backup og meta

Ano Ang Diabetic Neuropathy, At Gumagaling Pa Ba Ito?

Ano Ang Diabetic Neuropathy, At Gumagaling Pa Ba Ito?

Ang diabetes ay isang karamdaman na nakaaapekto sa maraming major organs at systems sa katawan. Sa partikular, ang mga komplikasyon na mula sa diabetes ay maaaring magresulta sa nerve damage. Sa katunayan, ang diabetes ay kilala bilang isa sa nangungunang dahilan ng nerve damage sa buong mundo. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na diabetic neuropathy.

Ano Ang Diabetic Neuropathy?

Maaaring seryosong makaapekto sa buhay ng isang tao ang Diabetic neuropathy, ito ang rason kaya’t may mga pangkaraniwang tanong na “Gumagaling ba pa ang diabetic neuropathy?”

Bago tayo tumungo riyan, subukan muna nating unawain ano nga ba ang diabetic neuropathy, at ang epektong dulot nito sa katawan.

Ang diabetic neuropathy ay kondisyon na nakaaapekto sa nerves ng isang tao. Ito ay pangkaraniwan ngunit seyosong komplikasyon ng diabetes. At ang ibang forms nito ay nakaaapekto sa 50% ng diabetics. Ang parehong type 1 at type 2 diabetes ay maaaring maging dahilan ng diabetic neuropathy.

Ang nerve damage na sanhi ng diabetes ay maaaring maikategorya sa tatlo:

  1. Autonomic neuropathy o ang mga nerve na nagkokontrol sa autonomic nervous system ay apektado. Ang autonomic nervous system ay nagkokontrol ng mga kilos, tulad ng pagtibok ng puso, paghinga, at iba pa.
  2. Motor neuropathy ay nakaaapekto sa kilos ng mga muscle, tulad ng nasa mga braso o mga binti.
  3. Sensory neuropathy ay nakaaapekto sa pandama ng isang tao, at kung paano nila nararamdaman ang temperatura. Kadalasang naaapektuhan ang mga braso at binti ng isang tao.

Sa paglipas ng panahon, ang mga sintomas ng diabetic neuropathy ay maaring lumala, at ang tao ay maaaring makaranas ng mga kombinasyon ng types na nasa itaas. Kaya’t mahalaga na magsimula na ng mga hakbang nang maaga upang maiwasan ang mga ito.

diabetic neuropathy

Bakit Nangyayari Ang Diabetic Neuropathy?

Naniniwala na ang diabetic neuropathy ay nangyayari bilang resulta ng mataas na lebel ng sugar sa dugo. Kung patuloy na expose sa mataas na blood sugar ang nerve, maaaring mapinsala ang mga nerve.

Ang triglycerides, na uri ng fat, ay iniuugnay rin sa nerve damage. Karaniwang senyales ng type 2 diabetes ang pagkaroon ng mataas na lebel ng triglycerides sa dugo.

Ang dyslipidemia, na pagtaas ng plasma cholesterol, triglycerides, o pareho, ay malapit na iniuugnay rin sa pagkakaroon ng diabetic neuropathy.

Ang mga sanhing ito ay maaaring lumala kung ang diabetic ay hindi nakontrol ang kondisyon nang maayos. Ito ang rason kung bakit ang mga tao na hindi nakokontrol ang lebel ng sugar sa kanilang dugo ay mas maaaring magkaroon ng diabetic neuropathy.

Ang pagkakaroon ng mataas na blood pressure at pinsala sa liver ay maaaring humantong sa nerve damage. Gayunpaman, ang mga kondisyon na ito ay hindi agad sanhi ng diabetes. Hindi rin uncommon na magkaroon ng dagdag na problemang pangkalusugan ang mga diabetic.

Ano Ang Mga Sintomas Ng Diabetic Neuropathy?

Ang mga pangunahing sintomas ng diabetic neuropathy ay ang mga sumusunod:

  • Manhid na pakiramdam
  • Tingling sensation sa mga kamay at paa
  • Sakit na hindi maipaliwanag

Habang ang nerve damage ay lumalala, ang pasyente ay maaaring makaranas ng mga sumusunod na sintomas:

  • Panghihina ng mga muscle o limbs
  • Pagkahilo, pagsusuka, at hindi natutunawan ng pagkain
  • Constipation
  • Hindi mapigil ang pag-ihi at iba pang mga problema sa urinary
  • Impotence o erectile dysfunction sa kalalakihan
  • Pagpapawis nang sobra kahit na hindi mainit
  • Pagkaparalisa o hindi magalaw ang mga tiyak na parte ng katawan
  • Twitching, cramps, o pulikat
  • Pagkawala ng koordinasyon
  • Mabilis na pagbawas ng timbang
  • Pakiramdam na ikaw ay nakasuot ng mga medyas o gloves kahit na hindi naman
  • Kawalan ng pakiramdam sa sakit, pandama, pressure at temperatura

Ang mga kombinasyon na ito sa isang diabetic ay maaaring ipakahulugan na ang pasyente ay nakararanas ng sakit mula sa diabetic neuropathy.

Paano Ito Nadi-Diagnose?

Upang masuri ang diabetic neuropathy, titignan ng doktor ang iyong medical history at magsasagawa ng physical exam. Ito ay makatutulong upang makakuha sila ng ideya tungkol sa kasalukuyang estado ng iyong kalusugan, at kung mayroong mga gamot na iniinom sa mga sintomas. May mga tiyak na gamot at ang pagkakaroon ng exposure sa mga tiyak na substance ay maaaring maging sanhi ng nerve damage.

Sunod, ang neurologic exam ay isasagawa upang masuri ang iyong reflexes, coordination, balance, maging ang lakas ng iyong muscle. Ang iyong kakayahan maramdaman ang init at lamig ay susuriin din.

Minsan, ang blood test ay kinakailangan din. Ito ay nakatutulong makita kung mayroong mga kakulangan sa iyong dugo, o kung may mga problema na maaaring makaapekto sa iyong nervous system.

Kung nakumpirma nang mayroon kang neuropathy, ang pag-aaral sa kondisyon ng nerve o needle electromyography ay maaari ring isagawa upang malaman kung nasaan ang nerve damage, at ang lawak ng pinsala. Ang mga test na ito ay masusuri ang electrical activity ng iyong mga muscle at maaaring masukat ang response ng mga nerve upang malaman kung gaano ka kalusog.

Paano Ito Ginagamot?

Sa usapang gamutan, ang unang bagay na dapat mairekomenda ay ang pagkokontrol ng blood sugar. Kung laging nasa normal range ang iyong blood sugar, mas mababa ang banta ng nerve damage.

Maaari ring irekomenda ang pagpapalit ng diet, pag-eehersisyo, at ang mga tiyak na tipo ng mga gamot upang pahupain at pabagalin ang sintomas ng nerve damage.

Para sa mga pasyenteng may diabetic, mahalaga na regular na magpakonsulta sa iyong doktor at mabantayan ang iyong kondisyon. Ang pagsasawalang bahala sa iyong mga sintomas at hindi agarang gamutan ay maaaring humantong sa mas malalang komplikasyon na makaaapekto sa pag-function ng katawan.

Gumagaling Ba Ang Diabetic Neuropathy?

Gumagaling ba ang may sakit na diabetic neuropathy? Sa kabila ng lahat, magandang malaman na ang pasyenteng nakaranas ng malalang nerve damage ay maaring mabuhay muli nang normal.

Gayunpaman, ayon sa mga eksperto, ang diabetic neuropathy ay hindi na gumagaling. Ang pinakamainam na maitutulong ng mga doktor ay pabagalin ang progreso ng sakit at maiwasan ang mas malalang karamdaman.

Ang mga tiyak na gamot ay maaaring makatulong sa sintomas. Ngunit, ang paglunas ng diabetic neuropathy ay hindi na mangyayari.

Mahalagang Tandaan

Laging tignan ang iyong blood sugar. Mahalaga sa mga diabetic na maging maingat sa kanilang diet at laging i-monitor ang lebel ng blood sugar kada araw. Makatutulong ito magbigay ng ideya sa kasalukuyang estado ng kanilang kalusugan, at kung kinakailangan pa nilang mas magkontrol ng kanilang blood sugar.

Sa maayos na pagkontrol ng diabetes, at pagsasagawa ng mga gawain sa pagiging malusog, ang mga diabetic ay maaaring mabuhay nang maayos at matagal.

Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diabetic Neuropathy – Types, Causes, Symptoms & Prevention, https://www.diabetes.co.uk/diabetes-complications/diabetes-neuropathy.html, Accessed June 30 2020

Steps to Prevent or Delay Nerve Damage | ADA, https://www.diabetes.org/diabetes/complications/neuropathy/steps-prevent-or-delay-nerve-damage, Accessed June 30 2020

Diabetic Neuropathy | NIDDK, https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/preventing-problems/nerve-damage-diabetic-neuropathies, Accessed June 30 2020

Diabetic neuropathy – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetic-neuropathy/symptoms-causes/syc-20371580, Accessed June 30 2020

Neuropathy (Peripheral Neuropathy), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14737-neuropathy, Accessed June 30 2020

Neuropathy (Peripheral Neuropathy) Diagnosis and Tests | Cleveland Clinic, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14737-neuropathy/diagnosis-and-tests, Accessed June 30 2020

Hyperlipidemia: A New Therapeutic Target for Diabetic Neuropathy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4239691/, Accessed May 17, 2021

Kasalukuyang Version

12/21/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Epekto ng Diabetes sa Mata, Ano Nga Ba?

Sintomas Ng Diabetic Ulcer: Heto Ang Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement