backup og meta

Basahin: Ano ang papillary carcinoma?

Basahin: Ano ang papillary carcinoma?

Marami sa atin ay kayang ilarawan kung ano ang hitsura ng cancer — isang lumalalang kondisyon na nangangailangan ng ilang operasyon at paggamot. Kung minsan ito ay maaaring humantong sa pagkawala ng buhok. Pero hindi pare-pareho ang mga cancer. Ito ang sinabi ni Grace Diez, isang public relations writer at cancer survivor sa loob ng 11 taon, sa HelloDoctor sa isang bagong episode ng #HelloHealthHeroes. Ibinahagi niya kung ano ang pakiramdam na na-diagnose at nagamot para sa isang partikular na uri ng thyroid cancer. Nagsimula ang lahat bilang vertigo, ngunit naging simula ng papillary carcinoma. Ano ang papillary carcinoma? Basahin dito ang journey ni Grace habang nilalabanan niya ang cancer.

Ano ang Papillary Carcinoma? 

Karaniwang isang bihirang kondisyon ang thyroid cancer, ngunit ang pinakakaraniwang uri kasama sa kategoryang ito ay papillary carcinoma. Ito ay bumubuo ng halos 70-80% ng lahat ng kaso ng thyroid cancer. Ang tumor ay nabubuo mula sa mga follicular cell, na responsable sa paggawa at pag-iimbak ng mga thyroid hormone. Ang mga hormone na ito ay kumokontrol sa metabolismo ng isang tao, na nakikipagtulungan sa iba pang mga proseso sa katawan.

Maaaring makaapekto ang thyroid cancer kahit kanino sa anumang edad. Pero ito ay mas malamang sa mga babae kaysa sa mga lalaki. Genetics at radiation therapy ang dalawa sa pinakakaraniwang risk factors sa pagkakaroon ng kondisyon na ito.

Maaaring tukuyin din ng mga doktor ang ganitong uri ng cancer bilang papillary thyroid cancer o papillary thyroid carcinoma.

Paano Nagpakita ang Papillary Carcinoma Sa Kalusugan ni Grace? Paano Ito Na-diagnose?

Para sa maraming tao, ang thyroid cancer ay maaaring hindi magpakita ng anumang sintomas. Pero para kay Grace, nagsimula ito sa mga daing na spinning sensation. Nagreseta ng gamot para sa vertigo ang mga doktor, ngunit hindi siya bumuti kahit pagkatapos ng tatlong linggong gamutan. Binanggit ng kanyang doktor na ang vertigo ay hindi aktwal na uri ng sakit. Sa halip, ito ay sintomas ng ibang bagay.

Sa oras ng pagpunta ni Grace sa clinic, napansin ng kanyang pinsan ang dalawang bukol sa kanyang leeg na hindi nýa napansin. Ayon kay Grace, hindi siya nakakaranas ng anumang hirap sa pagsasalita, paghinga, o paglunok, na mga sintomas ng thyroid cancer. Iginiit ng kanyang doktor na magpa-throat ultrasound.  

Ang thyroid ultrasound ay isang diagnostic test para sa pagsusuri sa thyroid. Dito makikita ng doktor  ang laki ng thyroid, pati na rin ang iba pang partikular na katangian ng mga nodule tulad ng mga sumusunod:

Katangian ng mga nodule:

  • Dami ng nodules
  • Mga Calcification (mga deposito ng calcium)
  • Echotexture (gaano ito maliwanag o madilim sa ultrasound)
  • Mga hangganan
  • Hugis
  • Solid o fluid-filled na nodules (cystic)

Mula doon, nakumpirma ng mga doktor na dalawang nodules ang nagsisimulang mabuo sa kanyang thyroid gland. Ang sumunod na test na kailangan nýang pagdaanan ay ang fine-needle aspiration biopsy (FNAB). Tinutukoy ng test na ito kung benign o malignant ang nodule. Ang FNAB ay maaaring mag-produce ng apat na resulta:

  • Non-diagnostic
  • Benign
  • Malignant
  • Walang katiyakan

Sa kaso ni Grace, ang test ay nagpakita ng malignant result ng papillary carcinoma. Noon lang niya nalaman ang tungkol dito. Ngunit tiniyak sa kanya ng kanyang doktor, na isa ito sa “friendliest” na uri ng cancer. Hindi tulad ng iba pang uri, ang partikular na uri ng cancer na ito ay hindi agresibo. 

Ang magandang bagay tungkol sa papillary carcinoma ay mayroon itong pinakamahusay na prognosis sa anumang uri ng thyroid cancer. Kadalasan, ang mga pasyente na may ganitong uri ng cancer ay maaaring gumaling kung sila ay ginagamot nang maayos at kaagad. Sa oras ng diagnosis, humigit-kumulang 20% ng mga pasyente ay maaaring magkaroon ng mga lymph node.

Paano Ginamot si Grace para sa Papillary Carcinoma?

Nangyari ang treatment sa sandaling nakumpirma ng laboratoryo na ang mga sample ay nagpakita ng pag-develop ng cancer. Ang unang line ng paggamot, surgery — ang thyroidectomy— ay tumulong sa pagtanggal ng thyroid. Sa ganitong mga operasyon, kung mas malaki ang bukol, mas malaking bahagi ng thyroid gland ang aalisin.

Pagkatapos ng operasyon, binigyan din si Grace ng radioactive iodine therapy. Ang treatment na ito ay nangangailangan ng paglunok ng radioactive substance na maglalakbay sa daluyan ng dugo upang patayin ang natitirang cancer cells. Bukod dito, nakakatulong din ito sa pag-detect ng natitirang thyroid cancer, na nagpapahintulot sa mga doktor na makita kung may naiwan na cancer o kung ito ay bumalik sa ibang pagkakataon.

Sa radioactive iodine therapy, naging “metallic” ang lahat para kay Grace — ang lasa ng pagkain ay parang metal, at nahirapan din siyang igalaw ang buong katawan dahil parang metal din ito. Nang hanapin niya ito online, sinabi ng kanyang mga paghahanap na pagkatapos ng dalawang linggo, magiging normal muli ang mga bagay. Gayunpaman, hindi ito ang parehong kaso para sa kanya. Kaya tinanong niya ang kanyang doktor tungkol dito.

Sinabi ni Dr. Joe Ryan Agga, “Grace, iba-iba ang ang katawan ng tao, and you have to forgive yourself for not recovering quickly because ‘yung katawan mo, dumaan naman sa giyera. Hindi naman simple ‘yung pinagdaanan mo na total thyroidectomy and radioactive iodine. So, you will heal according to the timeline that your body feels like.”  

Mayroon bang Anumang Komplikasyon na Kaakibat ng Paggamot sa Kanser sa Thyroid?

Bago magsagawa ng surgical treatment, binuksan ng endocrinologist ni Grace ang posibilidad ng dalawang komplikasyon. Isa, maaaring mawalan siya ng boses o pangalawa, maaaring magdusa siya ng hypocalcemia.

Nagpapasalamat si Grace na hindi siya nawalan ng boses dahil bilang broadcast major graduate, sobrang hilig niyang mag-present sa publiko.

Upang labanan ang hypocalcemia, sumasailalim siya sa supplement ng calcium upang mapanatili ang kanyang calcium levels.

Key Takeaways

Ang buong journey ni Grace sa kung ano ang papillary carcinoma ay dumating sa kanya bilang isang sorpresa sa una. Ngunit sa dulo ng lahat ng ito, itinuro nito sa kanya kung paano bilangin ang kanyang blessings na higit sa pera, at sa halip ay sa pamamagitan ng pakikipagtagpo sa mga tamang tao sa tamang oras. 

Inilagay ni Grace ang kanyang buong tiwala sa kanyang mga doktor sa buong pakikipaglaban niya sa cancer. At ngayon, she is living her best life, walang cancer sa loob ng 11 taon.

Panoorin ang buong panayam kay Grace Diez dito.

At matuto pa tungkol sa World Cancer Day dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Thyroid Cancer, https://rarediseases.org/rare-diseases/thyroid-cancer/ Accessed January 27, 2022

Thyroid cancer, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/thyroid-cancer/symptoms-causes/syc-20354161 Accessed January 27, 2022

Thyroid cancer – papillary carcinoma, https://medlineplus.gov/ency/article/000331.htm Accessed January 27, 2022

Overview – Thyroid cancer, https://www.nhs.uk/conditions/thyroid-cancer/ Accessed January 27, 2022

Papillary Thyroid Cancer Overview, https://www.thyroidcancer.com/thyroid-cancer/papillary Accessed January 27, 2022

Papillary Thyroid Cancer, https://columbiasurgery.org/conditions-and-treatments/papillary-thyroid-cancer Accessed January 27, 2022

Kasalukuyang Version

09/12/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement