backup og meta

Support Group para sa Cancer, Paano ba Nakatutulong?

Support Group para sa Cancer, Paano ba Nakatutulong?

Ang cancer ay isa sa apat na mga pangunahing epidemya o may kaugnayan sa pamumuhay na sakit sa mundo. Hindi lamang milyong mga buhay ang kinukuha ng may malalang cancer taon-taon, pinupuspos din nito ang pinansyal na kakayahan ng pasyente. Ang mga taong nasuri na may cancer ay maaaring kailanganin ang pag-alis sa trabaho upang magpagaling habang gumagastos para sa gamot, mga pagsusuri, at iba pang paraan ng pagpapagaling. Ang gastos at pagkakaroon ng cancer ay emosyonal na nakapapagod kung kaya ang mga support group para sa cancer ay mahalaga.

Sa babasahing ito, nakatala ang mga lokal na support group para sa cancer na maaari mong lapitan kung nangangailangan ng tulong.

Mga Lokal na Cancer Support Group para sa Medikal na Tulong 

Kung ikaw ay naghahanap ng mga lokal na organisasyon para sa tulong pinansyal, narito ang mga tala para sa’yo: 

Mga Ahensya ng Gobyerno 

Ang Kagawaran ng Kalusugan ay mayroong programa na tumutulong sa mga pasyenteng sumasailalim sa gamutan mula sa partikular na uri ng cancer. 

Halimbawa, mayroon silang Breast Cancer Medicines Access Program (BCMAP) na nagbibigay daan para sa mga gamot sa cancer at “cost-effective at karaniwang ginagamit” na nakatutulong sa chemotherapy (partikular sa mga mayroong stage III-B cancer sa suso). Narito ang mga tala ng mga ospital na mayroong BCMAP. 

Mayroon din silang Acute Lymphocytic Leukemia Medicines Access Program (ALLMAP). Narito ang tala ng mga ospital na mayroong ALLMAP. 

Matatandaan na mayroon din ang mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philhealth, na nagbibigay rin ng tulong medikal sa mga pasyenteng may cancer. 

Andres Soriano Foundation 

Ang Andres Soriano Foundation ay mayroong programang CARE na may layong “mabawasan cancer mortality at mapababa ang hirap na dinaranas ng mga pasyente, mga pamilya, at komunidad.” 

Nagbibigay rin sila ng tulong sa mga pasyenteng may cancer sa suso na nasa 1 hanggang 2 yugto. 

Para sa proseso at mga kakailanganin, maaari kang makipa-ugnayan dito. 

Bahay Aruga 

Ang Bahay Aruga ay nag-aalok ng malapit na tirahan para sa mga bata na may cancer at nagpapagamot sa Philippine General Hospital, bukod sa pagbibigay ng matutuluyan, nagbibigay rin sila ng mga pangangailangan tulad ng gamot, pagkain, at transportasyon. 

Maaari mong bisitahin ang kanilang pahina sa Facebook para sa iba pang impormasyon. 

Kythe Foundation 

Aktibong naghahanap ang Kythe Foundation ng mga taong pinansyal na makatutulong sa mga bata na may cancer upang maipagpatuloy sa kanilang paggagamot. Nag-aalok din sila ng suportang psychosocial para sa pasyente at pamilya nito. 

Maaari kang makipag-ugnayan sa Kythe Foundation dito. 

Redemptorist Church at Quiapo Church 

Nasa listahan din ng Philippine Cancer Society ang Redemptorist Church at St. John Baptist Parish (Quiapo Church) bilang mga institusyon na nagbibigay ng medikal na tulong sa mga pasyenteng may cancer. 

Maaari kang magtungo sa opisina ng simbahan o tawagan gamit ang mga numerong ito: 

  • Redemptorist Church: 832 – 1150
  • Quiapo Church: 733 – 4945 

Maaari mo ring tingnan ang simbahan o ibang relihiyong organisasyon sa iyong lugar. Sila ay maaaring mayroong programa para sa mga pasyenteng may cancer. 

GMA Kapuso Foundation 

Ang GMA Kapuso Foundation ay nasa listahan din ng Philippine Cancer Society, nag-aalok sila ng tulong sa mga pasyente na nasa 0-18 taong gulang saan mang ospital ng gobyerno. Kailangan mong ihanda ang mga sumusunod 

  • Medical Certificate o Clinical Abstract
  • Social Case Study
  • Treatment Protocol 

Maaari mo silang matawagan sa kanilang numero, 928-4299, o magpunta sa 2/F Kapuso Center Samar St. Cor. Jamboree St. Diliman, Quezon City. 

Local Cancer Support Groups na may Serbisyong Psychosocial

Kung ikaw ay naghahanap ng mga cancer support groups na nagbibigay ng emosyonal na suporta sa pamamagitan ng counseling o serbisyong psychosocial, maaari kang makipag-ugnayan sa: 

Alabang Cancer Support Group 

396 Batangas South, Ayala Alabang Village 1780 Muntinlupa City

Tel. 850 9835

Email: [email protected] 

Breast Cancer Society of Manila 

#46 Kingsville St.,

1110 White Plains, Quezon City 

Maaari kang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng kanilang Facebook account at Website. 

Carewell Community 

6th Floor, S & L Building dela Rosa

Corner Esteban Streets Legaspi Village,

Makati City 1200 Philippines

Tel. (632) 815-1294

Email: [email protected] 

Maaari mong bisitahin ang kanilang website rito. 

Cancer Warrior Foundation (For Children and their Family) 

1317 Lopez Jaena Street, Paco, Manila

Tel. 85622954

Email: [email protected] 

Maaari mong tingnan ang kanilang mga inaalok na serbisyo rito. 

ICanServe Foundation (For Breast Cancer Patients) 

Unit 2302 Medical Plaza Ortigas Building,

San Miguel Avenue, Ortigas Center

Pasig City 1605 Philippines

Tel. +632 636 5578

Email: [email protected]

Maaari mong bisitahin ang kanilang website rito.

Key Takeaways

Kung ikaw ay naghahanap ng mga cancer support groups, huwag mag-atubili na makipag-ugnayan sa ospital kung saan ka o ang iyong mahal sa buhay ay nagpapagamot. Karamihan sa mga malalaking hospital ay mayroong sariling departamento o organisasyon para tumulong sa mga pasyente at pamilya. Huwag din kalilimutang tumingin sa mga cancer support groups online, partikular sa mga social networking sites.

Matuto pa tungkol sa Cancer dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Find Medical Assistance, https://www.philcancer.org.ph/find-medical-assistance-2/, Accessed January 5, 2022

Support Groups, https://www.philcancer.org.ph/support/support-groups/, Accessed January 5, 2022

BREAST CANCER MEDICINES ACCESS PROGRAM (BCMAP), https://doh.gov.ph/faqs/Breast-Cancer-Medicines-Access-Program-BCMAP, Accessed January 5, 2022

ACUTE LYMPHOCYTIC LEUKEMIA MEDICINES ACCESS PROGRAM (ALLMAP),https://doh.gov.ph/faqs/allmap, Accessed January 5, 2022

EMPOWERING COMMUNITIES. ENRICHING LIVES., https://asorianofoundation.org/, Accessed January 5, 2022

Kythe Foundation, https://kythe.org/, Accessed January 5, 2022

Breast Cancer Society of Manila, Inc., https://breastcancersocietyofmanilainc.webs.com/, Accessed January 5, 2022

Cancer Warriors Foundation, https://c-warriors.org/programsandservices/, Accessed January 5, 2022

ICanServe Foundation, https://www.icanservefoundation.org/, Accessed January 5, 2022

Kasalukuyang Version

07/05/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin Dito Kung Ano Ang Puwedeng Gamot Para Sa Prostate Cancer

Ano Ang Dapat Asahan Sa Stage 4 Pancreatic Cancer?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement