Maraming tao ang dumaranas ng diabetes, ngunit bukod sa kondisyong ito, maaari rin itong mauwi sa iba pang komplikasyon. Kabilang sa mga ito ang epekto nito sa paningin ng isang tao. Magbasa pa para malaman kung ano ang diabetic retinopathy.
Diabetic Retinopathy
Gaya ng tawag dito, ang diabetic retinopathy ay isang kondisyon ng mata dahil sa diabetes. Ang komplikasyon na ito ay nagpapahina sa mga daluyan ng dugo sa retina (manipis na layer ng tissue na sensitibo sa liwanag sa likod ng iyong mga mata).
Karamihan sa mga tao ay walang sintomas ng diabetic retinopathy sa mga unang yugto. Maaaring hindi mo mapansin ang anumang pagbabago sa paningin hanggang sa lumala ang kondisyon. Maaaring lumitaw at mawala ang mga sintomas para sa ilang tao. Ang ilan sa mga kapansin-pansing sintomas kung ano ang diabetic retinopathy ay kinabibilangan ng:
- Eye floaters (maliit na dark spot o streaks sa paningin)
- Malabo ang paningin
- Pananakit o pamumula sa mata
- Night blindness
- Hirap sa pagbabasa o pagtingin sa mga bagay mula sa malayo
- Unti-unting lumalalang paningin
- Biglang pagkawala ng paningin
Ang diabetic retinopathy ay malamang na madevelop habang ang diabetes ay nagpapatuloy sa paglipas ng panahon.
Kapag may mataas na blood sugar level sa loob ng mahabang panahon, ang fluid ay maaaring maipon sa lens sa loob ng mata, na siyang nagkokontrol ng pag focus. Binabago nito ang kurbada ng lens, na nagreresulta sa mga pagbabago sa paningin. Pero, kapag ang blood sugar levels ay kontrolado, ang lens ay karaniwang babalik sa orihinal nitong hugis. Kaya napapabuti ang iyong paningin. Ang mga may mas mahusay na kontrol sa kanilang blood glucose levels ay magkakaroon ng mas mabagal na simula at pag-unlad ng kondisyon ng mata.
Mga Uri ng Diabetic Retinopathy
Katulad ng iba pang sakit, ang diabetic retinopathy ay mayroon ding ilang partikular na uri.
Nonproliferative diabetic retinopathy (NPDR)
Ang uri na ito ay tumutukoy sa maagang stage ng sakit kung saan namamaga at nagle-leak ang mga daluyan ng dugo. Maaari itong lumabas bilang isang fluid, pagdurugo, o lipid sa retina. Sa katagalan, ang mga blood vessels ay nagsasara, na nagreresulta sa ischemia, o mababang daloy daloy ng dugo. Sa ilang mga kaso, maaari rin itong humantong sa macular edema (retinal swelling), na maaaring humantong sa mild vision loss.
Proliferative diabetic retinopathy (PDR)
Habang nag-a-advance ang sakit, ang abnormal na mga daluyan ng dugo ay may posibilidad na madevelop na isang reaksyon sa ischemia. Ang mga vessel na ito ay maaaring pumutok at tumagas sa clear watery gel, na pumupuno sa mata. Kaya, nagreresulta sa matinding pagkawala ng paningin.
Ang isang taong may ganitong kondisyon ay maaari ding magkaroon ng iba pang malubhang kondisyon sa mata tulad ng diabetic macular edema at neovascular glaucoma.
Stages ng Diabetic Retinopathy
Ang diabetic retinopathy ay isang kondisyon ng mata na maaaring mag-manifest sa iba’t ibang stage habang ito ay nagpapatuloy. Maaaring magsagawa ng ilang mga test ang iyong doktor sa mata na may kumpletong health history at eye exam para masuri ito. Ang visual acuity test ay isang pangkaraniwang eye chart test ng mata na sumusukat sa kakayahan ng central vision sa iba’t ibang distansya.
Stage 1: Background Retinopathy
Sa stage na ito, may mga maliliit na bulge (microaneurysms) na nabuo sa mga daluyan ng dugo ng retina. Ito ay nagbibigay-daan sa maliit na dami ng dugo na mag-leak, na karaniwan sa mga taong may diabetes.
Sa stage na ito:
- Nananatiling maayos ang paningin at hindi pa rin naaapektuhan. Gayunpaman, mas malamang na magkaroon ka ng mga problema sa paningin sa hinaharap.
- Walang kinakailangang treatment na dapat gawin, ngunit dapat kang mag-ingat para hindi lumala ang problema.
- Maaaring lumala nang husto ang paningin kapag naapektuhan ang parehong mga mata.
Stage 2: Pre-proliferative Retinopathy
Ang ikalawang yugto ay naglalagay sa iyong mga mata, lalo na sa retina, sa malala at malawakang pagbabago. Maaaring magdugo ang retina.
Sa stage na ito:
- Malaki ang posibilidad na maapektuhan ang iyong paningin sa hinaharap.
- Maaaring kailanganin mo ng mas madalas na mga appointment sa screening tuwing 3, 6, 9, o 12 buwan upang masubaybayan ang paglala ng kondisyon.
Stage 3: Proliferative Retinopathy
Sa pag-abot sa ikatlong stage, may pagbubuo ng mga bagong blood vessels at scar tissues sa retina. Kaya, nagiging sanhi ng napakalaking pagdurugo na maaaring humantong sa retinal detachment. Ito ay isang kondisyon kung saan ang retina ay nahihila mula sa likod ng mata.
Sa stage na ito:
- Malaki ang posibilidad na mawalan ka ng paningin.
- Kailangan mo na ng tulong ng mga treatmentpara mapanatili ang iyong paningin hangga’t maaari. Gayunpaman, hindi nito maibabalik ang iyong dating paningin.
Diabetic Maculopathy
May mga pagkakataon kung saan ang mga blood vessel sa gitnang bahagi ng retina (macula) ay maaaring maging leaky o barado.
Kung matuklasan ito ng doktor sa iyong mga mata:
- Malaki ang posibilidad na maapektuhan ng masama ang iyong paningin sa hinaharap.
- Maaaring kailanganin mo ring sumailalim sa ilang mas madalas na espesyal na pagsusuri para i-monitor ang iyong mga mata.
- Maaaring talakayin ng iyong doktor ang lahat ng posibleng opsyon sa paggamot para maiwasan ang paglala ng kondisyon.
Paggamot para sa Diabetic Retinopathy
Ang treatment para sa diabetic retinopathy ay nag-iiba ayon sa kalubhaan ng sakit. Ang ilan ay maaaring mangailangan ng laser surgery para ma-seal ang mga nagle-leak na mga blood vessel o para maiwasan ang pagtagas ng ibang mga blood vessel. Ngunit ang mga may advanced na uri ay maaaring mangailangan ng higit pa sa dalawang karaniwang treatment na ito. Maaari silang sumailalim sa operasyon, tulad ng vitrectomy, para alisin at palitan ang vitreous, gel-like fluid sa retina. Maaari ding kailanganin ng operasyon sa mata ang isang retinal detachment.
Kung mayroon kang diabetes, maaaring mabawasan o pabagalin ang paglala ng diabetic retinopathy sa pamamagitan ng paggawa ng mga sumusunod:
- Pag-inom ng iyong iniresetang gamot
- Pagpapanatili ng iyong diet
- Regular na pag-eehersisyo
- Pagma-manage ng mataas na presyon ng dugo
- Pag-iwas sa alak at paninigarilyo
Key Takeaways
Ang pagkakaroon ng diabetic eye exam kahit isang beses sa isang taon at pagsunod sa pagma-manage ng diabetes ay mga kapaki-pakinabang na hakbang para maiwasan ang mga bagay-bagay.