sa diabetes. Kadalasan, ang unang palatandaan ng sakit na ito ang sintomas ng diabetes sa balat. Pinapayuhan na kumunsulta sa iyong dermatologist kung mayroong madalas na mga isyu sa balat na mas matagal gumaling kaysa sa karaniwan. Para sa mga sintomas ng diabetes sa balat, mahalagang masuri at simulan ang paggamot sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang anumang malubhang kahihinatnan at komplikasyon.

Ano ang Nagiging Sintomas ng Diabetes sa Balat?

Maaaring magkaroon ng epekto ang diabetes sa kalusugan ng balat sa maraming paraan. Ito ay dahil sa mataas na blood glucose level na dulot ng diabetes. Ang sobrang asukal sa dugo ang pumipilit sa katawan na kumuha ng likido mula sa mga cell  upang makagawa ito ng sapat na ihi para maalis ang asukal sa katawan. Dahil dito, natutuyo ang balat. 

Ang tuyo at damaged skin ay maaari ding sanhi ng mga damaged nerves. Ito ay dahil ang damaged nerves ay hindi nakakapagpawis, at ang pagpapawis ay nakakatulong upang mapanatiling basa at malusog ang balat.

Dagdag pa rito, kapag ang iyong balat ay sobrang tuyo, maaari itong maging sanhi ng pangangati at magkaroon ng mga bitak sa balat. Ito ay humahantong sa mga maliliit na butas sa balat na maaaring maging isang entry point para sa mga mapanganib na organismo na pumasok sa iyong balat. Bukod pa rito, ang mataas na sugar level na nagsisilbing breeding ground para lumaki at dumami ang mga organismo.

Ano ang Sintomas ng Diabetes sa Balat?

Ang mga taong may diabetes ay madaling kapitan ng sakit sa balat. Kabilang dito ang:

  • Pangangati ng balat
  • Fungal infection
  • Bacterial infection
  • Diabetic dermopathy
  • Rash
  • Blisters
  • Necrobiosis Lipoidica Diabeticorum
  • Eruptive xanthomatosis

Bantayan ang iyong  blood sugar levels– ito ang unang hakbang na nakakatulong upang maiwasan at magamot ang mga problema sa balat ng diabetes. Kung mayroon kang anumang biglaang lumabas na mga kondisyon ng balat at mas matagal kaysa karaniwan kung gumaling, kumunsulta sa iyong doktor. Bantayan din ang iyong diet, mag-ehersisyo ng regular, at uminom ng iyong mga gamot upang makontrol ang iyong diabetes. Kung kinakailangan, kumunsulta sa iyong dermatologist. Sa ilang mga kaso, ang skin problem ay maaaring hindi mukhang malala, ngunit kung hindi gagamutin nang maayos ay pwedeng magdulot ng mga komplikasyon.

Mga Komplikasyon

Ang mga maaaring maging komplikasyon ng sintomas ng diabetes sa balat ay:

Bacterial Skin Conditions

Posible ring maging sintomas ng diabetes sa balat ang pagkakaroon ng bacterial infection. Ang pinakakaraniwang bacterial infection ay Staphylococcus, kadalasang nakikita sa mga taong may diabetes na hindi kontrolado. Maaari rin itong maging sanhi ng ‘bukol’ sa mga lugar na nakakasira sa mga follicle ng buhok. Ang iba pang karaniwang bacterial infection ay impeksyon sa kuko at glands ng eyelids.

Allergic Skin Conditions

Ang mga taong may diabetes ay mas malamang na magkaroon ng allergic reactions. Pinapayuhan na alagaang mabuti ang iyong balat at subaybayan ang iyong balat upang suriin ang anumang mga isyu. Kung makakita ka ng anumang mga pantal o bukol, kausapin ang iyong doktor. Kapag may diabetes, malamang na magkaroon ka ng allergy, mula sa pagkain hanggang sa mga gamot at mula sa kagat ng insekto hanggang sa pagkakalantad sa pagbabago ng temperatura. Kung nagkaroon ka ng allergic reaction pagkatapos uminom ng anumang gamot, kumunsulta sa iyong doktor. Huwag huminto sa pag-inom ng anumang gamot o baguhin ang dosage nang hindi kumukunsulta sa iyong doktor.

Diabetic Dermopathy

Ang diabetic dermopathy ay isang kondisyon ng balat na tinatawag ding mga shin spot. Ginagawa nitong mamula-mula ang iyong balat at nagkakaroon ng mga scaly patch. Bagama’t karaniwan ang kondisyong ito ng balat at sinuman ay maaaring makakuha nito, ang mga may diabetes ay mas malamang na makakuha nito. Ito ay hindi masakit ngunit maaaring magdulot ng pangangati at burning sensation. Maaaring irekomenda ng iyong doktor na mag-apply ng mga cream para panatilihing moisturized ang balat.

Diabetic Blisters

Ang mga paltos ng diabetes ay kilala rin bilang ‘bullosis diabeticorum’. Itong mga kondisyon ng balat ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng maliliit na paltos na katulad ng nangyayari pagkatapos ng mga paso. Ang mga may malubhang diabetes ay malamang na magkaroon ng ganitong kondisyon. Madalas na naaapektuhan ang mga paa, daliri, kamay, at mga bisig. Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang kondisyong ito ay sa pamamagitan ng pagpapanatili ng  healthy blood sugar level.

Digital Sclerosis

Ang digital sclerosis ay isang pangkaraniwang kondisyon ng balat at kadalasang nakikita sa mga taong may type 1 diabetes. Ang ‘digital sclerosis’ ay nagmula sa dalawang salitang ‘digital’ na nangangahulugang mga daliri at paa, habang ang ‘sclerosis’ ay tumutukoy sa ‘hardening.’ Dahil sa kondisyon ng balat, nagiging masikip at waxy ang iyong mga daliri at paa.

Sa ilang mga kaso, maaari ka ring makaranas ng paninigas sa iyong mga kamay at binti. Ang “tightenng” ng balat ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng iyong katawan na yumuko at umikot, na higit na nakakaapekto sa iyong mga pisikal na paggalaw.

Sa ganitong mga kaso, maaaring hilingin sa iyo ng iyong doktor na subukan ang physical therapy. Ang pinakamahusay na paraan upang gamutin at maiwasan ang kondisyong ito ay sa pamamagitan ng pagpapanatiling kontrolado ng iyong diabetes. Maaari ring irekomenda ng iyong doktor na mag-apply ka ng mga cream at lotion sa apektadong bahagi upang mapanatiling moisturized ang balat at maiwasan ang impeksyon.

Paano Alagaan ang Iyong Balat?

Ang mga sumusunod ang ilang bagay na kailangan upang maiwasan ang mga problema sa balat:

  • Subaybayan ang iyong diabetes. Ang hindi makontrol na diabetes ay nagdudulot ng mataas na glucose levels na maaaring magpatuyo ng balat at nakakabawas sa kakayahan ng katawan na iwasan ang mga nakakapinsalang bakterya.
  • Siguraduhing malinis ang iyong balat.
  • Iwasang gumamit ng mga sabon at shampoo na matapang sa balat.
  • Mahalagang pangalagaan ang iyong mga paa upang maiwasan ang sintomas ng diabetes sa balat ng paa. Magsuot ng sapatos na komportable. Regular na suriin ang iyong mga paa para sa mga sugat at hiwa.
  • Iwasan ang paggamit ng labis na moisturizer sa pagitan ng iyong mga daliri sa paa, dahil ito ay maaaring maging puwang para sa fungi o anomang mikrobyo na dumami.
  • Kung mayroon kang anumang impeksyon sa balat na nagdudulot ng pangangati ng balat, humingi ng tulong sa iyong dermatologist.
  • Kung mayroon kang maliliit na sugat, gumamit ng sabon at tubig upang linisin ito.Gumamit lamang ng mga cream o ointment na inireseta ng iyong dermatologist.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diabetes: Skin Conditions/https://my.clevelandclinic.org/health/articles/12176-diabetes-skin-conditions/Accessed on 01/05/2020

DIABETES: 12 WARNING SIGNS THAT APPEAR ON YOUR SKIN/https://www.aad.org/public/diseases/a-z/diabetes-warning-signs/Accessed on 01/05/2020

Skin Problems in Diabetes/https://www.webmd.com/diabetes/skin-problems/Accessed on 01/05/2020

Skin problems associated with diabetes mellitus/https://dermnetnz.org/topics/skin-problems-associated-with-diabetes-mellitus/Accessed on 01/05/2020

Kasalukuyang Version

04/29/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mangyayari Kapag Hindi Makontrol Ang Iyong Blood Sugar?

Paggamot sa Diabetic Neuropathy: Paano Mo Gagamutin ang Pananakit ng Nerve?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement