Isang karaniwang uri ng oral cancer ang cancer sa dila na pangunahing nakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng dila, lalo na ang harapan at ibaba nito. Kung ang cancer ay nasa harap na bahagi ng dila, tinatawag itong oral cancer. Sa kabilang banda, kung nasa base o ibabang bahagi ito ng dila, tinatawag itong oropharyngeal cancer. Dahil ang base ng dila ay malapit sa lalamunan, pinakamalaki ang tsansang maapektuhan nito at mag-develop ng cancer sa mga lugar na ito.
Maraming uri ng cancer sa dila. Ang pinakakaraniwang uri nito ay tinatawag na squamous cell carcinoma. Naaapektuhan nito ang palibot ng bibig, ilong, larynx, at lalamunan.
Gaya ng nabanggit, karaniwan ang ganitong uri ng cancer, lalo na pagdating sa mga lalaking ang edad ay mahigit na sa 60. Hindi ito karaniwan sa mga babaeng edad 40 pababa.
Mga Senyales At Sintomas
Narito ang mga senyales at sintomas ng cancer sa dila.
Oral Tongue Cancer
- Magkakaroon ng pinkish-red sore sa dila. Maaaring hindi ito maghihilom agad.
- Madalas magdugo ang sore kapag nahahawakan o nakakagat.
- May bukol sa gilid ng dila na maaaring sumagi sa ngipin.
Base of the Tongue Cancer
- Kung ang squamous cell ay nasa base ng ngipin, wala itong lilitaw na mga senyales o sintomas dahil asymptomatic ito. Lilitaw lamang ang mga senyales nito kapag lumaki na ang squamous cell.
- Pananakit ng dila
- Magkakaroon ng pagbabago sa tono ng boses ng tao
- Nahihirapang lumunok
- Nakararamdam na bloated o busog
- Maaaring makaranas din ng pananakit ng tainga
Sa kasamaang palad, hindi lilitaw ang mga senyales at sintomas hanggang sa lumaki na ito. Sa panahong ito, maaaring na-develop na ang cancer at nakaabot o kumalat na sa lymph nodes ng leeg.
Mga Sanhi At Panganib
Hindi pa malinaw kung ano nga ba ang totoong sanhi ng cancer sa dila.
Gayunpaman, ang posibleng dahilan ay kawalan ng maayos na oral hygiene. Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay isa rin sa nauugnay na sanhi ng ganitong uri ng cancer. Ang iba pang mga sanhi ng ganitong uri ng cancer ay jagged teeth, mga pustisong hindi maayos ang pagkakahulma, at projecting fillings.
Kung ang isang tao ay mayroon ng alinman sa mga nabanggit, kung gayon ay malapit sila sa panganib ng pagkakaroon ng cancer. Gayunpaman, hindi naman garantiya na magkakaroon sila agad ng cancer sa dila.
- Ang mga lalaking kabilang sa mas matatandang age bracket ay malapit sa pagkakaroon ng cancer sa dila. Gayunpaman, may mga pagkakataong ang isang mas batang lalaki ay natukoy na may ganitong uri ng cancer.
- Salik din ng pagkakaroon ng cancer ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Kung madalas itong gawin ng mga tao, maaaring magkaroon sila ng ganitong uri ng cancer kumpara sa mga taong hindi naninigarilyo at umiinom.
- Mas mataas ang panganib na magkaroon ng ganitong uri ng cancer ang mga taong napag-alamang may HPV (human papillomavirus).
- Isa ring salik ng pagkakaroon ng cancer ang pagkain dahil ang kakulangan sa vitamins at minerals mula sa mga prutas at gulay ay nagpapataas ng tsansang magkaroon ng cancer.
- Mahinang immune system
- May nakaraang cancer
- Genetic condition