backup og meta

Alamin: Mga herbal para sa prostate

Alamin: Mga herbal para sa prostate

Ang mga herbal na gamot ay libo-libong taon nang umiiral. Sa modernong panahon, ang ilang mga halamang gamot ay naiulat na mabisa sa ilang uri ng cancer, tulad ng prostate cancer. Pero gaano nga ba kabisa ang herbal para sa prostate cancer? May mga side effects ba ito? Pwede ba nitong palitan ang mga tradisyunal na paraan ng paggamot?

Paano Ginagamit ang Herbal Medicine para sa Prostate Cancer?

Karaniwan sa mga cancer patients ang maghanap ng alternatibong uri ng gamot. Isang dahilan dito ay dahil ang mga tipikal na paraan ng paggamot para sa cancer ay may mga side effect. Nararamdaman ng ilang mga pasyente na hindi nila kinakaya ang mga side effects ng kanilang treatment. Pakiramdam nila na ang mga epektong ito ay negatibong nakakaapekto sa kalidad ng kanilang buhay.

Kay naman ang ilang mga pasyente ay pinipiling maghanap ng herbal na gamot. Ito ay sa kagustuhan nilang pagaanin ang mga side effect. Sa katunayan, ayon sa isang pag-aaral, ang mga herbal ay kabilang sa mga pinakakaraniwang treatment na ginagamit ng cancer patients. Ayon sa may akda, bukod sa walang mga side effect, ang mga herbal ay karaniwang itinuturing na ligtas para sa publiko.

 Ganito rin ang kaso sa mga pasyente ng prostate cancer.  Marami sa kanila ang sumusubok ng herbal para sa prostate cancer. Kung minsan ay kasabay ng kanilang treatment para makatulong sa kanilang pagpapagaling.

Anong mga Herbal na Gamot ang Ginagamit?

Gumawa ng maraming pag-aaral ang mga researcher sa pagiging epektibo ng herbal para sa prostate cancer. Sa isang pag-aaral, sinubukan nila ang isang tradisyunal na Chinese medicine (TCM) na tinatawag na PS-SPES para sa pagiging epektibo nito. Ayon sa mga mananaliksik, ang halamang gamot ay nakatulong sa pagpigil sa paglaki at pag-metastasis ng cancer cells. Kasama sa gamot na ito ang mga extract mula sa ganoderma mushroom, lychees, Saussurea plant, Chinese skullcap, at iba pang mga halaman na ginagamit sa TCM.

Habang ang mga mananaliksik ay nakakuha ng mga positibong resulta, idinagdag nila na kailangan pa ng higit na pag-aaral sa toxicity ng mga halamang ito. Ayon sa kanila, ang paggamit ng iba’t ibang extraction process ay potensyal na makabubuti sa kalidad ng gamot.

Gayunpaman, ang ilang mga bansa, lalo na ang US, ay nagbawal ng PC-SPES medication. Ito ay dahil sa ang FDA ay nakakita ng kontaminasyon sa ilan sa mga sample nito. Bukod pa rito, higit pang pananaliksik ang kailangang gawin tungkol sa pagiging epektibo nito. 

Ano ang sinasabi ng mga doktor sa herbal para sa prostate?

Isa sa pinakamalaking concern ng mga doktor sa mga alternatibong paraan ng paggamot na ito ay ang limitadong impormasyon na mayroon. Hindi pa rin natin alam ang aktwal na epekto ng ilan sa mga herbal na ito. Kaya hindi basta-basta maaaring magreseta ang mga doktor ng mga herbal para sa prostate cancer.

Gayunpaman, ang ilang mga doktor ay bukas sa kanilang mga pasyente na tumatanggap ng complementary therapy. Tulad ng pangalan nito, ito ay paraan ng therapy na ginagawa kasabay ng mga tradisyunal na uri ng therapy tulad ng radiotherapy o chemotherapy.

Maaari itong maging isang magandang opsyon para sa mga pasyenteng naghahanap ng mga alternatibong paraan ng paggamot para sa kanilang sakit. Gayunpaman, nananatili ang katotohanan na wala pang naaprubahang paraan ng paggamit ng herbal para sa prostate cancer.

Key Takeaways

Bagama’t totoo na ang alternatibong gamot tulad ng mga herbal ay maaaring maging epektibo, wala pang tiyak na katibayan sa bisa nito sa prostate cancer. Sa ngayon, wala pang anumang klinikal na pagsubok o malakihang pag-aaral tungkol sa paggamit ng herbal para sa prostate cancer.

Hindi ito nangangahulugan na hindi epektibo ang mga ito. Ibig sabihin din na hindi lang sa pamamaraang ito dapat umasa ang mga tao. Pinakamainam pa rin na makinig sa payo ng iyong doktor, at sundin ang kanilang mga rekomendasyon tungkol sa paggamot.

Gayunpaman, kung nais mong subukan ang herbal na gamot kasabay ng mga modernong paggamot, posible na gawin ito. Siguraduhing talakayin ito sa iyong doktor. Ito ay para ligtas ka nilang magabayan kung paano pinakamahusay na gawin ito nang hindi nakokompromiso ang treatment mo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 HERBAL THERAPY USE BY CANCER PATIENTS: A LITERATURE REVIEW ON CASE REPORTS, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3057114/, Accessed October 27, 2021

2 Chinese Medicines in the Treatment of Prostate Cancer: From Formulas to Extracts and Compounds, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5872701/, Accessed October 27, 2021

3 Complementary and Alternative Medicines in Prostate Cancer: From Bench to Bedside?, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3380882/, Accessed October 27, 2021

4 Prostate Cancer: Herbal Supplements – Health Encyclopedia – University of Rochester Medical Center, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=85&contentid=P01253, Accessed October 27, 2021

5 Understanding the risks of supplements and herbal remedies for prostate cancer – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/mens-health/understanding-the-risks-of-supplements-and-herbal-remedies-for-prostate-cancer, Accessed October 27, 2021

Kasalukuyang Version

09/24/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga Pagkain Na Makatutulong Sa Pag-Iwas Sa Prostate Cancer

Alamin: Sanhi ng Prostate Cancer


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement