Ano ang iba’t ibang uri ng cancer treatment?
Ang mga uri ng cancer treatment ay magkakaiba sa bawat pasyente. May mga pasyenteng isa lamang ang kailangang treatment. May iba namang nangangailangan ng kombinasyon nito.
Bakit Isinasagawa Ang Cancer Treatment?
Inaasahang magagamot ng cancer treatment ang iyong cancer. Gayunpaman, ang layunin ng treatment ay puwedeng magkaiba-iba depende sa iyong kaso. Maaaring gamitin ang cancer treatments bilang:
Ginagawa ang primary treatment upang lubusang patayin ang mga cancer cells o tanggalin ang lahat ng cancer.
Ginagawa ang adjuvant treatment upang patayin ang mga natitirang cancer cell matapos gawin ang primary treatment.
Ang mga ganitong uri ng cancer treatment ay tumutulong na pawiin ang mga sintomas ng cancer o side effects ng treatment.
Ano Ang Iba’t Ibang Uri Ng Cancer Treatment?
Surgery
Ang napakakaraniwang paraan ng paggamot sa cancer ay sa pamamagitan ng surgery. Ginagawa ito upang tanggalin ang bahaging nasa katawan upang gamutin o suriin ang cancer.
Puwede kang magpa-surgery upang tanggalin ang ilang tissues sa katawan para maiwasan ang pagkalat ng cancer. Maaari ding isagawa ng doktor ang surgery upang tanggalin ang isang bahagi o lahat ng tumor upang suriin kung cancerous ito o hindi. Nakatutulong din ito sa doktor na malaman kung gaano ka-advanced ang cancer (madalas tawaging staging).
Maaari din itong gawin bilang primary treatment. Kung hindi pa kumakalat ang cancer at ito ay localized, maaari nitong magamot ang iyong cancer.
Sa ibang mga kaso, maaari lamang bawasan ng surgery ang laki ng tumor upang makagawa ng iba pang uri ng cancer treatment nang mas epektibo, tulad ng radiation. Nakatutulong din ito upang mapawi ang mga side effect o mga sintomas.
Kayang tugunan ng surgery ang halos lahat ng uri ng cancer. Gayunpaman, nakadepende pa rin ito sa kung gaano na kalala ng iyong kaso at kung gaano na ito kadelikado.
Maaaring open o minimally invasive ang iyong surgery. Gumagamit ang surgeon ng isang malaking hiwa upang isagawa ang operasyon. Habang iilang maliliit na hiwa ang gagawin para sa minimally invasive surgery.
Maraming uri ng cancer surgery. Kabilang sa ilang uri nito ang:
Electrosurgery
Pinapatay ng pamamaraang ito ang cancer cells gamit ang high-frequency electrical currents. Madalas itong ginagamit sa balat at sa bibig.
Laparoscopic Surgery
Upang maiwasan ang malalaking hiwa, gagamit ang doktor ng laparoscope upang masilip ang loob ng katawan. Gagawa ng maliliit na hiwa ang doktor, saka gagamit ng laparoscope at iba pang kagamitan sa pag-oopera upang makita ang nasa loob ng katawan.
Madalas ginagawa ito sa pagpawi ng mga sintomas, treatment, at pagsusuri ng cancer. Isa itong minimally invasive surgery.
Cryosurgery
Gagamit ang doktor ng napakalamig na mga kagamitan gaya ng malamig na probe o liquid nitrogen spray upang i-freeze, saka sisirain ang mga cancer cell o potensiyal na mga cancerous cell. Halimbawa, kaya nitong sirain ang mga irregular cell sa cervix na maaaring magdulot ng cervical cancer.
Kabilang sa mga posibleng side effects ng surgery ang pagsakit ng bahagi ng katawan, pagdurugo, impeksyon, pamumuo ng dugo, hindi paggana ng organ, at iba pa. Iba-iba ang mga side effect at panganib sa bawat surgery at sa bawat kaso.
Radiation Therapy
Gumagamit ang uri ng cancer treatment na ito ng matinding energy beams upang sirain ang cancer cells. Kadalasan itong gumagamit ng x-rays. Bagaman maaari ding gumamit ng protons.
Iba-ibang uri ng cancer ang kayang tugunan ng magkakaibang uri ng radiation therapy. Halimbawa, madalas na ginagawa ang brachytherapy para sa mga cancer sa mata, prostate, ulo at leeg, cervix, at suso.
Inaasahang agad na tatalab sa cancer ang treatment. Gayunpaman, maaaring mangailangan ng mahabang panahon o maaaring hindi mag-respond ang cancer sa radiation therapy.
Maaari kang makaranas agad ng mga side effect. Puwede ring hindi ka makakita ng mga side effect matapos dumaan ang ilang buwan mula nang magsimula ang iyong treatment. Iba-iba ang side effects depende sa bahagi ng katawang binibigyan ng treatment. Kabilang sa karaniwang side effects ang:
- Pagkalagas ng buhok
- Pagkapagod
- Pagtatae
- Pagsusuka
- Pagduduwal
- Pagkatuyo ng bibig
Chemotherapy
Sa mga uri ng cancer treatment, ang chemotherapy ang pinakakilala.
Isa itong drug treatment kung saan pinapatay ng malalakas na kemikal ang mabilis lumaking mga cell. May ilang mga taong gumagamit lamang ng chemotherapy bilang treatment, o gumamit nito kasama ng iba pang treatments.
Kayang gamutin ng chemotherapy ang maraming uri ng cancer at maraming uri ng chemotherapeutic drugs. Kaya ring pawiin ng chemotherapy ang mga sintomas ng cancer at ihanda ang iyong katawan sa iba pang uri ng treatment.
Ang uri ng chemotherapy na iyong makukuha ay nakadepende sa iyong kaso. May iba’t ibang formulations ng gamot para sa iyo, tulad ng pills, cream, infusions, at iba pa.
Isang epektibong paraan ng paggamot sa maraming uri ng cancer ang chemotherapy. Gayunpaman, mayroon itong mga side effects na maaaring mild. Ngunit mayroon ding puwedeng mauwi sa mas seryosong komplikasyon.
Kabilang sa mga side effect ang mabilis magkapasa, pagsusuka, pagduduwal, pagkalagas ng buhok, masakit na bahagi ng katawan, at iba pa. Kabilang sa mga side effect na matagal bago lumitaw at pangmatagalan ay mga problema sa bato, pagkabaog, panganib ng pagkakaroon ng pangalawang cancer, at iba pa.
Stem Cell Transplant
Madalas na ginagawa ang stem cell transplants sa mga taong nakatanggap na noon ng ilang anyo ng treatment. Nakatutulong itong maibalik ang blood-forming stem cells dahil malaki ang nababawas nito mula sa mataas na radiation o chemotherapy.
Pakataandaang hindi madalas gumagana ang treatment na ito laban sa cancer mismo. Sa halip, tinutulungan ka nitong mabawi ang kakayahang makagawa ng stem cells matapos ang treatment gamit ang napakataas na dose ng radiation therapy, chemotherapy, o pareho nito.
Gayunpaman, maaaring direktang gumana ang stem cell transplants laban sa ilang uri ng cancer, tulad ng multiple myelomas at ilang uri ng leukemia. Nangyayari ito dahil sa tinatawag na graft-versus-tumor na puwedeng mangyari matapos ang allogeneic transplants (kung saan ang stem cells ay galing sa ibang tao). Nangyayari ang graft-versus-tumor kapag ang white blood cells mula sa donor (graft) ay umatake sa kahit na anong uri ng cancer cells na nananatili iyong katawan (tumor) matapos ang mataas na dose ng treatment. Pinatataaas nito ang tagumpay ng mga treatment.
May tatlong uri ng stem cell transplants. Ito ang:
- Autologous – Ang stem cells ay manggagaling sa iyo.
- Syngeneic – Manggagaling sa kambal ang stem cells.
- Allogeneic – Manggagaling sa ibang tao ang stem cells.
Ang mataas na dose ng cancer treatment na natanggap mo bago ang stem cell transplant ay maaaring maging sanhi ng mga problema tulad ng pagdurugo, at nagpapataas ng panganib ng impeksyon. Makipag-usap sa iyong doktor o nurse tungkol sa iba pang side effect na puwede mong maranasan at kung gaano ito kaseryoso.
Key Takeaways
Tandaang ang iba’t ibang uri ng cancer treatment na binanggit sa itaas ay pangkaraniwan. Mayroon kang mga pagpipilian depende sa klase ng cancer na mayroon ka at kung gaano ito kalala.
Matuto pa tungkol sa Cancer dito.