Maraming uri ng skin cancer. Bawat isa rito ay may iba’t ibang sintomas at iba-iba ang hitsura sa balat. Lahat ng uri ng skin cancer ay maaaring gumaling sa tamang treatment. Importanteng unawain ang mga sintomas para sa maagang pagsusuri.
Ang skin cancer ay ang pagkakaroon ng abnormal cancerous skin cells. Kadalasang nangyayari ito dahil sa exposure ng balat sa nakakapinsalang ultraviolet (UV) rays. Gayunpaman, maaari ka pa ring magkaroon ng cancer kahit hindi ka nakalantad sa araw. Kung may family history ka ng cancer sa balat, mas nasa panganib kang magkaroon ng cancer sa balat.
Mga Uri ng Skin Cancer
Ang mga uri ng skin cancer ay inuuri batay sa mga selula. Ang dalawang pangunahing uri ng cancer sa balat ay:
- Keratinocyte carcinoma
- Melanoma
Keratinocyte carcinoma
Ang ganitong cancer sa balat ay kadalasang nabubuo sa balat na nalantad sa UV rays. Kung walang tamang paggamot, ito ay malamang na kumalat sa ibang bahagi ng iyong katawan.
Dalawang uri ng skin cancer sa ilalim ng keratinocyte carcinoma:
- Basal cell carcinoma
- Squamous cell cancer
Basal Cell Carcinoma
Ang Basal Cell Carcinoma (BCC) ay nabubuo dahil sa sobrang exposure sa araw at tanning. Ang mga taong may fair skin ay malamang na magkaroon ng ganitong skin cancer.
Mga sintomas ng BCC:
- Bleeding
- Pearl-like bump
- Patchy skin na mamula-mula
Ang pinakamahusay na pag-iwas sa BCC ay limitahan ang sun exposure. Ito ay malabo na kumalat sa ibang bahagi ng balat. Slow-growing cancer ang BCC. Kung ikaw ay diagnosed na may BCC, maaaring resetahan ka ng doktor mo ng mga gamot at cream na ipapahid sa balat. Sa malalang kaso, inirerekomenda din ang operasyon o radiation therapy. Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng cryosurgery, isang uri ng operasyon na ginagamitan ng liquid nitrogen.
Squamous Cell Cancer
Kasunod ng BCC, ang Squamous Cell Carcinoma ang pinakakaraniwang cancer. Tulad ng BCC, nangyayari rin ito dahil sa labis na sun exposure. Lumilitaw ito sa mga bahagi na nakalantad sa araw tulad ng mukha, leeg, tainga, binti, kamay, atbp.
Ang mga karaniwang sintomas ng squamous cell cancer ay:
- Magaspang na balat
- Dome-shaped bumps
- Patches sa balat
Mas nasa panganib kang magkaroon ng cancer kung may maputing balat, red o blonde na buhok, o sobrang exposure sa radiation o chemicals.
Fast-growing cancer ang squamous cell carcinoma. Mahalaga para sa mabisang paggamot ang maagang pagsusuri. Ang kakulangan sa paggamot o pagkaantala ng paggamot ay maaaring maging sanhi ng pagkalat ng cancerous cells sa ibang bahagi ng katawan kabilang ang mga tissue at buto.
Mga uri ng skin cancer: Melanoma
Ang melanoma ay isang malubhang uri ng cancer sa balat. Lumilitaw ito sa mga melanocytes, ang mga selula na nagbibigay kulay sa balat. Maaaring magkaroon ng melanoma sa anumang bahagi ng iyong katawan, ngunit malamang sa mga lugar na nakalantad sa araw. Hindi ibig sabihin na hindi ito tumutubo sa mga lugar na hindi nasisikatan ng araw. Ang mga karaniwang palatandaan at sintomas ng melanoma ay kinabibilangan ng:
- Pagkakaroon ng hindi pangkaraniwang skin pigmentation
- Biglang pagbabago sa dati ng nunal
Maaari ding magkaroon ng cancer sa balat sa talampakan, ari, o palad.
Mas malamang na magkaroon ka ng melanoma kung mayroon kang family history ng melanoma, maraming nunal, hindi pangkaraniwang nunal, mahinang immune system, at history ng sunburn.
ABCDE method
Upang maiwasan ang melanoma, mahalagang i-monitor ang iyong balat at suriin kung biglang may hindi pangkaraniwang mga nunal sa iyong katawan. Kapag nangyari ito, kumunsulta sa iyong doktor.
Ang diagnosis ng melanoma ay maaaring gawin sa tulong ng ABCDE method.
Narito kung ano ang ABCDE method:
A Ang ibig sabihin ay ‘asymmetry’ – Bantayan ang iyong mga nunal. Kung napansin mong asymmetrical ang iyong mga nunal, o hindi pantay ang iyong nunal, maaari mong mapansin na hindi magkatugma ang parehong mga kalahati.
B Ang B ay “border” – Kung ang mga border ng mga nunal mo ay nangangaliskis o bukol, ito ay indikasyon ng melanoma. Karaniwan ang mga gilid ng iyong mga nunal ay makinis.
C Color- Karaniwang brown ang kulay ng mga nunal. Kung napansin mong may iba’t ibang shade ng brown ang nunal mo, ito ay indikasyon ng melanoma.
D Diameter- Kung ang mga nunal ay mas malaki, ibig sabihin higit sa 6mm ang laki, ito ay indikasyon na cancerous ang nunal.
E Ang ibig sabihin ng E ay ‘evolving’ – Kung mapapansin mo na ang mga nunal mo katawan ay nagbabago bawat araw, ito ay warning sign ng cancer. Ang pagbabago ay maaaring sa anumang uri maging hugis, sukat, kulay, atbp.
Tips para makaiwas sa skin cancer
Ang wastong pangangalaga sa iyong balat ay nakakatulong na protektahan ang iyong balat mula sa anumang uri ng skin cancer. Narito ang ilang mga tip na maaari mong sundin upang maiwasan ang cancer sa balat:
- Ang mapaminsalang UV rays ay ang karaniwang sanhi ng maraming cancer sa balat. Iwasan ang sobrang exposure sa UV rays.
- Gumamit ng magandang kalidad ng sunscreen, hindi lamang habang lumalabas ngunit kahit na nasa loob ka ng bahay. Maglagay ng sunscreen sa regular intervals.
- Iwasan ang sinag ng araw sa pagitan ng 10 am at 4 pm. Sinasabing ang sinag ng araw ang pinakamalakas sa pagitan ng anim na oras na ito. Kapag nasa labas, magsuot ka ng sunglasses
at magdala ng payong o sombrero.
- Kung mahina ang immune system mo, nasa panganib ka na magkaroon ng skin cancer. Palakasin ang immune system sa tulong ng healthy lifestyle.
- Kung may anumang medical history ka o medications, higit na mag-ingat dahil ang ilang mga gamot ay maaaring gawing sensitibo ang iyong balat.
- Alagaan ang iyong balat. Regular na bantayan ito. Kung mapansin mo ang anumang hindi pangkaraniwang mga patch o nunal, kumunsulta sa iyong doktor.
Key Takeaway
[embed-health-tool-bmi]