backup og meta

Anu-ano ang mga senyales ng prostate cancer?

Anu-ano ang mga senyales ng prostate cancer?

Kadalasan, ang maagang pagtuklas sa prostate cancer ay nagpapataas ng success rate ng treatment. Anu-ano ang maagang senyales ng prostate cancer? At anong palatandaan ang tumutukoy sa advanced stage. Alamin dito.

Lahat ng Kailangan Mong Malaman Tungkol sa Prostate Cancer

Ayon sa Department of Health (DOH), ang prostate cancer ay nakakaapekto sa humigit-kumulang 19.3% ng bawat 100,000 Pilipinong lalaki. Binigyang-diin din ng 2018 figures na inilathala ng Global Cancer Observatory for the Philippines na ang prostate cancer ang ikalimang uri ng cancer na may pinakamaraming bagong kaso sa ating bansa. Ito rin ay nakahanay na ikapito sa mga uri ng cancer na may pinakamaraming bilang ng namamatay.

Sa mga numero na tumataas sa nakababahalang rate, ang maagang pagtuklas ay dapat talagang maging isang priyoridad. Ang isang paraan upang matukoy nang maaga ang prostate cancer ay makita ang mga pinakamaagang senyales ng prostate cancer.

Maagang Senyales ng Prostate Cancer

Sa mga unang yugto nito, ang prostate cancer ay karaniwang hindi nagpapakita ng anumang palatandaan o sintomas. Ito ang dahilan kung bakit dapat kang maging mas masigasig sa mga pagbabagong nararanasan mo sa iyong katawan. Kung nararanasan mo ang alinman sa mga palatandaan sa ibaba, huwag itong balewalain. Makipag-usap sa iyong doktor at hayaan silang magbigay sa iyo ng anumang payo sa mga susunod na hakbang.

Problema sa Pag-ihi

Ang prostate cancer ay maaaring mag-trigger ng ilang pagbabago sa pag-ihi ng mga lalaki. Halimbawa, maaari kang makaranas ng madalas na pag-ihi. Karamihan sa mga tao ay umiihi 6 hanggang 8 beses araw-araw. Gayunpaman, maaaring magbago iyon kung umiinom ka ng maraming likido o umiinom ng anumang gamot na naghihikayat sa pag-ihi (diuretics).

Ngayon, kung mapapansin mo na ikaw ay umiihi nang higit kaysa karaniwan, maging mas mapagmatyag sa mga posibleng dahilan at iba pang mga pagbabago na maaaring kasama nito. Ang ilan sa iba pang mga problema na maaari mong mapansin ay:

  • Burning o masakit na sensasyon habang umiihi
  • Hirap sa pag-ihi; ibig sabihin na nagkakaproblema ka sa pagsisimula o paghinto ng ihi
  • Mahina o naantala ang daloy ng ihi

Sa ilang mga kaso, ang mga lalaki ay nakakaranas din ng pagkawala ng kontrol sa bladder. Panghuli, tandaan na habang ang mga problema sa pag-ihi ay kabilang sa maagang senyales ng prostate cancer, maaari rin itong indikasyon ng isa pang kondisyon, tulad ng mga impeksyon sa ihi.

Biglang Pagsisimula ng Erectile Dysfunction

Maaari ring gawing mahirap ng prostate cancer na ang isang lalaki na magkaroon ng erection (erectile dysfunction).

Nakikita ng mga lalaki na ang simula ng erectile dysfunction ay medyo nakalilito. Dahil hindi nila ito alalahanin noon. Kaya naman, ang biglaang makaranas nito ay nagpaparamdam sa kanila na ang kanilang problema ay sexually related. Dagdag pa sa komplikasyon ay ang ilang mga lalaki na maaaring magkaroon ng erection ay malamang na magkaroon ng ilang mga problema na ma-maintain ito.

Mga Problema sa Ejaculation

Bukod sa erectile dysfunction, ang isa pang senyales ng prostate cancer ay maaaring magdulot ng ilang ejaculatory problems. Maaaring nakakaranas ka ng sakit sa oras ng ejaculation, o mabawasan ang dami ng semilya.

Gayunpaman, mahalagang tandaan: ang pagbaba ng dami ng semilya ay maaari ding sanhi ng mga problema sa pagkain. Sa katunayan, kung ikaw ay dehydrated, maaari mabawasan ang dami ng seminal fluid mo. Ang dalas ng ejaculation ay maaari ring mag-trigger ng sintomas na ito.

Habang sinasabi ng mga doktor na ang ibang health conditions ay mas malamang na magdulot ng mga problema sa ejaculatory, kailangan mo pa ring maging mapagbantay. Lalo na kung dumaranas ka ng mga ejaculatory problems at ang iba pang mga palatandaan at sintomas sa listahang ito.

May Dugo

Ang pagkakita ng dugo ay isa rin sa mga maagang senyales ng prostate cancer. Ngunit saan makakakita ng dugo ang mga lalaki?

Ang prostate cancer ay maaaring maging sanhi ng paglabas ng dugo sa ihi (hematuria) at sa seminal fluid. Muli, habang ang isa pang kondisyon ay maaaring sanhi nito, tandaan na hindi dapat magkaroon ng dugo sa iyong ihi o semilya. Samakatuwid, kinakailangan ang pagkonsulta sa doktor mo.

Back Pain

Huli sa ating listahan, ngunit ang pinaka nakakabahala sa mga senyales ng prostate cancer ay ang pananakit ng likod.

Maraming mga paraan para ilarawan ang sakit likod na nauugnay sa prostate cancer. Para sa ilan, sinasabi nila na parang masakit ang kanilang buto. Para sa iba, nararamdaman nila na ang sakit ay consistent na “paninigas” sa kanilang likod. 

Ngayon, bakit itinuturing ng maraming eksperto ang pananakit ng likod bilang isang nakababahala na senyales ng prostate cancer? Ito ay dahil ang pananakit ng likod ay kadalasang nangangahulugan na ang cancer ay kumalat na sa ibang bahagi ng katawan.

Kung nararanasan mo ang pananakit ng likod, lalo na at kasabay ng problema sa pag-ihi at ejaculation, kumunsulta agad sa doktor. Lalo na kung ang pananakit ay umaabot sa balakang, itaas ng hita, at balikat. Gayundin, humingi kaagad ng medikal na tulong kung ang pananakit ng iyong likod ay sinamahan ng pamamaga ng lower extremities. 

Key Takeaways

Dahil ang prostate ay malapit sa ari ng lalaki at urinary bladder, hindi kataka-taka na karamihan sa mga maagang senyales ng prostate cancer ay umiikot sa mga sintomas ng ihi at erectile.

Tandaan, kung makikita mo ang mga sintomas ng prostate cancer, lalo na ang pananakit ng likod, kumunsulta kaagad sa doktor mo. Mas mabuti kung maagang matukoy ang cancer.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Study reveals increasing incidence of prostate cancer in developing countries
http://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/r-d-updates/3208-study-reveals-increasing-incidence-of-prostate-cancer-in-developing-countries
Accessed August 12, 2020

Group launches free prostate cancer consultation on June 16
https://www.pna.gov.ph/articles/1037538
Accessed August 12, 2020

https://gco.iarc.fr/today/data/factsheets/populations/608-philippines-fact-sheets.pdf
Accessed August 12, 2020

Prostate cancer symptoms
https://www.cancercenter.com/cancer-types/prostate-cancer/symptoms
Accessed August 12, 2020

Prostate Cancer: Symptoms and Signs
https://www.cancer.net/cancer-types/prostate-cancer/symptoms-and-signs
Accessed August 12, 2020

Signs and Symptoms of Prostate Cancer
https://www.cancer.org/cancer/prostate-cancer/detection-diagnosis-staging/signs-symptoms.html
Accessed August 12, 2020

Prostate Cancer Symptoms
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/prostate-cancer/prostate-cancer-symptoms
Accessed August 12, 2020

Kasalukuyang Version

09/12/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga Pagkain Na Makatutulong Sa Pag-Iwas Sa Prostate Cancer

Alamin: Sanhi ng Prostate Cancer


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement