Ang cervical cancer ang pinaka karaniwang uri ng cancer na nararanasan ng mga Filipina. Dahil dito, dapat matutunan ng mga babae kung paano bantayan ang mga early warning signs. Sa kaso ng cervical cancer, dalawa sa early symptoms ay abnormal vaginal discharge at pagdurugo. Ano ang sintomas ng cervical cancer discharge at kailan senyales ng cancer ang pagdurugo?
Ang Cervical Cancer
Ang cancer sa cervix ay isang uri ng cancer na nagsisimula sa cervix. Ito ang ibabang bahagi ng sinapupunan (uterus) na bumubukas sa itaas na bahagi ng ari. Bagama’t ang mga impeksyon ng Human Papillomavirus (HPV) ay kadalasang nagdudulot ng cancer sa cervix, mayroon ding iba pang risk factors:
- Paninigarilyo
- Paggamit ng mga contraceptive
- Pagkakaroon ng maraming kapareha sa pakikipagtalik
- History ng sexually transmitted infections
- Pagkakaroon ng maraming anak
- Organ transplant
- Pagiging positibo sa HIV
Binibigyang-diin ng mga eksperto na ang cancer sa cervix ay hindi karaniwan sa mga younger women. Ang mga kaso ay kadalasang nakakaapekto sa middle-aged patients na 35 taong gulang pataas.
Sintomas ng Cervical Cancer
Katulad ng karamihan sa mga cancer, ang cervical cancer ay hindi nagpapakita ng mga senyales at sintomas hangga’t sa late stage nito. Pero mayroong warning signs.
Ayon sa payo ng karamihan sa mga doktor, hindi dapat balewalain ng mga babae ang mga sintomas na ito. Dahil mahalaga ang mga ito sa maagang pagtuklas – isang mahalagang factor sa matagumpay na paggamot.
Ang ilan sa mga maagang sintomas ng cervical cancer ay pananakit habang nakikipagtalik. Kasama din ang kawalan ng gana sa pagkain na maaaring mauwi sa pagbaba ng timbang, at pananakit ng binti o ibabang likod.
Ngunit marahil, ang pinakamahirap sa mga unang sintomas ay ang abnormal na vaginal discharge at pagdurugo.
Ito ay dahil habang ang iba pang mga sintomas ay diretso at madaling matukoy, ang abnormal na pagdurugo at discharge ay mahirap “sukatin.” Dahil ito ay pangkaraniwang pangyayari at maaaring mapagkamalang ibang kondisyon.
Gayunpaman, ang pagkakaroon ng hindi pangkaraniwang pagdurugo o mabahong discharge ay isa sa mga sintomas ng cervical cancer.
Ano ang itsura ng Cervical Cancer Discharge?
Ngayong alam na natin ang tungkol sa cervical cancer discharge at abnormal bleeding bilang sintomas ng cancer, ituloy natin ang talakayan. Kailan sintomas ng cervical cancer ang vaginal bleeding?
Narito ang mga bagay na kailangan mong suriin:
Kulay
Ang una mong clue ay ang kulay. Tandaan na normal na magkaroon ng malinaw o malagkit na puting discharge sa ari na WALANG masamang amoy o pangangati. Ang pagkakapare-pareho ay maaaring mag-iba depende sa mga sitwasyon.
Halimbawa, ang malinaw at mucoid discharge ay karaniwan sa kalahati ng cycle ng isang babae. Ngunit maaaring maging mas makapal depende sa mga pisikal na aktibidad. Kung ang discharge ay nababanat, maaaring senyales ito ng obulasyon, na normal at healthy din.
Narito ang iba pang mga dapat tingnan:
- Kung ang discharge ay puti, tanungin ang sarili kung ang discharge ay lumabas bago o pagkatapos ng iyong menstrual cycle. Kung ito ay nakita isang linggo o dalawa bago ang regla, ito ay ganap na okay at hindi dapat ipag-alala.
- Pero, kung ang puti hanggang madilaw na discharge ay sinamahan ng discomfort o pangangati, maaaring ito ay isang senyales ng impeksyon. Maaaring kabilang sa mga sanhi ang mga impeksyon sa HPV, yeast infections, o bacterial vaginosis. Ang abnormal na chalk-white vaginal discharge, na nauugnay sa matinding pruritus at burning sensation, ay malamang na Candidiasis. Ang vaginal discharge sa Candidiasis ay kadalasang mukhang “cottage cheese consistency.”
- Kung ang vaginal discharge ay may mga brown streak, normal pa rin ito hangga’t nangyayari ito pagtatapos ng iyong regla o isang araw o dalawa bago ang regla.
- Gayunpaman, kung ang brownish watery discharge ay nangyayari sa pagitan ng mga menstrual cycle o kahit na kapag menopause na, ito ay hindi normal.
- Ano ang hitsura ng cervical cancer discharge? Ang ilang mga eksperto ay nagsasabi na ito ay mukhang dark red spots paminsan-minsan. Kung mapapansin mo ang brownish discharge sa pagitan ng regla, humingi ng medikal na payo.
Panghuli, kahit na hindi ka makakita ng brown discharge, ngunit mapansin na ang kulay nito ay dilaw o berde, kumunsulta din sa iyong doktor.
Ang dilaw at berdeng discharge ay hindi normal at dapat na maging dahilan ng pag-aalala.
Amoy
Ang susunod na parameter na dapat tingnan ay ang amoy ng vaginal discharge.
Ayon sa mga eksperto, habang ang discharge ng ari ng babae ay maaaring walang amoy, maaari din itong may amoy paminsan-minsan.
Ito ay lalo na sa discharge na humahalo sa dugo ng menstruation, pawis, o ihi.
Kaya, ito sa pangkalahatan ay hindi isang dahilan para ma-alarma. Gayunpaman, kailangan pa ring subaybayan ang amoy ng vaginal discharge mo.
Ayon sa mga ulat, sa cervical cancer, ang ilang mga cell ay maaaring kulang sa oxygen at namamatay. Maaari itong magdulot ng impeksyon sa tumor at lumikha ng mabahong discharge na katulad ng lumang dugo o nabubulok na isda.
Kaya, kung mapapansin mo ang isang mabahong discharge kasama ng iba pang mga sintomas tulad ng abnormal na kulay, humingi kaagad ng medikal na payo.
Siyempre, bukod sa mabahong discharge, dapat ding maalarma sa discharge na malansa o mala-beer na amoy. Dahil maaari itong pahiwatig ng pagkakaroon ng mga impeksyon.
Daloy
Panghuli, suriin ang daloy ng discharge. Ang paglabas ng vaginal discharge na hindi tumitigil ay maaaring sintomas ng cervical cancer. Kadalasan, ito ay ang matubig na mucus na may kasamang mabahong amoy. Maaaring ito ay maputla, brown, o may halong dugo.
Kailan Abnormal ang Pagdurugo?
Pagkatapos matukoy ang posibilidad ng cervical cancer discharge, oras na para alamin kung ang abnormal na pagdurugo ay isang senyales ng cancer.
Kailan itinuturing na “abnormal” ang pagdurugo? Sinasabi ng mga doktor na ito ay kapag mayroon kang:
- Light bleeding o spotting ng dugo sa pagitan ng buwanang regla
- Pagdurugo pagkatapos ng penetrative sex
- Menstrual period na mas malakas kaysa normal
- Menstrual period na mas mahaba kaysa normal
- Pagdurugo pagkatapos ng menopause
- Pagdurugo pagkatapos ng pelvic exams
Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga ganitong uri ng abnormal na pagdurugo, magpa-check-up sa iyong doktor para sa karagdagang pagsusuri sa sintomas ng cervical cancer.
Key Takeaways
Matapos matukoy na maaari talagang magkaroon ng cervical cancer discharge at ang abnormal na pagdurugo ay maaaring sintomas ng cervical cancer, pag-usapan natin ang pinakamahalagang hakbang: pagkonsulta sa iyong doktor.
Bagama’t bihira na ang abnormal discharge ay nagpapahiwatig ng cancer, ang paghingi ng medikal na payo ay kinakailangan pa rin. Sa sandaling pumunta ka sa doktor, maghandang sagutin ang ilang mga tanong na may kinalaman sa iyong sexual health.
Bigyan ng oras ang paglalarawan ng iyong mga sintomas at makinig mabuti kung kailangan ng mga screening tests tulad ng Pap smear at HPV testing.