Madalas, ang anumang uri ng cancer ay nasusuri sa huling stage nito. Ngunit kung ito ay masusuri at matukoy sa simula pa lamang, maaaring may mas mainam na paraan para gamutin ito. Ano ang nangyayari sa panahon ng ultrasound para sa ovarian cancer?
Ang ovarian cancer ay isa sa pinakakaraniwang uri ng cancer na laganap sa mga kababaihan na nasa edad 40 pataas. Sa Pilipinas, ito ay ika-12 sa kabuuang uri ng cancer at panglima sa mga nararanasan ng mga babae.
Kilalang “silent killer,” ang partikular na uri ng cancer na ito ay maaaring walang sintomas sa mga unang yugto nito. Gayunpaman, may ilang mga palatandaan at sintomas na madalas hindi nakikita ng maraming kababaihan. Kaya humahantong sa posibilidad na hindi mapansin ang paglitaw nito.
Ayon sa data, halos 20% lamang ng ovarian tumors ang natuklasan sa early stage. Kapag maagang natukoy ang ovarian cancer, tataas ang life expectancy at halos 94% ng mga pasyente ay nabubuhay nang higit sa limang taon. Samakatuwid, ang pagsusuri sa pamamagitan ng ultrasound para sa ovarian cancer o anumang iba pang anyo ng diagnosis ay isang mahalagang aspeto ng buhay.
Diagnosis ng Ovarian Cancer
Paano ginagawa ang ultrasound para sa ovarian cancer? Ang paraan ng pagsusuri kung may tumor ka sa ovaries ay kailangan mong sumailalim sa serye ng mga pagsusuri at eksaminasyon simula sa isang physical exam.
Medical history at physical examination
Sa oras ng konsultasyon, maaaring tanungin ka ng doktor mo tungkol sa medical history mo para mas maunawaan ang mga posibleng risk factors. Dahil dito, maaaring pag-usapan din ang kaunting family background, magtatanong, at susuriin ka kung nakararanas ka ng ibang mga sintomas.
Maaaring mag-follow up ang iyong doktor ng mga tanong tulad ng:
- Kailan ito nagsimula?
- Gaano katagal mo na itong nararanasan?
Pagkatapos, gagawin ng doktor ang pelvic exam. Ito ay kailangan para maghanap ng enlarged ovary o senyales ng likido sa tiyan na tinatawag ng ascites. Habang nasa proseso, maaaring kuhanan ka ng doktor mo ng sample ng dugo upang suriin ang presensya ng substance na kilala bilang CA125.
Maaaring i-refer ka ng iyong doktor sa isang gynecologic oncologist kung ang anumang natuklasan ay nangangailangan ng karagdagang konsulta. Ipagpapatuloy ng espesyalistang ito ang proseso ng diagnostic sa pamamagitan ng pag-order ng ilang test upang i-rule out ang cancer.
Bilang karagdagan sa mga screening at imaging tests ay ang ultrasound para sa ovarian cancer. May dalawang magkaibang paraan kung paano ito isasagawa.
- Abdominal (Pelvic) ultrasound
- Transvaginal ultrasound
Ultrasound para sa Ovarian Cancer: Abdominal (Pelvic) Ultrasound
Ang mga doktor ay madalas na humihiling muna ng ultrasound dahil ang high-frequency sound waves ay maaaring magpakita ng pagkakaroon ng pelvic mass. Gumagamit ng soundwave echoes sa pelvic ultrasound upang makabuo ng computer image ng iyong matris at mga ovary.
Ipoposisyon ka ng sonographer sa examination table at ilalagay ang maliit na handheld equipment na tinatawag na transducer sa buong bahagi ng iyong tiyan.
Ultrasound para sa Ovarian Cancer: Transvaginal Ultrasound
Para sa ganitong uri ng ultrasound, ipinapasok ng sonographer ang maliit na transducer wand sa iyong vaginal canal. Tulad ng karaniwang sonography, ang tagasuri ay gumagamit din ng disposable plastic sheath at gel na pantakip. Ang ilang mga doktor ay mas gusto ang ganitong uri kumpara sa dati dahil maaari itong magbigay ng mas malinaw na mga larawan.
Ang teknik na ito ay maaaring hindi komportable para sa ilang kababaihan, pero hindi ito dapat masakit. Pwede mong sabihin sa iyong doktor at sa sonographer kung nag-aalala ka tungkol dito.
Ang parehong uri ng ultrasound ay maaaring ipakita kung ang ovaries ay nasa tamang sukat at normal ang texture. Gayundin, sa screening na ito maaari nilang tingnan kung may mga cyst sa ovaries.
Ang isang ultrasound scan ay karaniwang tumatagal ng hanggang 45 minuto, ngunit maaari itong mag-iba depende sa sitwasyon.
Sanhi ng Ovarian Cancer: 5 Bagay na Kailangan Mong Malaman
Ang iba pang imaging tests:
- Computed tomography (CT) scans
- Barium enema x-ray
- Magnetic resonance imaging (MRI) scans
- Chest x-ray
- Positron emission tomography (PET) scans
Bukod sa imaging tests, ang ilan pang screening tests ay ang mga:
- Laparoscopy
- Colonoscopy
- Biopsy
- Iba pang blood tests
Key Takeaways
Hindi mo kailangang mag-alala dahil gagabayan ka ng iyong doktor bago, habang, at pagkatapos ng screening.
[embed-health-tool-bmi]