backup og meta

Pagbalik ng cancer o metastasis, bakit ito nangyayari?

Pagbalik ng cancer o metastasis, bakit ito nangyayari?

Mahalagang malaman ng mga taong na-diagnose ng stage 1 cancer, kung paano maiiwasan ang pagbalik ng cancer. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng metastasis, bakit ito isang seryosong pag-aalala, at ano ang maaaring gawin ng mga pasyente upang maiwasan ito?

Paano Pigilan ang Metastasis ng Cancer

Bago natin pag-usapan kung paano maiwasan ang metastasis ng cancer, kailangan muna nating tukuyin kung ano mismo ito. 

Kung ang isang tao ay may stage 1 cancer, ang ibig sabihin nito ay ang cancer ay localized o matatagpuan sa isang partikular na lugar o organ sa loob ng katawan. Dahil naka-localize pa rin ito, maaaring gumawa ng mga hakbang para kontrolin at pigilan itong kumalat pa.

Ang stage 2 at stage 3 na cancer ay nangangahulugan na ang mga tumor ay lumaki na. Maaari rin itong mangahulugan na ang cancer ay tumagos nang mas malalim sa mga tisyu ng isang tao. Gayunpaman, ito ay hindi pa nagsisimulang kumalat sa ibang bahagi ng katawan. Sa yugtong ito, posible pa rin ang paggamot, ngunit magiging mas mahirap na itong gamutin.

Ang metastasis ay kapag nagsimulang kumalat ang cancer sa buong katawan. Nangangahulugan  na ang cancer ay nasa ika-4 na yugto na, at napakahirap na gamutin sa yugtong ito. Dahil nakakaapekto na ito sa maraming organ.

Para sa mga taong na-diagnose na may stage 1 cancer, ang pag-iwas sa pagbalik ng cancer at metastasis pati na rin ang paggamot sa cancer ay parehong mahalaga.

Ano ang maaari mong gawin tungkol sa cancer metastasis?

Siyempre, ang pinakamahusay na paraan ng pag-iwas sa metastasis ay ang humingi ng treatment sa lalong madaling panahon. Ang mga treatment na available ay maaaring chemotherapy, radiation therapy, operasyon, targeted therapy, immunotherapy, atbp.  

Gayunpaman, mayroon ding ilang mga bagay na maaaring gawin ng mga pasyente upang maiwasan ang metastasis o pagbalik ng cancer. Narito ang ilan sa mga bagay na iyon:

Pag-inom ng green tea

Noong 2010, pinag-aralan ng mga researcher na sina Naghma Khan at Hasan Mukhtar ang mga epekto ng green tea sa metastasis. Ayon sa kanilang mga natuklasan, ang pag-inom ng berdeng tsaa ay maaaring magkaroon ng positibong epekto pagdating sa metastasis.

Partikular na nalaman nila na ang Epigallocatechin-3-gallate, na isang pangunahing bahagi ng green tea, ay may kakayahang pigilan ang paglaki ng mga tumor pati na rin ang metastasis. Bagama’t hindi inirerekomenda ang pag-inom ng berdeng tsaa na kapalit sa mga naitatag na paraan ng paggamot sa cancer, walang pinsala sa pag-inom nito upang madagdagan ang iba pang paraan ng paggamot.

Ang green tea ay ligtas na inumin ng cancer patients. Naglalaman din ito ng mga compound na maaaring mapabuti ang kalusugan ng isang tao. 

MAHALAGA: Pinakamainam pa rin na kumunsulta sa iyong doktor kung gusto mong uminom ng green tea upang maiwasan ang metastasis at pagbalik ng cancer.

Kumain ng mga tamang pagkain

Bagama’t ang pagkakaroon ng malusog na diet ay hindi nangangahulugang maaari mong ganap na maiwasan ang metastasis, makakatulong ito na mapanatili ang lakas mo at iwasan ang pagbalik ng cancer. Ito ay lalo na kung sumasailalim ka sa chemotherapy. 

Ang mga pagkain na dapat unahin ay ang mga pagkaing mayaman sa bitamina at mineral, pati na rin ang mataas sa fiber. Ibig sabihin, ang mga pagkain mo ay dapat may healthy serving ng sariwang prutas at gulay.

Pinakamabuting bawasan ang pagkain ng red meat, taba, at processed food. Ang mga ito ay masama sa kalusugan mo. Hangga’t maaari, iwasan din ang taba at asukal, at kainin lamang sa maliit na halaga.

Mahalaga rin na magkaroon ng tamang serving size para sa iyong pagkain. Makakatulong ito na panatilihin ang timbang mo sa healthy range. Ito rin ay maaaring makatulong na mapababa ang panganib ng iba pang health problems. Ito ay lalo na dahil ang ilang mga paraan ng cancer treatment ay maaaring magdulot ng malaking pagtaas ng timbang. 

Manatiling aktibo

Bukod sa tamang pagkain, mahalaga rin na manatiling aktibo. Ibig sabihin, kailangan mo ng at least 30 minutes na ehersisyo araw-araw para lumakas ang katawan mo.

Ang pagsali sa araw-araw na ehersisyo ay nakakatulong na mapanatiling malakas ang iyong katawan, at nagpapalakas din ng iyong immune system. Pinapalakas din nito ang iyong katawan. Ito ay isang mahusay na paraan ng pagharap sa potential side effects na maaaring magkaroon sa cancer treatment.

Ang isa pang benepisyo ng ehersisyo ay maaring mapabuti ang mental health ng isang tao. Para sa mga taong na-diagnose na may cancer, ito ay napakahalaga. At iwasan ang pagbalik ng cancer. Dahil ang mga cancer patient ay maaaring magdusa mula sa depresyon, pagkabalisa, at iba pang mental health problems

Magandang ideya na kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa mga ehersisyong pwede sa iyo. Dahil mas alam nila ang iyong kalusugan, at matutulungan kang malaman kung aling mga ehersisyo ang nakakatulong. At kung anong mga bagay ang dapat iwasan pagdating sa pag-eehersisyo.

Makinig sa iyong doktor

Ang isa sa pinakamahalagang bagay pagdating sa kung paano maiwasan ang metastasis at pagbalik ng cancer ay ang makinig sa iyong doktor. Maiibigay nila sa iyo ang tamang impormasyon na gagawin, at kung anong mga hakbang ang dapat gawin para gumaling mula sa iyong cancer.

Mahalagang makinig at sundin ang kanilang payo. Ang doktor mo ang siyang nangangalaga sa iyong kalusugan. At nagagawa nilang malaman kung gumagana o hindi ang isang treatment. Gayundin kung kailangan mong gumawa ng ilang bagay upang mapabuti ang mga tyansa na gumaling ka mula sa cancer.

Kung interesado ka sa ibang uri ng alternative therapy, siguraduhing kumunsulta sa iyong doktor. Matutulungan ka nila habang naghahanap ka ng treatment.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Metastasis? | Cancer.Net, https://www.cancer.net/navigating-cancer-care/cancer-basics/what-metastasis, Accessed November 6, 2020

Cancer and metastasis: prevention and treatment by green tea, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3142888/, Accessed November 6, 2020

Overcoming the Challenges of Metastatic Cancer – National Cancer Institute, https://www.cancer.gov/news-events/cancer-currents-blog/2017/metastatic-cancer-kaplan, Accessed November 6, 2020

Seven Steps to Prevent Cancer – Prevent Cancer Foundation, https://www.preventcancer.org/education/seven-steps-to-prevent-cancer/, Accessed November 6, 2020

Understanding Advanced and Metastatic Cancer, https://www.cancer.org/treatment/understanding-your-diagnosis/advanced-cancer/what-is.html, Accessed November 6, 2020

A workout plan to prevent metastasis | Science Translational Medicine, https://stm.sciencemag.org/content/11/496/eaax9564, Accessed November 6, 2020

Can I Do Anything to Prevent Cancer Recurrence?, https://www.cancer.org/treatment/survivorship-during-and-after-treatment/understanding-recurrence/can-i-do-anything-to-prevent-cancer-recurrence.html, Accessed November 6, 2020

Kasalukuyang Version

06/22/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin Dito Kung Ano Ang Puwedeng Gamot Para Sa Prostate Cancer

Ano Ang Dapat Asahan Sa Stage 4 Pancreatic Cancer?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement