backup og meta

Gamot Sa Diabetes: Ano Ang Karaniwang Nirereseta Ng Doktor?

Gamot Sa Diabetes: Ano Ang Karaniwang Nirereseta Ng Doktor?

Ang diabetes mellitus (DM) ay isa sa mga laganap ngunit naiiwasang sakit hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo. Habang may mga tiyak na genetic na component, ang salik sa pamumuhay ay malaki ang gampanin sa pag-usbong nito. Ang pagturok ng insulin ay karaniwang maiuugnay sa diabetes, ngunit sa katunayan, hindi lahat ng diabetics ay gumagamit nito. Ano ang gamot sa diabetes?

Ano Ang Gamot Sa Diabetes Para Sa Type 1 DM?

Ang type 1 diabetes ay kilala noon sa tawag na “insulin-dependent” at “juvenile” diabetes. Ito ay sa kadahilanan na ang type 1 DM ay tipikal na makikita sa mga bata at teenagers. Ang terminong ito ay hindi na ginagamit dahil maaari ring maapektuhan nito ang matatanda. Ang hindi nagbabago ay ang katotohanan na ang mga taong may type 1 DM ay kailangan ng insulin.

Kung ikaw ay diagnosed ng type 1 diabetes, kinakailangan mong resetahan ng insulin. Noon, ang insulin ay tinatanggal mula sa pancreas ng mga hayop. Ngayon, ang insulin ay ligtas na ginagawa sa labs gamit ang E. coli. Maraming mga uri ng insulin na magagamit, depende sa kanilang simula o oras na kinakailangang bumisa ito.

Rapid-Acting At Short-Acting Insulin

Ang mga ganitong uri ng insulin ay nagiging mas mabilis bumisa ngunit sa maiksing oras lamang. Ito ay ideal na kinokunsumo bago kumain upang maiwasan ang pagtaas ng blood sugar matapos ang pagkain (post-prandial). Habang ang rapid at short-acting insulin ay may parehong simula ng oras, ang kanilang hangganan ng bisa ay magkaiba.

Ang rapid-acting insulin ay nagiging mabisa matapos ang ilang mga minuto, umaabot sa 1-3 mga oras, at ang epekto nito ay tatagal ng hanggang sa 5 mga oras. Halimbawa ng rapid-acting insulin ay kabilang ang gluisine, lispro, at aspart.

Sa kabilang banda, ang short-acting insulin ay nagsisimulang maging mabisa sa loob ng 30 minuto, umaabot ito ng 3 mga oras, at nagpapatuloy na maging mabisa ng 4 hanggang 12 na oras. Ang ilan ay tumatagal ng 24 na oras. Ang short-acting insulin ay regular na insulin

Intermediate-Acting Insulin

Habang inaalam ang mga gamot sa diabetes, maaari kang makakita ng terminong NPH insulin. Ang ibig sabihin nito ay neutral protamine Hagedorn na naglalaman ng buffers upang mapatagal ang oras ng bisa ng insulin. Ang NPH insulin ay nagsisimulang maging mabisa sa loob ng 1 hanggang 2 mga oras, umaabot ito hanggang 4 hanggang 12 mga oras, at nagiging mabisa ng 14 hanggang 15 mga oras.

Habang ang shorter-acting insulin ay nagkokontrol ng pagtaas ng blood sugar gamit ang kinokunsumong pagkain, ang intermediate-acting insulin ay mabisa upang mapanatili ang blood sugar habang nasa fasting. Isa pang katawagan para rito ay basil insulin. Ito ay mainam na insulin na iturok bago matulog at sa pagitan ng pagkain.

Dahil sa sangkap nito, ang solution ay kadalasang malabo sa halip na malinaw.

Long-Acting At Ultra-Long Acting Insulin

Ang NPH insulin ay hindi lamang ang tanging pagpipilian para sa basal insulin. Mabisa rin upang panatilihin ang baseline sa lebel ng blood sugar habang nasa fasting at pagtulog ang long-acting at ultra long-acting na insulin. Ang dalawa sa malaking pagkakaiba ng longer-acting insulin sa intermediate at short-acting insulins ay wala silang inaabot na bisa ng oras at maaaring magtagal ng isang araw o mas marami pa.

Ang benepisyo nito ay malabong makaranas ng hypoglycemia. Karagdagan, ang pagkakaroon ng bisa sa 24 na oras (long-acting) at higit sa 24 na oras (ultra long-acting) ay hindi kinakailangan ang madalas na pagturok.

Ang long-acting na mga insulin ay kinabibilangan ng glargine at detemir, habang ang ultra long-acting insulin ay kinabibilangan ng glargine U-300 (units) at degludec U-100 at U-200.

Premixed

Para sa convenience, ang ilan sa mga insulin ay pinagsama upang mabawasan ang bilang ng turok kada araw. Karagdagan, ikaw ay hindi gaanong makalilimot na magturok sa oras.

Ang compatible na insulin ay maaaring paghaluin sa iisang syringe o maaaring bilhin na premixed. Ang mga premixed pens o cartridges ay kadalasang mayroong rapid-acting at intermediate-acting insulin. Parehong insulin ay magiging mabisa tulad ng paraan na maituturok sila na magkahiwalay. Tanungin ang doktor tungkol sa paghahalo at premixed na insulin bago subukan sa sarili.

Paalala:

Ang bawat uri ng insulin ay mayroong kakaibang benepisyo at kinakailangang may reseta upang maging swak sa kinakailangan ng pasyente. Isa rin ito sa mga rason bakit hindi dapat na ibahagi ang insulin sa ibang tao, kahit na pareho silang diabetic.

Ano Ang Gamot Sa Diabetes Para Sa Type 2 DM?

Ngayong nalaman mo na ang tungkol sa insulin, ang pangunahing gamot sa type 1 DM, panahon na upang malaman ang mga gamot sa diabetes ng type 2 DM.  Mapapansin mo na maraming mga pagpipilian at paraan upang malunasan ang type 2 diabetes. Ang insulin kadalasan ay ginagamit, ngunit hindi sa pangkalahatan, hindi ito nirereseta maliban kung hindi nagiging mabisa ang ibang lunas.

Metformin

Kahit na hindi mo pa alam ang mga mas bagong gamot sa diabetes, ang metformin ay classic at kilalang gamot. Ito ang unang gamot para sa diabetes at prediabetes kasama ng diet at modipikasyon sa pamumuhay.

Ang mga benepisyo ng metformin ay:

  • Abot-kaya
  • Nagpapabuti ng insulin sensitivity
  • Maaaring makabawas ng timbang
  • Pagpapababa ng blood sugar
  • Mas mababang banta ng hypoglycemia (mababang blood sugar)

Gayunpaman, tulad ng lahat ng mga gamot, ito ay mayroon pa ring side effects. Ang pinaka kapansin-pansin ay gastro-intestinal upset, metallic taste, pagkahilo, pagtatae at sensitivity reactions. Ang mga ito ay kadalasang mawawala matapos ang masanay sa pagturok ng insulin. Kalimitan ang pagkonsumo ng maraming metformin ay maaaring maging sanhi ng lactic acidosis na kinakailangan ng pagpapa-ospital. Hindi dapat na maibigay ito sa mga pasyenteng may tiyak na kondisyon sa puso, sakit sa atay, o alcoholism.

Sulfonylureas

Ang sunod sa listahan ay ang sulfonylureas. Ito ay kinabibilangan ng gamot tulad ng glimepiride, glipizide, at glyburide.

Nagiging mabisa ito sa pag-stimulate at paglalabas ng insulin mula sa pancreas at pagpapabuti ng insulin sensitivity. Tulad ng metformin, ang mga gamot na ito ay abot-kaya. Maaaring kasama ito sa reseta ng metformin. Kapansin-pansing side effects nito ay ang pagdagdag ng timbang, rash, at pagbaba ng blood sugar.

Meglitinides

Ang nateglinide at repaglinide ay ang dalawang gamot na uri nito. Nagiging mabisa ito sa pamamagitan ng mabilis na pag-stimulate ng pag-release ng insulin. Kung aalamin ang iyong diabetes na gamot, mahalaga ring malaman ang dapat iwasan habang kinokunsumo ito. Huwag uminom ng alak habang gumagamit ng meglitinides dahil tataas ang banta ng pagkahilo at pagsusuka.

Thiazolidinediones

Ang mga gamot sa kategoryang ito ay rosiglitazone at pioglitazone. Ang mga ganitong gamot ay nagpapabuti ng sensitivity ng insulin at nagbabawas ng pag-release ng glucose (sugar) mula sa atay. Kung mayroon ka ring mga problema sa iyong cholesterol, ang mga gamot na ito ay makatutulong magpataas ng HDL o good cholesterol.

Ang mga side effects ay pagdagdag ng timbang, problema sa puso, secondary osteoporosis, at ang pagtaas ng banta ng cancer sa bladder.

Alpha-Glucosidase Inhibitors

Ngayon, oras na upang malaman ang gamot sa diabetes na kakaiba ang ginagawa. Hindi tulad ng mga nabanggit na gamot, ang alpha-glucosidase inhibitors ay pumipigil sa breakdown ng tiyak na carbohydrates (sugar at starches). Sa pagsasagawa nito, mayroong kaunting glucose sa dugo. Ang mga dugo sa uring ito ay acarbose at miglitol.

Kumpara sa ibang mga gamot sa diabetes, ang pagdagdag sa timbang at hypoglycemia ay hindi mga karaniwang side effects kung ikokonsumo ng walang kasama. Gayunpaman, gastro-intestinal distress, bloating, at pagtatae ay ang mga posibleng side effects nito.

SGLT2 Inhibitors

Ang canagliflozin, dapagliflozin, at empagliflozin ay ang kasama sa uri nito. Hindi mo aasahan na ang mga bato ay may gampanin na magkontrol ng blood sugar, sila ang gagawa nito. Ang mga gamot na ito ay nagiging mabisa sa pagharang ng mga transporter sa kidney upang pigilan sila mula sa muling pag-absorb ng glucose. Para sa mga may hypertension ang SGLT2 inhibitors ay nakatutulong upang mas mapababa ang presyon ng dugo at pigilan ang pagdagdag ng timbang. 

Ang mga side effects mula rito ay may relasyon sa urinary tract infections at yeast infections dulot ng pagtaas ng sugar na dumadaan sa ihi.

Key Takeaways

Bilang buod, kapag alam mo kung ano ang gamot sa diabetes, mauunawaan mong mas mabuti ang nireseta ng iyong doktor. Karagdagan, ang insulin at iba pang oral diabetes na gamot ay mas mabisa kasama ng tamang diet at regular na ehersisyo.
Sa ngayon, wala pang lunas o himalang gamot para sa type 2 diabetes, ngunit ang mga gamot na ito ay tiyak na makatutulong. Makipag-ugnayan sa iyong doktor o pharmacist kung may mga katanungan tungkol sa kasalukuyang gamot sa diabetes.

Alamin ang maraming impormasyon tungkol sa Diabetes dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Types of Insulin, https://www.cdc.gov/diabetes/basics/type-1-types-of-insulin.html, Accessed June 17, 2021

Types of Insulin, https://www.uofmhealth.org/health-library/aa122570, Accessed June 17, 2021

NPH Insulin, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK549860/, Accessed June 17, 2021

The History of a Wonderful Thing We Call Insulin, https://www.diabetes.org/blog/history-wonderful-thing-we-call-insulin, Accessed June 17, 2021

Diabetes treatment: Medications for type 2 diabetes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-2-diabetes/in-depth/diabetes-treatment/art-20051004, Accessed June 17, 2021

Type 2 Diabetes Mellitus: ACP Releases Updated Recommendations for Oral Pharmacologic Treatment, https://www.aafp.org/afp/2017/1001/p472.html, Accessed June 17, 2021

Type 2 diabetes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-2-diabetes/diagnosis-treatment/drc-20351199, Accessed June 17, 2021

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Kontrolin Ang Diabetes? Heto Ang Palaging Tandaan

Gamot sa Type 1 Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Gawin


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement