backup og meta

Gamot Sa Cancer: Anu-Ano Ang Karaniwang Ginagamit Na Paraan?

Gamot Sa Cancer: Anu-Ano Ang Karaniwang Ginagamit Na Paraan?

Sa taong 2018 lamang, mahigit 17 milyong tao ang nasuri na may cancer. At sa kabila ng mga modernong gamot sa cancer, 9.6 na milyon ang namatay noong 2018 dahil sa cancer. 

Ang cancer ay ikalawa sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa buong mundo, bumibilang ito ng isa sa bawat anim na kamatayan. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ang mga nagiging sanhi ng cancer, ano ang mga uri ng paggamot ang epektibo, at paano maiiwasan. 

Ngunit, ano nga ba ang cancer? Ang cancer ay isang sakit na  sanhi ng abnormal na paglaki ng mga cell sa katawan, at ang pagdami nito nang walang kontrol. Karagdagan, ang hindi pagkakaroon ng maayos na paggamot sa cancer cells ay maaaring makahawa sa ibang organs at kumalat sa buong katawan. 

Nag-uumpisa madalas ang cancer sa isang bahagi ng katawan at sa katagalan, maaari itong lumaki at kumalat sa organs sa prosesong tinatawag na metastasis. 

Ito ang rason kung kaya’t ang maagang pagtuklas dito ang susi upang magamot ito, dahil ang panganib sa kamatayan dahil sa cancer ay bumababa kung ito ay agad na matutuklasan at magagamot. Alamin dito ang gamot sa cancer.

Gaano Ka-Karaniwan Ang Cancer? 

Ayon sa estadistika, tinatayang nasa 38.4% ng mga kalalakihan at kababaihan ang maaaring masuri na may cancer sa kanilang buhay. 

Ang mga numerong ito ay mataas kung titingnan, ngunit dahil ito sa katunayan na ang mga tao sa panahon ngayon ay mayroong mas mahabang panahon ng pamumuhay. Dahil habang tumatanda ang tao, mas malaki ang panganib na magkaroon ng cancer. 

Sa katunayan, nasa 60% ng mga pasyente na may cancer ang nasa edad 65 pataas.

Sintomas At Sanhi Ng Cancer 

Ano Ang Mga Sintomas Ng Cancer? 

Ang karaniwang sintomas ng cancer ay depende sa organ na apektado nito. Gayunpaman, mayroon ding ilang sintomas na may parehong sintomas sa iba pang uri ng cancer. Narito ang ilan sa mga sintomas: 

  • Hindi maipaliwanag na bukol na lumalaki sa katawan, partikular sa dede
  • Hindi maipaliwanag na pagdurugo
  • Biglaang pagbaba ng timbang
  • Paninilaw, pangingitim o pamumula ng balat, at paglaki o pagbabago ng nunal
  • Pagbabago sa dumi
  • Fatigue, o madalas na pakiramdam ng pagkapagod
  • Pagiging hindi komportable matapos kumain

Mga maaaring sintomas ng cancer na hindi karaniwan, kabilang ang: 

  • Paglubog ng mukha
  • Hindi maipaliwanag at biglaang seizure
  • Biglaang hirap sa pandinig
  • Madalas na pananakit ng ulo
  • Mga sugat na hindi gumagaling 

Kailan Dapat Magpatingin Sa Doktor? 

Kung ikaw ay nakararanas ng alinmang sintomas sa mga nabanggit, mainam na ideya ang magpatingin sa doktor. Ang maagang pagtuklas ang susi upang matagumpay na magamot ang cancer, kung kaya mahalaga na hindi balewalain ang anumang sintomas na maaaring mayroon ka. 

Ang iyong doktor ay maaaring payuhan ka sa mga pagsusuri para sa mga karaniwang uri ng cancer. Ito ay nauuri na risk profile, tulad ng salik sa pamumuhay at history ng pamilya. 

Ilan sa mga uri ng cancer na ipinasusuri ay ang cancer sa baga, cancer sa dede, cervical cancer, at colorectal cancer. 

Sa sandaling matukoy na ito iyong healthcare provider ay maaaring ibigay ang pinakamahusay na gamot sa cancer para sa iyo.

Ano Ang Nagiging Sanhi Ng Cancer? 

Nangyayari ang cancer bilang resulta ng pagbabago ng mga cell. Ang pagbabago na ito ay maaaring magsanhi ng hindi makontrol na pagkakatulad ng mga cells, paglago at paghahati-hati o magkaroon ng kamalian sa DNA sa paggaya nito. 

Ang mga pagbabago sa cells ay isinasaalang-alang bilang mga patay na cell na hindi gumagalaw tulad ng mga normal na cell. 

Kung hindi magagamot ang cancer, ang mga cell ay maaaring kumalat sa kabuuang bahagi ng katawan. Magdudulot ito ng pagtigil sa maayos na paggalaw ng mga organs na nagiging sanhi ng kamatayan. 

Maaaring ang mga pagbabagong ito ay genetic o namamana, na nangangahulugan na ikaw ay nabuhay na mayroong ganito, o dulot ng mga labas na salik na nakaaapekto sa paglaki ng cell 

Kinabibilangan nito ang mga bagay tulad ng paninigarilyo, exposure sa carcinogens o mga kemikal na nagdudulot ng cancer o kasamaan sa kalusugan. 

Normal para sa mga cell ang magbago kung ito ay lumalaki at nahahati. Gayunpaman, ang mga pagbabagong ito ay naitatama bago tuluyang maging cancer cells. Ngunit kung ang mga pagbabagong ito ay hindi maitatama sa oras, dito mag-uumpisa ang cancer. 

Umaabot ng taon bago magkaroon ng cancer sa katawan. May posibilidad din na ang cancer ay nasa mataas na yugto bago ito matuklasan, at sa ganitong pagkakataon, ang gamot sa cancer ay maaaring hindi na gaanong epektibo. 

Ito ang dahilan kung bakit mainam na malaman ang mga panganib at ang pag-iwas sa mga panganib na ito ay makatutulong sa paggamot at pag-iwas sa cancer

Mga Salik Ng Panganib 

Ano Ang Nagpapataas Ng Panganib Ko Sa Cancer? 

Marami ang mga posibleng salik ng panganib sa cancer. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod: 

  • Ang edad ay malaking salik sa panganib ng cancer. Habang tumatanda ang tao, tumataas din ang posibilidad na sila ay magkaroon ng cancer. Tumatagal din ng taon bago tuluyang mabuo ang cancer sa katawan.
  • Gumaganap ding papel ang mga gawing pangkalusugan sa cancer. Halimbawa, ang mga naninigarilyo ay mayroong mataas na posibilidad na magkaroon ng lung cancer kumpara sa mga hindi naninigarilyo.
  • Kahit hindi ka naninigarilyo, ang exposure sa usok ng sigarilyo ay nakatataas pa rin ng posibilidad na magkaroon ng cancer. Katulad sa kemikal na carcinogens ay nakapagpapataas din ng panganib sa cancer. Ito ang mga kemikal na maaaring nasa lugar ng pinagtatrabahuhan at sa bahay.
  • Ang kabuuang kalusugan ay dumadagdag sa posibilidad na magkaroon ng cancer. Ang hindi pangangalaga sa katawan ay nakadaragdag sa posibilidad na magkaroon ng cancer. Kabilang sa mga gawing ito ang hindi paggamit ng sunblock, palaging pag-upo bilang parte ng pamumuhay, hindi ligtas na pakikipagtalik, at labis na pag-inom ng alak. 

Ang mga itinalang salik ay makatutulong na maiwasan ang cancer.

Gamot Sa Cancer At Diagnosis

Paano Ang Diagnosis Ng Cancer? 

Ang diagnosis ng cancer ay maaaring dumaan sa iba’t ibang paraan, depende sa kung anong uri ito. Narito ang ilang mga pagsusuri na maaaring gawin ng doktor: 

  • Maaaring ipagawa ang pisikal na pagsusuri upang makita kung mayroong mga bukol o abnormal na pagbabago sa iyong katawan. Maaari ding tingnan ng doktor ang iyong balat para sa pagbabagong-kulay na maaaring sintomas ng cancer.
  • Ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda na ipasailalim ka sa mga pagsusuri upang tingnan kung mayroong presensya ng cancer. Magandang halimbawa ang pagsusuri sa dugo, upang malaman kung ikaw ay mayroong leukemia o cancer sa dulo, o bone marrow.
  • Maaari ding ipasailalim sa biopsy at tissue . Ang lokasyon ng gagawing biopsy ay depende sa uri ng na hinihinalang mayroon sa iyo.
  • Ang mga paglalarawan rulad ng computerized tomography o CT scan, bone scan, magnetic resonance imaging o MRI, positron emission tomography o PET scan, ultrasound at X-ray ay maaaring gawin sa iyong katawan upang tingnan kung mayroong cancer. 

Kung ang iyong doktor ay kinumpirma na mayroong kang cancer, susubukin nilang tukuyin kung anong yugto na ito. Ang cancer ay mayroong apat na yugto, ang unang yugto bilang pinaka maaga at ikaapat na yugto ang pinakamataas at huling yugto. 

Ano Ang Maaasahan Kong Gamot Sa Cancer? 

Ang gamot sa cancer ay depende sa kung anong uri at yugto ng sakit ang mayroon ka. 

Narito ang ilang mga uri ng gamot sa cancer: 

  • Chemotherapy. Ito ay uri ng lunas na ginagamitan ng gamot; ito ay maaaring rekomendasyon ng iyong doktor.
  • Radiation therapy. Ang radiation ay ginagamit upang patayin ang cells ng cancer sa katawan.
  • Ang immunotheraphy ay isang uri ng paggagamot kung saan ang resistensya ng pasyente ay ginagamit upang patayin ang cancer cells sa katawan.
  • Bone marrow transplant ay ginagamit ding paraan ng paggagamot. Ito ay nakatutulong sa pasyente na matiis ang chemotherapy upang mapalitan ang patay na bone marrow.
  • Hormone therapy. Ito ay uri ng therapy na nagbabago sa antas ng tiyak na hormes sa katawan upang makatulong sa paglago ng cancer cells.
  • Ginagamit din ang operasyon upang tanggalin ang mga bahagi ng organ na apektado ng cancer cells. 

Ang mga ganitong uri ng gamot sa cancer ay maaaring gamitin na pang-ugnay sa iba pa upang tuluyang maalis ang cancer cells sa katawan. 

Sa mga kaso kung saan ang cancer ay lumala hanggang sa puntong hindi na magagamot pa, o ang pasyente na mayroong malalang cancer, maaaring bigyan ng pampaginhawa na pangangalaga upang mabawasan ang mga sintomas na nararanasan ng pasyente.

Pagbabago Sa Pamumuhay At Lunas Sa Bahay

Ano ang ilan sa mga pagbabago sa pamumuhay o mga lunas sa bahay na makatutulong i-manage ang cancer? 

Sa pagma-manage ng cancer, ang pagbabago ng pamumuhay at mga lunas sa bahay ay mainam na pang-ugnay sa paggamot ng cancer para sa mas mataas na posibilidad ng pagtatagumpay nito. Ito ay dahil ngayon, ang mga alternatibong uri ng pang gamot sa cancer ay hindi pa napatunayang epektibo 

Mahalaga rin na maging totoo sa iyong doktor tungkol sa mga panlunas na iyong sinusubukan dahil ang ilan sa mga ito ay maaaring makaapekto sa paggamot sa iyong cancer. 

Sa kabila nito, ang mga alternatibong uri ng paggamot sa cancer at makatutulong upang mapagaan ang mga sintomas na nararanasan ng pasyente, partikular sa mga masinsinang paraan ng paggagamot tulad ng chemotherapy, at radiation therapy.

Narito ang ilang mga pagbabago sa pamumuhay at lunas sa bahay na maaaring makatulong sa may cancer: 

  • Kung ikaw ay naninigarilyo, mainam kung ititigil na ito. Ang usok mula sa paninigarilyo ay kilala bilang carcinogen.
  • Mag-ehersisyo sa loob man lang ng 30 minuto kada araw. Ang regular na pag-eehersisyo ay makatutulong sa iyong katawan at sa resistensya na maging malakas.
  • Panatilihing nasa tamang timbang. Ang pagiging obese at sobra sa timbang ay hindi lamang nakapagpapataas ng panganib sa mga uri ng cancer ngunit maging sa pagkakaroon ng sakit sa puso.

Kung ikaw ay mayroong katanungan, mangyaring kumunsulta sa iyong doktor upang mas maunawaan ang pinakamahusay na solusyon para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa iba pang uri ng Cancer dito. 

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis, o paggamot

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cancer, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cancer/symptoms-causes/syc-20370588, Accessed July 30, 2020

Cancer, https://www.who.int/health-topics/cancer#tab=tab_1, Accessed July 30, 2020

Cancer, https://www.nhs.uk/conditions/cancer/, Accessed July 30, 2020

What Causes Cancer? https://www.cancer.org/cancer/cancer-causes.html, Accessed July 30, 2020

Cancer, https://www.cdc.gov/cancer/index.htm, Accessed July 30, 2020

Cancer – Screening Tests, https://www.cdc.gov/cancer/dcpc/prevention/screening.htm, Accessed June 7, 2021

Kasalukuyang Version

03/07/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano Ang Mainam Na Pagkain Para Sa May Colon Cancer

Dapat Malaman Tungkol Sa Lung Cancer: Facts Na Dapat Tandaan


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement