backup og meta

Cancer Sa Lalamunan: Mahalagang Mga Kaalaman

Cancer Sa Lalamunan: Mahalagang Mga Kaalaman

Ang cancer sa lalamunan ay ang pangkalatahang terminong tumutukoy sa cancer na nadebelop sa lamamanun at voice box. Ang lalamunan o pharynx ay isang muscular tube na nag-uugnay sa likod ng ilong at sa leeg. Binubuo ng cartilages ang voice box o larynx na naglalaman ng vocal cords, na nag-vibrate upang makapagprodyus ng tunog sa tuwing ikaw ay nagsasalita. Alamin sa artikulong ito ang mga kaalaman tungkol sa cancer sa lalamunan.

6 Na Mahalagan Kaalaman Tungkol Sa Cancer Sa Lalamunan

1. Ang Pagbabago Sa Pagsasalita Ay Isa Sa Mga Sintomas Nito

Isa sa mga pinakamahahalagang kaalaman tungkol sa cancer sa lalamunan ay ang mga sintomas nito ay maaaring maging hindi kapansin-pansin sa una.

Ang mga senyales at sintomas na maaaring maranasan ng pasyenteng may cancer sa lalamunan ay ang mga sumusunod:

  • Hindi malinaw na pagsasalita o pagbabago sa boses
  • Ubo
  • Pananakit sa tainga
  • Pananakit ng lalamunan
  • Pagbaba ng timbang
  • Pananakit o bukol na hindi gumagaling

2. Ang Sanhi Ng Cancer Sa Lalamunan Ay Hindi Pa Nalalaman

Ang cancer sa lalamunan ay maaaring madebelop kung ang cells sa lalamunan ay nagkaroon ng genetic mutation.

Hindi pa rin nalalaman ang pinagmulan ng mutations na ito. Subalit ito ay nagiging sanhi upang ang cells ay patuloy na lumaki at mabuhay kahit dumating sa puntong ang malulusog na cells ay madalas na mamatay. Ang pamumuo ng cells na ito ay dahilan upang mabuo ang tumor sa lalamunan.

Ang katotohanan na ang sanhi nito ay hindi pa nalalaman ay ang dahilan kaya mahalagang malaman ang mga kaalaman tungkol sa cancer sa lalamunan na madalas nating balewalain.

3. Nakapagpapababa Ng Tyansa Ng Pagkakaroon Ng cancer Sa Lalamunan Ang Mas Malusog Na Paraan Ng Pamumuhay

Ang mga mapapanganib na salik ng cancer sa lalamunan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Kaya mahalagang itigil ang mga mapanganib na gawi at palakasin ang kabuoang kalusugan sa pamamagitan ng wastong diet at pag-iwas sa ibang mga impeksyon.

4. Ang Gamutan Ay Nakadepende Sa Paglubha Ng Kondisyon

Depende sa yugto o kalubhaan ng cancer, kabuoang kalusugan, iyong lokasyon at personal na kagustuhan, may mga angkop na gamutan para sa cancer sa lalamunan tulad ng:

Radiation Therapy

Ang radiation therapy ay gumagamit ng X-rays at protons upang makapagprodyus ng radiation na maaaring maging sanhi upang mamatay ang cancer cells. Ang uring ito ng therapy ay maaari ding isagawa sa cancer sa lalamunan na hindi pa kumakalat sa lymph nodes.

Ang kombinasyon ng radiation therapy, chemotherapy, o operasyon ay maaaring kailanganin para sa mga mas malulubhang kondisyon. Maaaring mapababa ng radiation therapy ang mga senyales at sintomas ng cancer sa lalamunan at mas makontrol ito.

Operasyon

Ang yugto ng cancer at ang lokasyon nito sa iyong lalamunan ay maaaring isaalang-alang sa isasagawang operasyon. Ang mga opsyon ng operasyon ay ang mga sumusunod:

  • Operasyon para sa minor na cancer sa lalamunan (cancers na hindi pa nakararating sa lymph nodes)
  • Operasyon upang tanggalin ang bahagi o ang buong  voice box (laryngectomy)
  • Operasyon upang tanggalin ang bahagi ng lalamunan (pharyngectomy)
  • Operasyon upang tanggalin ang cancerous na lymph nodes (neck dissection)

Chemotherapy

Ang prosesong ito ay gumagamit ng drugs upang alisin ang cancer cells. Madalas na ginagamot ang chemotherapy kasabay ng radiation therapy sa karamihan ng mga gamutan ng cancer sa lalamunan.

Maraming drugs na ginagamit sa chemotherapy ang nagpupwersa sa cancer cells na magkaroon ng reaksyon sa radiation therapy, dahilan upang mas madaling maalis ang mga ito. Gayunpaman, ang paggamit ng parehong paraan ay maaaring magresulta sa mas maraming side effects.

Targeted Drug Therapy

Ang paraang ito ay gumagamit ng mga gamot upang atakehin ang mga tiyak na depekto ng cancer cells. Sa ganitong paraan ay tumitigil sa paglaki ang mga ito. Maaaring targeted drug therapy lamang ang isagawa sa isang pasyente o maaaring kasabay ng radiation therapy o chemotherapy.

Immunotherapy

Ang cancer cells ay ang dahilan upang magkamali ang immune system na panlaban ng katawan sa mga sakit. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagprodyus ng mga protina upang maiwasan ang pag-atake. Binabago ng immunotherapy ang prosesong ito at ginagamit ang iyong sariling immune system upang labanan ang cancer. Ang paraang ito ay isinasagawa lamang sa mga pasyenteng may malubhang cancer at hindi nagkakaroon ng reaksyon sa ibang mga gamutan.

5. Walang Tiyak Na Paraan Upang Maiwasan Ang Cancer Sa Lalamunan

Wala pa ring napatunayang paraan upang maiwasan ang cancer sa lalamunan. Gayunpaman, maaari mong mapababa ang tyansa ng pagkakaroon nito at ng mga sintomas sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Hindi paninigarilyo
  • Kaunti lamang na pag-inom ng alak o hindi pag-inom nito
  • Pagpapanatili ng malusog na diet kabilang ang mga prutas at gulay
  • Protektahan ang sarili mula sa HPV (Human Papillomavirus) na isang sexually transmitted infection.

6. Kinakailangan Ang Espesyal Na Medikal Na Pangangalaga Habang Nagpapagaling

Ang pagkontrol sa mga sintomas ng cancer sa lalamunan at sa side effects ng mga gamutan nito ay hindi madali. Ang ilang gamutan ay nakatutulong na mabawasan ang mga sintomas ng subalit nag-iiwan ng mga komplikasyon.

Kadalasan, maaaring mangailangan ng tulong mulsa sa isang espesyalista upang maibalik ang mga tiyak na kakayahan tulad ng paglunok at pagsasalita. Matapos ang bawat gamutan, maaaring hayaan ka ng iyong doktor na humingi ng tulong mula sa espesyalista para sa:

  • Kahirapan sa pagkain
  • Problema sa pagsasalita
  • Kahirapan sa paglunok
  • Pananakit at paninigas ng leeg
  • Pag-iingat sa stoma (surgical opening sa lalamunan) para sa mga pasyenteng sumailalim sa tracheotomy

Ang mga gamutan sa cancer tulad ng chemotherapy, operasyon, at radiation therapy ay mga agresibong paraan na maaaring magkaroon ng matagal na side effects sa pasyente.

Upang matulungan ang pasyente at ang kaniyang pamilya sa pagharap sa mga sintomas at gamutan ng cancer sa lalamunan, maaari silang humingi ng karagdagang suporta mula sa palliative or supportive care.

Ito ay isang espesyal na medical care na nagbibigay ng ginhawa mula sa sakit at mga sintomas ng cancer sa lalamunan o iba pang mga malulubhang sakit. Ang palliative care ay ginagamit kasabay ng mga gamutan upang mapabuti ang buhay ng pasyente at ng kanilang pamilya. Ito ay ibinibigay ng grupo ng mga propesyonal, doktor, at nars na nagsanay sa pagsasagawa nito.

Key Takeaways

Bagama’t maraming mga medikal na pag-unlad ang naisagawa sa paglipas ng mga taon, wala pa ring tiyak na lunas o bakuna na maaaring magamit upang malunasan ito. Gayunpaman, may mga maaaaring pagpiliang mga gamutan na maaaring isagawa upang mabawasan ang mga sintomas at hindi magkaroon ng remission.
Lubhang mahalaga habang sumasailaim sa gamutan ang suporta ng mga kaibigan at pamilya. Ang pagpapagaling mula sa gamutan ng cancer ay maaaring mangailangan ng maraming therapies kaya mahalagang palakasin ang loob at suportahan ang pasyente hanggang siya ay tuluyan nang gumaling.
Ang cancer sa lalamunan ay maaaring magamot at makontrol sa pamamagitan ng maagang diagnosis at wastong gamutan. Ibahagi sa iyong pamilya at mga kaibigan ang mga ito na kaalaman tungkol sa cancer sa lalamunan. Laging piliin ang malusog na paraan ng pamumuhay at gawin ang mga kinakailangang pag-iingat upang mapababa ang tyansa ng pagkakaroon ng sakit.

Matuto pa tungkol sa Cancer dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Throat cancer- Symptoms and Causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/throat-cancer/symptoms-causes/syc-20366462, Accessed June 15, 2021

Throat cancer | Causes, Symptoms & Treatments | Cancer Council, https://www.cancer.org.au/cancer-information/types-of-cancer/throat-cancer, Accessed June 15, 2021

Throat Cancer | Throat Cancer Symptoms | MedicinePlus, https://medlineplus.gov/throatcancer.html, Accessed June 15, 2021

Throat cancer – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/throat-cancer/diagnosis-treatment/drc-20366496, Accessed June 15, 2021

Treating Throat Cancer by Stage | Stages of Throat Cancer & Treatment, https://www.google.com/amp/s/amp.cancer.org/cancer/laryngeal-and-hypopharyngeal-cancer/treating/by-stage.html, , Accessed June 15, 2021

Kasalukuyang Version

11/07/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement