backup og meta

Prostate Cancer: Paano Nagagamot ang Cancer na Ito?

Prostate Cancer: Paano Nagagamot ang Cancer na Ito?

Ang prostate cancer ay isa sa mga kondisyon na maaaring makaapekto sa natural na haba ng buhay, lalo na sa paggamot. Syempre, depende ito sa maraming mga salik tulad ng uri ng cancer at stage na mayroon ka. Sa pagma-manage ng prostate cancer at pag-iwas sa pagiging malala nito, narito ang mga bagay na dapat tandaan sa paggamot sa prostate cancer:

Makipag-ugnayan sa iyong doktor

Ang una at pinakamahalagang bahagi sa pag-iwas ng prostate cancer mula sa pagiging malala ay makipag-ugnayan nang maigi sa iyong doktor.

Depende sa iyong prostate cancer stage at uri (kasama ng mga salik), ang iyong doktor ay gagawa ng planong paggamot para sa iyo.

Halimbawa, kung nakita nila na ikaw ay may maagang stage o localized prostate cancer matapos ang test, maaari silang magrekomenda ng pag-antabay nito o aktibong surveillance.

  • Pagbantay at paghihintay – Ang mga doktor ay karaniwang nagrerekomenda ng pagbantay at paghihintay kung ang prostate cancer ay hindi nagiging sanhi ng kahit na anong sintomas at hindi nakaaapekto sa natural na haba ng buhay. Kakailanganin mo ng regular na blood tests, ngunit karaniwang hindi na kailangan ng biopsy.
  • Aktibong Surveillance – Ang pamamaraan na ito ay tulad ng pagbantay at paghihintay ngunit tipikal na kabilang ang mas maraming blood test. Magsasagawa ang doktor ng MRI scan, digital rectal exam, at biopsies.

Karagdagan, kabilang ng pagbantay at paghihintay o aktibong surveillance, ang doktor ay magrerekomenda rin ng ibang mga lunas at pamamaraan tulad ng hormone therapy o radical prostatectomy (operasyon sa pagtanggal ng prostate).

Mas maging maingat sa iyong diet

Ang diet ay mahalagang aspekto ng pagma-manage ng prostate cancer. Ang masustansyang diet ay nakatutulong sa pagprotekta mula sa mga sakit na maaaring mangyari sa iyong kondisyon at maaaring makaiwas sa pagbabalik o pagpapalala ng prostate cancer.

Matapos magpakonsulta sa iyong doktor, ikonsidera ang mga sumusunod na tips:

  • Sundin ang plant-based diet na maraming mga prutas, gulay, whole grains, legumes, mani, at seeds.
  • Bawasan ang pagkonsumo ng pagkain na mayaman sa dagdag na sugar at fats.
  • Kung ikaw ay sumasailalim sa hormonal therapy, ang iyong mga buto ay maaaring manghina. Upang ilimita ang banta, kausapin ang iyong doktor tungkol sa calcium at bitamina D supplements. 

Panatilihin ang malusog na timbang

Upang maiwasan ang prostate cancer mula sa pagiging malala, makatutulong ang pag-manage ng timbang. Ang labis na timbang ay maaaring magpataas ng banta ng ibang mga alalahanin sa kalusugan. Ito rin ay maaaring makaapekto sa kasalukuyang kondisyon.

Ayon sa mga pag-uulat, ang pagdagdag ng timbang ay tipikal sa mga pasyente sa ilalim ng hormonal therapy. Kung nais na labanan ang hindi malusog na pagdagdag ng timbang, panatilihin ang balanseng diet at regular na ehersisyo.

Sa ibang mga kaso, ang mga pasyente na may cancer, lalo na ang mga walang mga sintomas, ay mayroong parehong gabay sa ehersisyo tulad ng lahat. Maglaan ng 30 minuto ng marahan na pisikal na gawain sa loob ng limang araw sa isang linggo.

Narito ang mahalagang bagay: huwag magsimula ng bagong ehersisyo nang walang patnubay ng doktor.

Alagaan ang iyong sarili

Kung ikaw man ay inabisuhan na magbantay at maghintay o aktibong surveillance o nagsisimula na sa paggamot, ang pag-aalaga sa iyong sarili ay mahalaga sa pag-manage ng prostate cancer.

Tandaan ang mga sumusunod na tips:

  • Magkaroon ng sapat na pahinga at tulog.
  • Panatilihing may ugnayan sa mga kaibigan at pamilya; huwag mag-alinlangan na humingi o tumanggap ng kanilang tulong.
  • Sumali sa mga prostate cancer support groups. Mainam ito sa paghahanap ng mga tao na nakauunawa ng iyong nararanasan.

At sa huli, ipagpatuloy na gawin ang mga bagay na ikinatutuwa. Bagaman ang mga gawaing isasagawa ay iba-iba depende sa iyong kondisyon o sintomas, ang mga hobbies at gawain sa libreng oras ay nakababawas ng stress.

paggamot sa prostate cancer

Bantayan ang mga mapanganib na senyales at potensyal na mga komplikasyon

Upang maiwasan ang prostate cancer mula sa paglala, mahalaga na bantayan ang mga mapanganib na senyales at posibleng komplikasyon:

Kung ikaw ay nagbabantay at naghihintay o nagsasagawa ng aktibong surveillance, maging mapagmatyaga sa mga senyales ng prostate cancer. Kabilang sa mga ito ang:

  • Madalas na pag-ihi
  • Mahina o nahihintong daloy ng pag-ihi
  • Dugo sa ihi
  • Dugo sa tubig sa semilya
  • Bagong onset erectile dysfunction

Sa mga taong nakatatanggap na ng lunas, maaaring maobserbahan ang

Kung napansin ang mga mapanganib na senyales na mga ito, o kung may sintomas na hindi mapaliwanag, kausapin ang iyong doktor.

Mahalagang Tandaan

Ang pagma-manage ng prostate cancer ay nangangailangan ng gabay mula sa doktor.

Kung ikaw ay asymptomatic o sumasailalim sa paggamot, mahalaga na manatili ang malusog na timbang, kumain ng balanseng diet, at magsagawa ng regular na pisikal na gawain. Karagdagan, kailangan na alagaan ang iyong sarili at bantayan maigi ang mga mapanganib na senyales.

Matuto pa tungkol sa Prostate Cancer dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Weight and muscle changes
https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/prostate-cancer/practical-emotional-support/hormone-symptoms/sex-hormones-weight-muscle
Accessed January 13, 2020

Prostate cancer
https://www.cancervic.org.au/cancer-information/types-of-cancer/prostate_cancer/treatment_for_prostate_cancer.html
Accessed January 13, 2020

Prostate Cancer: Management and Treatment
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8634-prostate-cancer/management-and-treatment
Accessed January 13, 2020

Living with Prostate Cancer
https://www.nhs.uk/conditions/prostate-cancer/living-with/#:~:text=If%20you%20have%20no%20symptoms,understandably%20worried%20about%20your%20future.
Accessed January 13, 2020

Treatment Prostate Cancer
https://www.nhs.uk/conditions/prostate-cancer/treatment/
Accessed January 13, 2020

Kasalukuyang Version

08/24/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga Pagkain Na Makatutulong Sa Pag-Iwas Sa Prostate Cancer

Alamin: Sanhi ng Prostate Cancer


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement