Maraming mga taong may diabetes ang maaaring may iba pang mga komplikasyon na dulot ng mataas na blood sugar levels. Ano ang mga posibleng paggamot sa diabetic neuropathy na pwede mong gawin upang mabawasan ang nerve pain? Alamin dito.
Ano ang Diabetic Neuropathy?
Ang diabetes ay maaaring magdulot ng diabetic neuropathy na isang uri ng nerve damage na nakakaapekto sa kalahati ng lahat ng mga diabetic. Posibleng magdulot ng pinsala sa nerves sa buong katawan ang mataas na blood sugar levels. Gayumpaman, ito ay pangunahing nakakaapekto sa mga ugat sa iyong mga binti at paa.
Ang ilang mga sintomas ay maaaring may kasamang pananakit at pamamanhid sa mga binti at paa. Kadalasan, maaari rin itong humantong sa iba pang mga problema sa mga sumusunod:
Ang iba pang mga bahagi na maaaring kasangkot ay depende sa mga apektadong nerves. Gayundin, ang mga palatandaan at sintomas ay maaaring mag-iba depende sa uri ng diabetic neuropathy.
Ilan sa mga karaniwang uri ay:
- Peripheral neuropathy
- Autonomic neuropathy
- Proximal neuropathy
- Focal neuropathy
Maaaring ito ay mild at kayang tiisin, pero sa mga iba pa ay maaaring napakasakit at nakakapagpahina kapag nangyari. Ngunit ang patuloy na pamamahala ng blood sugar levels at malusog na lifestyle ay ilan sa mga epektibong paggamot sa diabetic neuropathy. Maaari rin nitong pigilan o pabagalin ang ang pagpapatuloy ng komplikasyong ito ng diabetes.
Paano ang pag-diagnose sa diabetic neuropathy
Katulad ng anumang iba pang kondisyon, ang maagang pagsusuri ay maaaring magbigay sa pasyente ng epektibong paggamot sa diabetic neuropathy at management plan.
Magsasagawa ang doktor ng pisikal na pagsusuri ay masusing pagsusuri ng medical history. Susuriin ka ng iyong doktor para sa mga sumusunod:
- Pangkalahatang muscle strength at tone
- Tendon reflexes
- Touch, vibration, at temperature sensitivity
Bukod sa komprehensibong pagsusuri, ang iyong doktor ay maaari ring magpagawa ng serye ng mga pagsusuri. Ang ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng:
- Filament test
- Sensory testing
- Nerve conduction testing
- Muscle response testing
- Autonomic testing
Ang mga karagdagang mga test na maaaring ipagawa ay:
- Ultrasound upang masuri kung gaano kahusay gumagana ang mga bahagi ng urinary tract.
- Electromyography upang suriin kung paano tumutugon ang muscles sa mga electrical impulses.
- Mga biopsy sa balat upang masuri ang cutaneous nerve integration.
- Histopathological na pagsusuri ng nerve at muscle biopsy.
Ang mga ito ay maaaring makatulong sa doktor sa pag-alis ng iba pang mga sanhi at pagtukoy sa ugat ng problema.
Ano ang Mga Paggamot sa Diabetic Neuropathy?
Wala pa ring alam na lunas para sa diabetic neuropathy hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamahusay na paraan upang pamahalaan ang komplikasyong ito ay sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga lebel ng blood sugar, blood pressure, at kolesterol.
Ang mabuting pagkontrol sa asukal ay maaaring magpagaan ng ilan sa iyong mga sintomas. Tutukuyin ng iyong doktor ang pinakamahusay na target range para sa iyo depende sa pamantayan gaya ng:
- Edad
- Pagsisimula ng diabetes
- Pangkalahatang kalusugan
Ang American Diabetes Association ay nagmumungkahi ng mga sumusunod na target na antas ng asukal sa dugo para sa karamihan ng mga diabetic:
- Bago kumain, ito ay dapat nasa pagitan ng 80 at 130 mg/dL, o 4.4 at 7.2 millimoles kada litro (mmol/L).
- Dalawang oras pagkatapos kumain, dapat itong mas mababa sa 180 mg/dL (10.0 mmol/L).
Higit pa rito, maraming mga resetang gamot na magagamit para sa diabetic nerve pain, ngunit maaaring hindi ito gumana para sa lahat. Pinakamainam na komunsulta sa iyong doktor tungkol sa mga benepisyo at potensyal na epekto ng anumang gamot. Maaaring kabilang sa mga inireresetang pain reliever ang mga anti-seizure na gamot at antidepressant. Maaaring makatulong ang mga topical cream sa mga problema sa paa na may kaugnayan sa diabetes.
Bukod pa rito, nakakatulong din ang ilan sa mga sumusunod na therapy at paggamot:
- Transcutaneous electrical nerve stimulation (TENS) therapy
- Hipnosis
- Pagsasanay sa pagpapahinga
- Pagsasanay sa biofeedback
- Acupuncture
Bukod sa mga nabanggit, maaari mo ring gawin ang mga sumusunod upang maiwasan at/o pamahalaan ang diabetic neuropathy:
- Magkaroon ng regular na pisikal na gawain
- Iwasan ang pag-inom ng alkohol
- Tumigil sa paninigarilyo
- Uminom ng mga gamot na inireseta ng doktor
- Sundin ang healthy diabetes meal plan
Key Takeaways
Layunin ng diabetic neuropathy treatment na mapawi ang pananakit at pabagalin ang pagpapatuloy ng sakit. Bukod pa rito, makatutulong din ito sa pamamahala ng mga komplikasyon upang maibalik ang mga function ng mga apektadong bahagi.
Ang matatanggap mong paggamot at pamamahala ay depende sa mga sintomas at tindi ng nerve damage.
Matuto pa tungkol sa Mga Komplikasyon sa Diabetes dito.
[embed-health-tool-bmr]