backup og meta

Mababang sugar level o hypoglycemia: Lahat ng dapat mong malaman

Mababang sugar level o hypoglycemia: Lahat ng dapat mong malaman

Ang blood glucose levels ay ang dami ng glucose na nasa daluyan ng dugo ng isang tao. Glucose ang tawag sa pangunahing uri ng ng asukal sa dugo na responsable sa pagkakaroon ng enerhiya at maaaring magbago depende sa iyong lifestyle. Pero ano ang mangyayari kapag may mababang sugar level

high sugar level symptoms

Kilala rin bilang low blood sugar, ang hypoglycemia ay nangyayari kapag ang glucose levels ay bumaba sa normal healthy range na 70 milligrams bawat deciliter (mg/dl). Ang blood sugar levels ay nag-iiba depende sa edad at oras. Pinakamahusay na magpatingin sa iyong doktor para sa personal healthy blood sugar range mo. At kung ano ang masyadong mababa para sa iyo.  

Kapag hindi naagapan ang mababang sugar level, maaring maging delikado, kaya pinakamahusay ang hypoglycemia treatment. Ito ay kapag nakita mo ang mga unang senyales ng mababang blood sugar o kapag nasuri gamit ang glucose meter. 

Paano Nagkakaroon ng Hypoglycemia?

Ang hypoglycemia ay karaniwan sa mga taong may type 1 diabetes at pwedeng mangyari sa mga taong may type 2 diabetes na nagti-take ng insulin o ilang partikular na gamot. Ang taong may type 1 na diabetes ay maaaring dumaan sa hypoglycemia mga dalawang beses sa isang linggo. Pero ang bilang ay malamang na tumaas kung bibilangin ang mga episode na walang mga sintomas.

Bagama’t karaniwan ito sa mga diabetic, pwedeng mangyari ang hypoglycemia o mababang sugar level kahit na sa mga taong walang diabetes. Hindi karaniwan, pero ito ay nangyayari sa mga hindi stable ang sugar levels at may imbalance sa lifestyle.

In short, ang kondisyong ito ay maaaring sanhi ng iba’t ibang mga kadahilanan kabilang ang diabetes, ilang mga gamot para sa diabetes, eating disorders, pagtaas alcohol intake at pagbubuntis. Ang hypoglycemia ay maaari ding sanhi ng organ failure, partikular sa atay, bato, o puso.

Bakit Ito Nakakasama sa mga Diabetic?

Ang mababang sugar level ay maaaring maging side effect ng insulin o iba pang uri ng mga gamot na ginagamit pang tulong sa mga tao na makagawa ng mas maraming insulin sa katawan. Ang mga sulfonylurea at meglitinides ay mga uri ng gamot na mas malaki ang chance ng pagbaba ng blood sugar levels o makapagdulot ng hypoglycemia. Maaari mong tanungin ang iyong doktor kung ang gamot mo sa diabetes ay posibleng magdulot ng hypoglycemia. 

Gayunpaman, ang ibang uri ng mga gamot sa diabetes tulad ng insulin ay hindi direktang nagdudulot ng pagbaba ng glucose. Maaari nilang pataasin ang chances ng hypoglycemia.

Bawat tao’y may iba’t ibang reaksyon sa mababang sugar level, kaya kailangang maging pamilyar ka sa mga palatandaan at sintomas mo. Kabilang ang mga sumusunod sa indicators ng hypoglycemia:

  • Pakiramdam ng biglaang nerbiyos
  • Pagpapawis o malalamig na balat 
  • Pagkairita 
  • Mabilis na tibok ng puso 
  • Pananakit ng ulo 
  • Pakiramdam ng pagkahilo o pagduwal
  • Pagkagutom 
  • Ang balat ay namumutla 
  • Pagkawala ng enerhiya
  • Biglang pangingilig sa mga labi o pisngi

Kapag lumala ang hypoglycemia, maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Malabong paningin 
  • Mga problema sa koordinasyon at hindi makapag-concentrate
  • Mga bangungot o pag-iyak habang natutulog
  • Seizures

Ang tanging siguradong paraan para malaman kung may low blood sugar ay suriin ang iyong blood sugar, kung maaari. Bagama’t kung ang isang tao ay madalas na nakakaranas ng mga hypoglycemic episodes, maaari silang tumigil sa pagpapakita ng mga sintomas. Ang tawag dito ay hypoglycemia unawareness. 

Ano ang mga risk factors?

May mas malaking chance na magkaroon ng hypoglycemia o mababang sugar level ang mga taong: 

  • nagti-take ng insulin o insulin shots
  • gumagamit ng oral na gamot para sa diabetes, tulad ng sulfonylureas
  • may liver failure o kidney failure
  • pagkakaroon ng diabetes sa mahabang panahon
  • hindi nakakaranas ng mga sintomas ng hypoglycemic (hypoglycemia unawareness)
  • umiinom ng maraming gamot
  • may mga kapansanan na maaaring pumigil sa mas mabilis na pagtugon sa lowered blood sugar
  • nadagdagan ang pag-inom ng alak

Ano ang Mga Posibleng Komplikasyon? 

Dahil sa hindi alam na mga sintomas o pag-ayaw sa mabilis na hypoglycemia treatment ito ay maaaring deadly o fatal.  

Ang utak ay palaging nangangailangan ng glucose para gumana, kaya ang pagkakaroon ng mababang sugar level ay maaaring maging sanhi ng:

  • Seizures 
  • Fainting or pagkawala ng malay
  • Kamatayan

Tandaan na dapat pamilyar ka sa iyong early symptoms. Maaaring pataasin ng hypoglycemia ang tindi ng panganib, kung hindi, maaaring nakamamatay. 

Anong Gagawin Kung Mababa ang Blood Sugar? 

Narito ang mga paraan para maging handa at harapin ang mababang sugar level:

I-monitor at gamutin ng maaga ang blood sugar. I-monitor at mag-check ng blood sugar nang madalas para magamot ito agad kapag lumabas ang mga sintomas. Kung matagal ka nang nagkakaroon ng hypoglycemia, maaaring hindi mo mapansin ang mga sintomas nito hanggang sa maging malala ito. Ang maingat na pagsubaybay ay titiyakin na ang iyong glucose levels ay nasa inirerekomendang hanay ng target ng iyong doktor.  Maaari magbigay ang iyong doctor ng schedule ng pagmomonitor ng iyong blood sugar.  

Huwag kailanman ipagpaliban ang pagkain. Kailangan mong maging consistent sa iyong kinakain at sa oras ng pagkain, lalo na kapag nagti-take ng insulin o iba pang uri ng gamot para sa diabetes.  

Uminom ng gamot sa oras. Uminom ng gamot na inireseta ng iyong doktor kung umiinom ka ng gamot sa diabetes.

Ayusin ang iyong pagkain ayon sa iyong mga pisikal na aktibidad. Ang pagbabalanse kung gaano karami ang na-consume sa uri at haba ng iyong mga aktibidad ay makakatulong sa pagbabawas ng dalas ng hypoglycemia. 

Kumain habang umiinom ng alak. Ang pag-inom ng alak ay maaaring magdulot ng pagkaantala ng mga oras ng hypoglycemia, na ginagawang mas kailangan ang pagmo-monitor ng blood sugar.

I-record ang blood sugar levels mo. Makakatulong ito hindi lamang sa iyong sarili. Ngunit pati na rin sa iyong doktor na matukoy ang mga pattern na nagdudulot ng hypoglycemic episodes. At makahanap ng mga paraan na maiwasan ang mga ito.

Paano Gamutin ang Hypoglycemia

Kung paulit ulit na ang pagkababa ng iyong sugar, dapat ipaalam sa iyong doctor para pwede nila i-adjust o palitan ang iyong mga gamot. Kung mayroong mga posibleng sintomas, narito ang mga posibleng paraan ng paggamot sa mababang sugar level:

Kumain o uminom ng konting fast-acting carbohydrates. Ito ay matamis na pagkain na mabilis na nagiging sa asukal sa katawan. Kabilang dito ang mga glucose tablet, fruit juice, honey, at matamis na kendi.  

Suriin muli ang blood sugar levels 15 minuto pagkatapos ng treatment. Kung ang blood sugar ay mababa pa rin sa iyong target range, kumain o uminom ng mas maraming matamis na pagkain. Pagkatapos ay suriin muli ang iyong blood sugar levels pagkatapos ng 15 minuto. Ulitin ito hanggang ang iyong blood sugar level ay bumalik sa dati nitong target range.

Magmeryenda o kumain. Kapag bumalik na ito sa normal, kumain ng makakatulong sa pag-stabilize at palitan ang sugar sa katawan.

Para sa matinding hypoglycemia, maaaring kailanganin mo ang isang tao na tutulong sa iyong maka-recover o kumuha ng glucagon injection mula sa isang glucagon kit. Kapag walang magagamit na glucagon kit, tumawag para sa emergency medical assistance.

Key Takeaways

Ang hypoglycemia ay isang kondisyon na karaniwan sa mga diabetic na, maging mild o severe, ay hindi dapat balewalain. Kapag lumabas ang early signs ng mababang sugar level, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa isang healthcare professional para sa diagnosis at treatment. Kapag hindi naagapan, maaari itong mauwi sa pagkapagod, pagkahimatay, o kamatayan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Low Blood Glucose (Hypoglycemia)

https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/preventing-problems/low-blood-glucose-hypoglycemia#what

March 22, 2021

Hypoglycemia

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hypoglycemia/diagnosis-treatment/drc-20373689

March 22, 2021

 

Hypoglycemia (Low Blood sugar)

https://www.diabetes.org/healthy-living/medication-treatments/blood-glucose-testing-and-control/hypoglycemia

March 22, 2021

 

Diabetes: Dealing With Low Blood Sugar From Insulin

https://www.uofmhealth.org/health-library/aa20431

March 22, 2021

 

Hypoglycemia Without Diabetes

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322744#symptoms

March 22, 2021

 

Diabetic hypoglycemia

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetic-hypoglycemia/symptoms-causes/syc-20371525

March 22, 2021

 

Normal blood glucose levels

https://www.singlecare.com/blog/normal-blood-glucose-levels/

March 22, 2021

 

 

 

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mangyayari Kapag Hindi Makontrol Ang Iyong Blood Sugar?

Paggamot sa Diabetic Neuropathy: Paano Mo Gagamutin ang Pananakit ng Nerve?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement