Kapag may diabetes ang isang tao, nahihirapan ang katawan niyang i-regulate ang blood glucose levels. Karaniwan, pinamamahalaan ng endocrine system ang complex interplay ng blood glucose at hormones tulad ng insulin, na nagpapababa ng blood glucose at ng glucagon upang tiyaking nakukuha mo ang energy na kailangan. Ngunit ano ang endocrine system? Ano ang ginagampanan nito sa diabetes? At ano ang iba pang endocrine system disorders na kailangan mong malaman?
Ang Pancreas at Diabetes
Nasa sentro ng diabetes ang pancreas, dahil ito ang organ na gumagawa ng insulin. Ang mga Islets of Langerhans ay mga kumpol ng cells na matatagpuan sa pancreas na may ganitong ginagampanan. Ginagawa ang insulin sa beta cells ng Islets of Langerhans. Samantala, ang alpha cells ng Islets of Langerhans ay gumagawa ng glucagon.
Matatagpuan sa abdomen ang pancreas, sa likod ng stomach. Karamihan din sa pancreatic cells ay gumagawa ng digestive enzymes na inilalabas ng pancreas sa gut. Mahalaga ang enzymes na ito sa digestion at pagtunaw ng pagkain.
Hindi gumagawa ng sapat na insulin ang katawang may type 1 diabetes. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang bahagi ng gamutan para sa type 1 diabetes ang insulin injection upang makontrol ang blood glucose levels.
Sa kabilang banda, hindi naman kayang mag-respond nang mabuti ng katawang may type 2 diabetes sa insulin. Maaari itong magresulta sa mas mataas sa normal na blood sugar levels.
Ano Ang Endocrine System?
Ang endocrine system ang responsable sa pag-regulate ng marami sa mga proseso ng katawan. Lubhang komplikadong network ng mga hormone ang endocrine system na kinokontrol ng mga gland ng endocrine na nakakalat sa buong katawan. Higit pa sa diabetes, ang endocrine system na hindi gumagana nang maayos ay maaaring magresulta sa ilang mga kondisyon.
Ilang mga glandulang bahagi ng endocrine system.
- Pancreas – kumokontrol sa blood glucose levels
- Adrenal gland – nagpapataas ng blood glucose levels at nagpapabilis ng heart rate
- Thyroid gland – tumutulong sa pagkontrol sa metabolismo
- Pituitary gland – para sa pagpapabilis ng paglaki
- Pineal gland – para sa pag-regulate ng sleep patterns
- Ovaries – nagsusulong ng development ng female sex characteristics
- Testes – nagsusulong ng development ng male sex characteristics
Dapat na mag-ugnayan sa isa’t isa ang iba’t ibang bahagi ng katawan upang gumana ito nang maayos. Dalawang pangunahing sistema ang tumutulong sa ugnayan ng prosesong ito: ang nervous system at ang endocrine system.
Ano Ang Ginagawa ng Hormones?
Ang specialized cells ay responsable sa paggawa ng hormones. Ito ang mga cell na naglalabas ng hormones sa extracellular fluids. Nagdadala ang dugo ng hormones sa target na lugar sa katawan, at ang mga hormones na ito ang kumokontrol sa activity ng iba pang cells.
Ang protina, peptides, at amines ay amino acid-based hormones. Gawa sa cholesterol ang hormones na steroids. Samantala, ang highly active lipids ang bumubuo sa prostaglandin.
Responsable sa ilang aksyon ang hormones sa endocrine system. Nagdudulot sila ng mga pagbabago sa permeability o ng electrical state. Nagdudulot din ito ng synthesis ng mga protina tulad ng mga enzymes.
Ang mga hormone ang nagpapasimula ng activation o inactivation ng enzymes. Nagdudulot din ang hormones ng stimulation ng mitosis.
Endocrine System Disorders
Natural lang na mapansin ang ilang mga bagay na may kaugnayan sa endocrine system sa iyong pagtanda. Bumabagal ang metabolismo. Maaari itong magresulta sa pagbigat ng timbang kahit hindi nagbago ang paraan ng iyong pagkain at pag-eehersisyo. Bahagyang ipinaliliwanag ng hormonal shifts kung bakit puwede kang magkaroon ng sakit sa puso, osteoporosis, o maging ng type 2 diabetes habang tumatanda ka.
Iba pang endocrine system disorders na maaaring mangyari sa pagtanda.
- Acromegaly – kapag gumawa ng sobrang growth hormone ang pituitary gland, maaaring lumaki pa ang iyong mga buto. Puwedeng maapektuhan ng kondisyong ito ang iyong mga kamay, paa, mukha, at puwede itong magsimulang mangyari sa pagsapit ng middle age.
- Adrenal insufficiency – kapag hindi nakagawa ng sapat na cortisol ang adrenal glands na kumokontrol sa stress, ito ay maaaring dahil hindi nakagagawa ng sapat na hormones ang adrenal glands.
- Hyperthyroidism – Nangyayari ito kapag ang thyroid gland ay gumagawa ng mas maraming hormones na higit pa sa kailangan ng iyong katawan. Puwede nitong pabilisin nang sobra ang iyong system, na nagreresulta sa nervousness, labis na pagbawas ng timbang, mabilis na tibok ng puso, at problema sa pagtulog.
- Hypothyroidism – Kabaliktaran ito ng naunang disorder. Nangyayari ito kapag hindi nakagagawa ng sapat na thyroid hormones. Nagdudulot ito sa iyo ng pakiramdam na pagod, labis na pagtaas ng timbang, mabagal na tibok ng puso, at pagkakaroon ng masasakit ng kalamnan at kasukasuan.
- Hypopituitarism – isa itong kondisyon kung saan ang pituitary gland ay hindi gumagawa ng sapat na hormones. May masama itong epekto sa adrenal at thyroid glands.
- Multiple endocrine neoplasia – kondisyon ito na resulta ng grupo ng disorders na nakaaapekto sa endocrine system. Nagdudulot ito ng tumors sa hindi bababa sa dalawang endocrine glands o sa iba pang organs at tissues.
Key Takeaways
Nangyayari ang diabetes dahil sa hindi paggana ng endocrine system nang maayos. Bagaman totoo ito, kinabibilangan ito ng mga pangunahing problema sa pancreas, na bahagi ng endocrine system.
Mahalaga ang endocrine system dahil ito ang nag-re-regulate sa ilang proseso ng katawan. Maraming glands ay bahagi nito, na gumagawa ng hormones upang kontrolin ang activities ng iba pang cells. Sa pagtanda ng tao, nakokompromiso ang ilang bahagi ng kanilang endocrine system. Ang mga endocrine system disorders na ito ay maaaring resulta halimbawa sa pagbagal ng metabolismo, pagtaas ng timbang, pagbabago sa hormones, at ng glands na hindi gumagana nang maayos tulad ng dati.
Upang matuto pa tungkol sa diabetes, pindutin ito.