backup og meta

Di Inaasahang Side Effects Ng Diabetes, Anu-Ano Nga Ba?

Di Inaasahang Side Effects Ng Diabetes, Anu-Ano Nga Ba?

Isang seryosong kondisyon ang diabetes na nagdadala ng mga problema sa kung paano ginagawang energy ng katawan ang pagkain. Para sa mga nahihirapan sa diabetes, may malawak na epekto ito sa kanilang kalusugan. Simula pagkapagod hanggang sa mga kondisyon na lumalabas sa paglipas ng panahon tulad ng sakit sa puso. Alam nating lahat na maaaring magdulot ng pabago-bagong pagtaas at pagbaba ng sugar levels ang diabetes. Ngunit may higit pa sa kondisyong ito. Narito ang di inaasahang side effects ng diabetes;

Anim Na Di Inaasahang Side Effects Ng Diabetes

1. Vision Impairment

Ang diabetic retinopathy ang isa sa pinakakaraniwan sa 6 na di inaasahang side effects ng diabetes. Sa kondisyong ito, nagdudulot ng pinsala sa retina ang mataas na blood sugar levels, kung saan ito ang light-sensitive layer ng mata na nagpapadala ng signal sa utak para sa paningin.

Sa mga diabetic na may mataas na blood sugar levels, maaaring mamaga at magkatagas ang blood vessels sa retina. Maaari din mapigilan ang pagdaloy ng dugo dahil sa mga apektadong blood vessels. At natatanggal nito ang sustansya na kinakailangan ng retina para gumana ito. May mga pagkakataon din kung saan sa retina mismo nagkakaroon ng abnormal blood vessels.

Karaniwang nakakaapekto sa parehong mga mata ang diabetic retinopathy. Kasama sa mga sintomas nito ang:

  • Nakakakita ng maraming floaters
  • Malabo o madilim na mga spot sa paningin
  • Night blindness
  • Nakakakita ng mga kulay na makulimlim

2. Nerve Damage

Kapag hindi nakontrol nang maayos ang blood sugar levels, sa paglipas ng panahon, ilalagay ka nito sa panganib mula sa isa o higit pa sa 6 na di inaasahang side effects ng diabetes.

Maaaring mauwi sa pinsala sa ibang bahagi ng katawan ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar o at mababang pagdaloy ng dugo sa sistema ng katawan. Maaari itong magresulta sa nerve cell damage sa mga taong may diabetes, na tinatawag na diabetic neuropathy.

Kadalasang nangyayari ang diabetic neuropathy sa ugat ng mga daliri sa paa, paa at binti. At kung hindi babantayan ng taong may diabetes ang kanyang blood sugar levels nang maayos, sa paglipas ng panahon, maaari itong mapunta sa pinsala din sa kanyang mga kamay at daliri.

Kabilang sa mga sintomas ng diabetic neuropathy ang:

  • Tingling sensation
  • Burning sensation
  • Sobrang masakit na pakiramdam
  • Pamamanhid
  • Mahina ang paghahawak

Posible para sa diabetic neuropathy na makaapekto sa nerves na kumokontrol din sa digestion At kung mangyari ito, maaaring maging mas mahirap pangasiwaan ang diabetes. Nakita ng mga doktor na kung dumaranas ang isang tao ng matinding nerve damage sa kanilang mga paa o binti, maaari din silang dumaranas ng nerve damage sa gut.

3. Sakit Sa Bato

Parehong nauugnay sa diabetic nephropathy ang type 2 diabetes at type 1 na diabetes. Isa sa mga di inaasahang side effects ng diabetes. Tinatawag ding diabetic kidney disease ang kondisyong ito at nauuri bilang isang malubhang komplikasyon sa bato.

Nahihirapang mag-alis ng mga dumi at sobrang fluid mula sa katawan ang taong may diabetic nephropathy.

Dahil nagtatrabaho ang mga bato nang mas matindi para makabawi sa hindi paggana ng capillaries, hindi nagsasanhi ng sintomas ang diabetic kidney disease hanggang sa wala na ang halos lahat ng function ng bato. Bukod pa rito, walang tiyak na mga sintomas ang sakit sa bato.

Fluid buildup ang karaniwang unang senyales ng sakit sa bato. Kabilang sa iba pang mga sintomas sa sakit sa bato ang:

  • Pagkawala ng tulog
  • Pagduduwal
  • Pagkapagod
  • Mahinang gana sa pagkain
  • Problema sa pag-focus

Kung nakatanggap nang maagang treatment ang isang pasyente, posibleng maiwasan o mapabagal ang paglala ng diabetic nephropathy at mabawasan ang mga komplikasyon nito.

4. Problema sa balat

Isa pa sa di inaasahang side effects ng diabetes ang mga problema sa balat tulad ng paltos at patches.

Diabetic Dermopathy

Diabetic dermopathy ang nagdudulot ng light-brown o mapula-pula, hugis-itlog o bilog, at naka-indent na scaly patches. Kadalasang nangyayari ang mga patch na ito sa shins, binti at paa. Kilala rin ang kondisyong ito bilang shin spot o pigmented pretibial patches.

Mas maaaring magkaroon ng mga lesions na ito ang mga pasyenteng may diabetes mellitus kaysa sa iba, na maaaring lumitaw pagkatapos ng pinsala o trauma.

Diabetic Bullae

Ang diabetes bullae, o bullosis diabeticorum, ang mga non-inflammatory blisters sa paa at kamay ng mga pasyenteng may diabetes.

Para sa mga hindi nakakaalam na mayroon silang diabetes, ang diabetic bullae ang natatanging tagapagpahiwatig ng kondisyon.

di inaasahang side effects ng diabetes

Diabetic Stiff Skin

Sa mga pasyenteng may long-term type 1 na diabetes maaaring magkaroon ng diabetic cheiroarthropathy (o stiff skin na nauugnay sa diabetes). Kapag nangyari ang kondisyong ito, maaaring maramdaman ng pasyente na restricted ang kanilang mga kasukasuan. Nagreresulta ito sa matigas, makapal, waxy at naninilaw na balat.

5. Sakit Sa Puso

Ang pagkakaroon ng stroke o atake sa puso ang isa sa mga di inaasahang side effects ng diabetes na maaaring mangyari sa paglipas ng panahon, lalo na kung hindi pinangangasiwaan nang maayos ang blood sugar levels.

Pinapataas ng diabetes ang panganib ng isang tao mula sa atake sa puso o stroke dahil nauugnay sa diabetes ang high blood pressure at high cholesterol. Kapag nagkaroon ng high blood pressure, maaaring makapinsala sa mga artery walls ang puwersa ng dugo sa arteries. Konektado sa nerve damage, maaari ding makapinsala ang nerve damage sa mga ugat ng puso. Bilang resulta, mas posibleng magkaroon ng heart failure ang mga diabetic.

Isang seryosong kondisyon ang diabetes; kaya naman mahalaga ang early diagnosis at treatment upang mapabagal o matigil ang paglala ng sakit sa puso.

6. Gum Disease

Nagbabago ang blood vessels bilang resulta ng diabetes, at maaaring makaapekto ang mga pagbabagong ito maging sa iyong mga gilagid. Maaaring limitahan ng makapal na mga daluyan ng dugo ang suplay ng mga sustansya at ang pag-alis ng dumi. Ang paghina ng daloy ng dugo na ito ang maaaring makapagpahina ng mga gilagid at buto, na nagiging sanhi sa mga pasyenteng may diabetes na madaling kapitan ng gum disease.

Kapag hindi nakontrol nang mabuti ang diabetes, maaari din makita ang mataas na glucose (blood sugar) sa mga mouth fluid. Nahihikayat nito ang pag dami ng mga nakapipinsalang bakterya.

Kasama ng hindi magandang oral hygiene, ang mga salik na ito na nauugnay sa diabetes ang maaaring magresulta sa periodontitis — isang impeksyon sa gilagid na isa rin sa mga di inaasahang side effects ng diabetes. Nakakaapekto ang impeksyong ito sa mga tissue at buto na nagpapanatili sa mga ngipin sa kanilang lugar. Kapag hindi ginagamot, maaaring maging sanhi ng pagtaas ng blood sugar ang periodontal disease. Nagpapahirap din ito na mapanatiling kontrolado ang diabetes.

Key Takeaways

Alam nating lahat na maaaring magdulot ng abnormal na pagtaas at pagbaba ng blood sugar levels ang diabetes. Sa sarili pa lamang nito, marami na agad itong masasamang epekto sa iyong kalusugan. Ngunit bukod sa irregular sugar levels, maaari ding magdulot ng iba pang sakit ang diabetes. Kabilang sa mga hindi inaasahang epekto ng diabetes ang vision impairment, nerve damage, sakit sa bato, problema sa bata, sakit sa puso, at gum/oral disease.

Matuto pa tungkol sa diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Skin problems associated with diabetes mellitus, https://dermnetnz.org/topics/skin-problems-associated-with-diabetes-mellitus/, Accessed July 14, 2021

Diabetes and Your Heart, https://www.cdc.gov/diabetes/library/features/diabetes-and-heart.html, Accessed July 14, 2021

Diabetes, Heart Disease, & Stroke, https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/preventing-problems/heart-disease-stroke, Accessed July 14, 2021

Diabetes and Gum (Periodontal) Disease, https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/d/diabetes-and-gum-periodontal-disease.html, Accessed July 14, 2021

Diabetes and Your Smile, https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/d/diabetes, Accessed July 14, 2021

Kidney Disease (Nephropathy), https://www.diabetes.org/diabetes/complications/kidney-disease-nephropathy, Accessed July 14, 2021

Diabetic nephropathy, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetic-nephropathy/symptoms-causes/syc-20354556, Accessed July 14, 2021

Diabetes – A Major Risk Factor for Kidney Disease, https://www.kidney.org/atoz/content/diabetes, Accessed July 14, 2021

Diabetes and nerve damage, https://medlineplus.gov/ency/article/000693.htm, Accessed July 14, 2021

Diabetic retinopathy, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetic-retinopathy/symptoms-causes/syc-20371611, Accessed July 14, 2021

What Is Diabetic Retinopathy? https://www.aao.org/eye-health/diseases/what-is-diabetic-retinopathy, Accessed July 14, 2021

Diabetic retinopathy, https://www.aoa.org/healthy-eyes/eye-and-vision-conditions/diabetic-retinopathy?sso=y, Accessed July 14, 2021

Kasalukuyang Version

07/01/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mangyayari Kapag Hindi Makontrol Ang Iyong Blood Sugar?

Paggamot sa Diabetic Neuropathy: Paano Mo Gagamutin ang Pananakit ng Nerve?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement