Ang pagpayat ng diabetic ay mabuti o masama? Para sa maraming tao, ang pagbabawas ng timbang ay isang fitness goal, ngunit para sa mga diabetic, maaaring hindi ito palaging nangyayari.
Magbasa pa upang matuto nang higit pa tungkol sa pagpayat ng diabetic, mga benepisyo nito, at kung kailan ito maituturing na isang problema.
Ang Pagpayat Ng Diabetic Ay Mabuti o Masama?
Para sa mga taong may diabetes, ang pagpayat ay isang magandang bagay. Sa katunayan, ang mga doktor ay karaniwang nagrerekomenda sa type 2 diabetics na panatilihin ang isang malusog na timbang. Ang pagpayat ay maaaring magkaroon ng mga benepisyo tulad ng pagpapababa ng presyon ng dugo at mga antas ng kolesterol. Kasama na rin ang pagbabawas ng panganib ng mga komplikasyon na nauugnay sa diabetes. Natuklasan din ng mga pag-aaral na ang progresibong pagbaba ng timbang sa mga diabetic ay nakakatulong na mapanatili ang kanilang mga antas ng blood sugar.
Ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pagbaba ng timbang sa mga diabetic, lalo na sa mga type 2 diabetics, ay ang pagiging obese ay isang panganib na kadahilanan para sa pagkakaroon ng diabetes at kumplikasyon nito.
Sa isang taong sobra sa timbang, ang dagdag na timbang ay nagiging sanhi ng pangangailangan ng katawan ng mas maraming insulin kaysa sa anatas na kayang gawin ng kanyang pancreas. Ang insulin ay isang hormone na tumutulong sa pag-regulate ng mga antas ng blood sugar. At ito ay nagpapahintulot sa katawan na gawing enerhiya ang asukal sa katawan.
Dahil sa dagdag na timbang, sinusubukan ng pancreas na pumantay sa pangngailangan, sa pamamagitan ng paggawa ng mas maraming insulin. Gayunpaman, kadalasang hindi nakakasabay ang pancreas. At ang sobrang trabaho nito ay nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga selulang gumagawa ng insulin. Dahil dito, ang pancreas ay makakagawa lamang ng mas kaunting insulin, kaya hindi magiging sapat upang ibaba ang blood sugar ng isang tao sa mga normal na antas.
Sa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang, binabawasan ng mga taong may type 2 diabetes ang kargada sa kanilang pancreas. Maaaring hindi mababawi ng pagbaba ng timbang ang diabetes, ngunit makakatulong naman ito na panatilihing kontrolado ang diabetes.
[embed-health-tool-bmi]
Kailan Masama Ang Pagpayat Ng Diabetic?
Sa kabilang banda, may ilang mga sitwasyon kung saan ang pagpayat ng diabetic ay maaaring maging isang masamang bagay. Sa partikular, kung ang isang tao ay nawalan ng maraming timbang bigla at walang paliwanag.
Ang biglaang pagbaba ng timbang ay maaaring makita sa mga taong may type 1 o type 2 na diabetes. Gayunpaman, ito ay isang mas karaniwang sintomas sa mga taong may type 1 diabetes.
Sa mga taong may type 1 na diabetes, ang kanilang katawan ay ganap na humihinto sa paggawa ng insulin. Ito ay isang problema dahil ang ating katawan ay nangangailangan ng insulin upang maproseso ang asukal na nakukuha natin mula sa pagkain at i-convert ito sa enerhiya. Kung hindi ma-convert ng katawan ang asukal, magsisimula itong magsunog na lamang ng taba at kalamnan nang napakabilis, para may magamit sa pag likha ng enerhiya.
Habang nagsusunog ang katawan ng taba at kalamnan, maaaring mapansin ng mga type 1 na diabetic na bigla silang pumapayat, kahit na hindi naman nila sinusubukang sadyang mag bawas ng timbang. Ito ay karaniwang isang babalang senyales ng diabetes, at isa sa mga mas kapansin-pansing sintomas ng type 1 diabetes.
Ang pagbabawas ng timbang dahil sa type 1 diabetes ay isang seryosong problema dahil ito ay naglalagay ng maraming strain sa katawan. Kaya mahalagang magpatingin sa doktor sa sandaling mapansin mo ang biglaan at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang.
Mahalagang malaman na ang biglaan at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang ay iba sa conscious at sadyang pagbaba ng timbang. Ang mga taong may type 1 na diabetes ay maaari ding makakuha ng maraming benepisyo sa pagbaba ng timbang. Ngunit importante na ito ay ginagawa nang unti-unti, sa tamang paraan at hahantong tamang hangganan.
Key Takeaways
Para sa mga diabetic, ang pagbabawas ng timbang ay nagbibigay ng maraming benepisyo. Nakakatulong ito sa kanila na pamahalaan ang kanilang kondisyon nang mas mahusay. At binabawasan din ang posibilidad ng mga komplikasyon na nauugnay sa diabetes. Sa ilang mga kaso, maaari pa nitong bawasan ang kanilang pag-asa sa maintenance na gamot sa kabuuan.
Gayunpaman, kung ang pagpayat ng diabetic ay nangyayari nang biglaan, at kung ito ay isang malaking halaga, maaaring hindi ito isang magandang bagay. Kung nangyari ito, maaaring ito ay isang senyales ng isang tiyak na problema sa kalusugan. At ito ay nangangailangan ng pagbisita sa iyong doktor sa lalong madaling panahon.
Matuto pa tungkol sa Komplikasyon sa Diabetes dito.