backup og meta

4 na Nakaka-cancer na Pagkain na Maaaring Regular na Kinokonsumo

nakaka-cancer na pagkain

4 na Nakaka-cancer na Pagkain na Maaaring Regular na Kinokonsumo

Ang cancer ang isa sa pinaka nangungunang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo. At pinaniniwalaan ng mga eksperto na ilan sa mga pagkain ay makapagbabawas ng banta ng cancer. Iniisip din nila na ang ilan ay nakaka-cancer na pagkain. Ano ang mga nakaka-cancer na pagkain, at paano nakatutulong na malaman ang mga ito sa pagbawas na tsansa na magkaroon ng cancer? Ang lahat ng mga sagot at marami pa sa artikulong ito.

Ano ang mga Nakaka-cancer na Pagkain?

Kung ang isang bagay ay nakaka-cancer – ito man ay pagkain o substances, ibig sabihin ay may potensyal itong maging sanhi ng cancer. Kaya’t ang pagkain ng nakaka-cancer ay nagpapataas ng banta sa isang tao na magkaroon ng cancer sa hinaharap.

Ngunit, kahit na ito ay simpleng pagkain, tandaan na ang abilidad na maging sanhi ng mga nakaka-cancer na pagkain ay konektado sa ibang variables.

Halimbawa, ang pagkain ng red meat, na tinukoy ng mga pag-aaral na nakaka-cancer ay hindi nagiging sanhi ng cancer. Ngunit ang pagkonsumo ng serving ng red meat araw-araw ay ibang usapan na.

Syempre, may ibang mga salik na kailangan tignan tulad ng family history ng isang tao sa cancer, ang kanilang environmental exposure sa substance at ang lifestyle.

Sa madaling salita ay ang pag-iisip tungkol sa nakaka-cancer na pagkain ay isa sa mga salik upang maiwasan ang cancer.

List: Ang Pag-alam sa Nakaka-cancer na Pagkain

Kung nais mong maging maalam tungkol sa paano mababawasan ang banta ng pagkakaroon ng cancer, ikonsidera ang paglilimita ng konsumo ng mga sumusunod na pagkain:

Red Meat

Nabanggit na kanina ang red meat, kaya’t umpisahan nating talakayin ito. Ang World Health Organization ay natukoy ang red meat bilang “maaaring nakaka-cancer na pagkain sa mga tao” dahil sa malakas na ugnayan nito sa colorectal cancer.

Ang salitang “maaari” ay inilagay dahil limitado ang mga pag-aaral na hindi pa natatanggal ang mga salik (tulad ng nabanggit: family history atbp.)

Tumutukoy ang red meat sa mammalian muscle meat, na ibig sabihin ay baboy, tupa, baka, kabayo at mutton.

Inirerekomendang Serving: 1 hanggang 2 servings kada linggo, katumbas ng 6 na ounces (170 gramo) kada linggo.

Processed Meat

Kung ang red meat ay “maaaring nakaka-cancer sa mga tao,” ang processed meat ay ikinokonsidera ng WHO na nakaka-cancer sa mga tao. Ibig sabihin na ito ay mayroong mga ebidensya na ang processed meat ay nakaka-cancer.

Ang mga processed na karne na produkto ay sumailalim sa proseso upang mapabuti ang lasa at tagal ng buhay. Halimbawa ng pagproseso ay paglalagay ng asin, pagbuburo, curing, smoking at iba pa.

Inirerekomendang Servings: Kung nais kumonsumo ng processed na karne, sinasabi ng mga eksperto na ilimita sa 3 portions nito kada linggo. Ang ibig sabihin ng portion ay ang dami na pinagpasyahan mong kainin hindi ang serving size. Nasa 350 hanggang 500 grams ay sapat na.

Alak

Ang International Agency for Research on Cancer ay natukoy na ang nakalalasing na inumin (parehong binuro at distilled) ay nakaka-cancer.

Sinasabi ng mga pag-uulat na maraming mga pag-aaral na kaugnay sa nakalalasing na inumin at cancer sa suso, atay, bibig, larynx, pharynx, at esophagus.

Inirerekomendang Servings: Maaaring uminom ang mga babae ng isang baso sa isang araw. Para sa mga lalaki, 2 baso o mas kaunti ang inirerekomenda. Tandaan, na ang isang inumin ay iba-iba ang sukat depende sa uri ng alak (para sa wine, 5 ounces ay isang inumin)

Daing na Isda

Tandaan na walang pag-aaral na nakalista tungkol sa daing na isda bilang nakaka-cancer na pagkain. Gayunpaman, ayon sa International Agency for Research on Cancer o IARC na ang proseso ng paglalagay ng asin ay nagpo-produce ng nakaka-cancer na compounds, kaya’t tinukoy ang daing na isda bilang nakaka-cancer na pagkain sa mga tao.

Inirerekomendang Servings: Hangga’t maaari kumonsumo ng sariwang isda sa halip na ito. Maaari kang kumonsumo ng 8 ounces ng isda kada linggo (226 grams).

Huling Paalala

Tandaan na ang ibang pagkain, na sinasabi ng mga tao na nakaka-cancer ay hindi talaga nakaka-cancer. Halimbawa ay ang tokwa ay hindi nagiging sanhi ng cancer sa suso. Ang mga matatamis na pagkain ay hindi nakaka-cancer. Gayunpaman, ang pagkain ng mga pagkain na maraming asukal ay magpapahirap sa iyo na i-manage ang timbang. Ito rin ay nagpapataas ng banta ng pagkakaroon ng cancer.

Kahit na alam ang mga listahan na ito, tandaan na kung ang pag-uusapan ay diet, kumonsumo ng baryasyon ng pagkain. Ito ay partikular sa mga prutas at gulay at whole grains, ito ang pinaka mainam na kainin. Kung mayroong alalahanin sa iyong diet at nutrisyon huwag mag-alinlangang kontakin ang iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Cancer dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cancer: Carcinogenicity of the consumption of red meat and processed meat, https://www.who.int/news-room/questions-and-answers/item/cancer-carcinogenicity-of-the-consumption-of-red-meat-and-processed-meat, Accessed June 30, 2022

Is Red Meat Bad for You?, https://health.clevelandclinic.org/is-red-meat-bad-for-you/#:~:text=Try%20to%20limit%20your%20red,to%203%20ounces%20per%20week., Accessed June 30, 2022

Serving Sizes and Portions, https://www.nhlbi.nih.gov/health/educational/wecan/eat-right/distortion.htm, Accessed June 30, 2022

Limit red and processed meat, https://www.wcrf.org/diet-activity-and-cancer/cancer-prevention-recommendations/limit-red-and-processed-meat/#:~:text=If%20you%20eat%20red%20meat,%2C%20if%20any%2C%20processed%20meat.,Accessed June 30, 2022

Dietary Guidelines for Alcohol, https://www.cdc.gov/alcohol/fact-sheets/moderate-drinking.htm#:~:text=To%20reduce%20the%20risk%20of,days%20when%20alcohol%20is%20consumed., Accessed June 30, 2022

Carcinogenic Food Contaminants, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2782753/, Accessed June 30, 2022

Food myths and cancer, https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/causes-of-cancer/diet-and-cancer/food-controversies, Accessed June 30, 2022

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang ibig sabihin kapag may history ng cancer ang iyong pamilya?

Paano ang pang araw-araw na buhay ng may cancer sa atay?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas